ELLAINE
“Anong nangyari?” tanong ni Manang Corazon sa akin pagbalik ko sa kusina. Napailing ito habang ang mata ay nakatitig sa tray na hawak ko.
Napa-kamot naman ako sa aking ulo. “N-nagalit po kasi si Senyorito Hudson, eh.” sagot ko at nagbaba ng paningin sa tray na hawak ko.
Narinig kong mabigat na huminga si Manang Corazon. Kinuha niya sa akin ang tray. “Sige na, ako na ang bahalang magligpit nito. Kumain ka na muna ng almusal mo, at pagkatapos ay maligo ka. May pupuntahan daw kayo ni Madam,”
“P-po? S-saan daw po kami pupunta?” manghang sagot ko naman.
Manang Corazon glared at me, halatang hindi nito nagustuhan ang pagtatanong ko. “Hindi ako si Madam, kaya hindi ko alam,” mahina ngunit may diin at katarayan na tugon nito sa akin saka hinarap ang trash bin at tinapon ang kalat na laman ng tray.
Napanguso ako. Ang sungit talaga ng matandang gurang na 'to!
Humarap sa akin si Manang Corazon matapos magtapon sa trash bin. Namewang siya. “Oh, bakit nakatunganga ka pa r'yan? Kilo na! Porsanto!”
Napapitlag ako sa gulat. “O-opo! Kakain na po ako, sorry po!” dali-dali akong kumuha ng plato at kutsa, naupo at dumulog sa lamesa para kumain ng almusal nang hindi tumitingin sa direksyon ni manang Corazon. Alam ko kasing nakabusangot ang mukha nito sa hindi ko alam na dahilan.
“Bilisan mong kumain, maya-maya ay baba na si Madan, kaya dapat nakaligo ka na.”
Padabog na nilapag nito ang tray sa ibabaw ng lamesa saka pumihit paharap sa pinto at naglakad palabas ng kusina.
“Hindi talaga maka-tao ang ugali ng tao na 'to, hayop!”
Narinig kong sambit ni Manang Corazon habang naglalakad ito palayo sa kusina.
Naguguluhan na napakunot ako ng noo. Ano daw? Ako ba ang tinutukoy ni Manang Corazon na hindi maka-tao ang ugali? Wala naman akong ginawa ah? Grabe naman itong si Manang kung maka hayop. Kasalanan ko ba kung ayaw kumain ni Senyorito Hudson? Kasalanan ko ba kung tinapon niya ang pagkain niya? Hindi naman 'di ba? Napabuntong hininga ako. Bakit kaya ang bigat ng loob sa akin ni Manang Corazon? Napapaisip na tanong ko sa aking sarili. Mas masungit pa kasi siya kaysa kay Madam, eh.
Binilisan ko ang aking pagkain at pagtapos ay pumasok sa aking silid para maligo. Naligo naman ako kanina bago ako pumunta dito sa mansyon, pero dahil utos ni Madam ang maligo ako, edi maligo.
Grabe. Ibang-iba itong silid ko compare doon sa kwarto ko noong babysitter pa ako ng bata sa dati kong amo. Sabagay, di hamak na mas mapera si Madam kaysa sa dati kong amo.
“OH MY GGGG! MY BATHTUB?” mangha at nakangiting sambit ko nang makita kong may bathtub dito sa loob ng cr sa kwarto ko. Teka, ito ba talaga ang magiging silid ko? Baka nagkamali lang ako ng napasukang pinto? Hindi kaya? Eh sa ganda ng banyo, para akong nasa five star hotel. Hindi ito cr ng ordinaryong kasambahay lang. Superb sa ganda!
Lumabas ako ng banyo para i-check kung nagkamali ba ako ng pinto na pinasukan. Baka kasi silid pala ito ni Madam eh mapagalitan pa ako.
Napatigil ako sa aking paghakbang nang makita ko ang bag na dala ko sa ibabaw ng kama. So ito nga talaga ang magiging silid ko? Tumakbo ako palapit sa kama at umakyat then nagtatatalon sa tuwa. "s**t! Ang ganda ng kwarto ko!" sambit ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sobrang ganda ng silid ko. Maya-maya ay agad akong tumigil sa pagtalon nang marinig kong bumukas ang pinto. I bit my lower lip sa pagkapahiya nang makita kong si Madam ang nagbukas ng pinto. As usual, maayos ang bihis nito. Puno ng kumikinang na accessories mula ulo hanggang kamay.
“What are you doing? Hindi ba sa 'yo sinabi ni Manang na aalis tayo?” sambit nito habang nakatingala sa akin.
Hindi magkanda mayaw na bumaba ako ng kama. “Ay, sinabi. Maliligo na nga po ako, trinay ko lang po yung kama kung matibay.” naka yukong sagot ko.
Bahagyang natawa si Madam. For sure dahil sa pagiging ignorante ko. “That bed is expensive, kaya matibay 'yan.” saan nito saka pumihit patalikod. “Hihintayin kita sa baba, busy ako kaya bilisan mo ang kilos.”
“O-okay po, Madam, sorry po.” sagot ko. Lumakad ako papunta sa gawi ng pinto at sinara iyon dahil hindi sinarado ni Madam. Binilisan ko ang aking kilos. Naligo at nagpalit ng damit. Sinuklay ang aking long and shiny hair. “Okay na 'to,” simpleng faded pants and t-shirt ang sinuot ko. Hindi ko naman kasi alam kung saan kami pupunta ni Madam. Suot ang aking luma at gusto nang bumigay pero salamat naman at nakikisama ang aking rubber shoe dahil hanggang ngayon kumakapit pa rin ito para hindi tuluyang ngumanga ang swelas ay lumabas na ako ng aking silid.
Habang naglalakad ako pababa ng hangdan, nakita kong abala si Madam sa pakikipag-usap sa phone sa sala. Tahimik akong lumamit sa kanya, tumayo lang ako sa isang tabi habang hinihintay kong matapos ito sa pakikipag-usap sa telepono.
“Okay, doc, i-schedule mo agad siya for surgery today.”
Narinig kong huling binitawan salita ni Madam sa kung sino mang kausap nito sa kabilang linya saka pinutol ang pakikipag-usap at hinarap ako.
“Let's go,” saad nito at nagpatiuna na lumakad. Tahimik lang akong bumuntot sa kanya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa naka park na kotse kung saan may lalaking nakasandal sa hood while may naka-ipit na yosi sa labi. Nang makita si Madam ng lalaki, ni hindi ito natakot man lang na nahuli na naninigarilyo sa oras ng trabaho. Nakangiti na pinagbuksan lang nito ng pinto si Madam sa front seat.
Sumakay naman ako sa backseat. Habang nasa byahe kami, kapansin-pansin ang pagiging bastos ng driver ni Madam dahil ni hindi nito magawang i-stop ang pagyoyosi sa loob ng sasakyan kahit sakay nito ang amo.
Buti at okay lang 'yon kay Madam?
Nagpatuloy pa sa pagdadrive ang driver ni Madam hanggang sa itigil nito ang kotse sa harap ng isang malaking clinic.
The Beauty Clinic. Surgery & Dermatology
Mula sa window ay basa ko sa nakasulat sa malaking gusali.
“Hintayin mo na lang kami dito sa kotse, Garry.” saad ni Madam sa driver saka ito bumaling ng tingin sa akin. “And you, sumunod ka sa akin,” sabi naman nito sa akin bago tuluyang bumaba ng kotse.
“Okay po,” mabilis akong bumaba ng kotse at tahimik pa rin na bumuntot sa paglalakad kay Madam. Bumukas ang glass sliding door ng clinic. Hindi naman nagtagal ay may lumapit sa aming dalawang staff.
“Good Morning po Ma'am,” sabay na bati ng dalawang staff kay Madam. “I-ready ko na po ba ang room para sa inyo?” saad ng isang staff na ang nakasulat na pangalan ay 'Mabel' kapangalan pa ng kaibigan kong si Mabel kaya naman naalala ko tuloy ang babaeng 'yon.
“No, not for me, for her.” sagot ni Madam. Tumagos ang paningin ng dalawang staff sa likuran ni Madam upang tingnan ako ng mga ito.
“S-sa kanya po Ma'am?” gulat at hindi makapaniwala na sambit naman ng isa pang staff. Aira ang name nito na nakasulat sa name plate.
“Yes, she have a schedule for silicone breast implants today,”
Bakas ang pagkabigla sa mukha ng dalawang staff sa sinabi ni Madam, pero kung nagulat sila, aba'y mas nagulat ako sa aking narinig. Ano? Ano daw? Schedule for silicone breast implant sino... ako?!
“A-ano pong sabi n'yo Madam?” hindi ko napigilan ang aking sarili. Kahit hindi ako magaling sa engles, malinaw sa aking pang unawa ang sinabi nito. Ini-schedule ako ni Madam para magpa implant ng silicon sa aking dibdib?
Hindi ako sinagot ni Madam, hinarap nito ang staff. “Girls, dalhin n'yo na siya kay Doc,” sabi nito at saka palang sa aking humarap. “We have a contract, Ellaine, nalimutan mo na ba? You signed the contract, nakuha mo na rin ang paunang bayad mo, kaya wala ka nang choice para mag inarte pa. One more thing, I’m a busy person kaya wala akong time sa drama mo.”
“P-pero... Ma...dam, wala po ito sa napag-usapan natin----” tikom ang bibig na napatigil ako sa aking pagsasalita nang walang sabi-sabi ay tumalikod na si Madam at iniwan ako nito sa Clinic kasama ang staff.
Wala akong pagpipilian kung 'di ang sumunod sa staff. Sinamahan nila ako papunta sa sinabi ni Madam na doctor. Babae ang doctor at napaka ganda.
“Ellaine, right?” parang diwata ang boses na tanong sa akin ng doctor.
Tumango naman ako. “Opo,” mabigat sa aking dibdib na tugon sa doctor.
“Halika rito, maupo ka,” ngiti na utos sa akin ni doktora.
Naupo ako sa silya na tinuro nito. Kahit anong focus ang gawin ko, lutang pa rin ako at hindi nagsi-sink-in sa akin angt lahat ng nangyayari sa akin. Kung bakit ako nandito sa clinic na ito.
“Ang swerte naman niya, si Ma'am pa ang magbabayad ng silicone implant niya.”
“Oo nga, ang swerte niya. Sana all.”
Rinig kong bulungan ng dalawang staff habang patuloy ang pag-eexplain sa akin ni doktora sa gagawin sa aking dibdib.
My ghad, ni sa panaginip ko ay hindi ko pinangarap ang magpa enhance ng bogelya ko. Masaya at kuntento na ako sa size na mayroon ako. Kaya hindi ko talaga gusto ang magpa implant. Isa pa'y natatakot akong magkaroon ng sakit sa dibdib dahil balita ko ay nakaka-cancer ang magpalagay ng silicone.
Kung pwede nga lang na ipasa ko na lang sa dalawang staff na ito ang pagpapa-silicone implant ay bakit hindi. Para no more 'sana all' na sila.