CHAPTER 1
PROLOGUE
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
There was an undergound society, were children. Is trained to kill to be able to live.
*BANG *BANG *BANG
Apat na letra isang salita, mga tunog na bumubulabog sa buong kapaligaran. Marami kang makikitang mga batang dose-anyos pataas. May mga hawak na baril, at bumabaril sa target point nila.
Marami ang bihasa na bumaril. Marami din ang takot na takot at nanginginig dahil may hawak silang baril. Isang malakas na hampas nang arnes sa kanilang mga binti. Sapagkat ayaw nilang bumaril, tanging iyak lamang ang kanilang ginagawa. Sapagkat takot na takot sila at nanginginig animo'y hindi alam ang gagawin.
Isang bata na edad kinse-anyos ang patuloy lamang sa panonood. Naging saksi siya sa karumaldumal na mga nangyayari. Naging mulat siya sa ganitong pamumuhay. Habang patuloy siyang nanonood, isang lalaki ang kaniyang nasa tabi.
"Son, watch. You should learn everything. Every single move," sambit nang lalaking nasa tabi niya
"Masusunod po, 'tay," tanging sambit niya.
Nakisama siya sa mga iba pang nag eensayo na mga bata. Mahahalata mo ang galing niya sa pamamaril at pag-asinta ng target.
FLASHBACK
"Please, sir. Patawarin na po ninyo kami. Hindi ko po sinadyang nakawin iyon. Kailangan ko lang po ng pera sa asawa kong may sakit," pagmamakaawa ng isang lalaki
"Hindi na kita ipapakulong KAHIT mahigit 300,000 thousand ang nanakaw mo. Naiintindihan ko ang sitwasyon ninyo. Ngunit kailangan na kita tangalin sa trabaho kahit, iyon nalang," sambit nang kaniyang boss
"Please po sir nagmamakaawa po ako sa inyo. Kailangan ko po ng trabaho at pera. Sa dami pa po naming babayaran na utang at pambayad po. Namin nang bill sa ospital," sabay luhod at patuloy pa din ang pagmamakaawa ng lalaki
"Pasensya na ngunit buo na ang desisyon ko," sagot sa kaniya ng kaniyang boss "Guards, kayo ng bahala sa kaniya."
"Pleasee po sir," patuloy niyang pagmamakaawa pero ang mga guards ay hinatak na siyang palabas.
END OF FLASHBACK
Kinuyom niya ang kaniyang palad nang maalala muli kong paano namatay ang kaniyang asawa. Pilit pa din niyang sinisi ang kaniyang dating naging amo sa pagkamatay ng kaniyang asawa.
Iniisip niya kung hindi lang siya tinanggal nito sa trabaho. Sana buhay pa ang kaniyang asawa. Ibinaling niya ang atensyon sa mga batang patuloy na nag-eenensayo. Sa pamamaril at tamang paghawak ng baril.