Prologue
Hindi ko alam kung napaparanoid lang ba ako pero ramdam ko na tatlong araw na akong sinusulyapan at sinusubaybayan sa Supermarket na pinagtatrabahuhan ko ng tatlong gwapong mga triplets.
Kanina pa sila sinisipat at tinitingnan ng mga tao sa loob ng Supermarket sa tuwing napapadaan ang mga ito sa harapan nila.
Sino ba namang hindi makakapansin sa triplets? Bukod sa magkakamukha ay mga gwapong mestisuhin rin. Kapansin-pansin ang tangkad nila na sa tantiya ko ay nasa 6 feet ang taas; maganda rin ang built ng pangangatawan at may nakakaakit na mga mata. Magkakamukha man ang tatlong triplets ngunit alam kong iba-iba ang personalidad ng mga ito.
Iyong dalawang triplets ay masayang nag-uusap sa tabi habang ang isa na may blue-gray na mga mata ay ni hindi ko mabakasan nang ekspresyon sa mukha at may malamig itong tingin sa akin.
Nakatingin siya sa akin!
Kaagad kong iniwas ang tingin sa gwapong nilalang na ito sa kabang bigla kong naramdaman at nagpatuloy sa paglalagay sa scanner ng counter ko ng mga produktong binili ng customers.
Mga bandang alas nuebe ng gabi nang matapos ang trabaho ko. Excited na rin ako umuwi para makita ang cute at magandang baby ko. Bumili na rin ako ng pasalubong kong Jollibee kiddie meal para sa kanya. Hindi ko na nakita ang triplets kanina kaya panatag ang loob kong lumabas sa Supermarket na pinagtatrabahuhan ko.
Kahit naman kasi mga papable at gwapo ang mga iyon ay ang creepy pa rin na tatlong araw ko na silang nakikita sa Supermarket na tila nakabantay o nakamasid sa akin. Ayoko mang maging assumera pero iyon ang nafe-feel ko!
Pagkalabas ko ng Supermarket ay muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makita sa harapan ko ang tatlong gwapong triplets.
Nakangiti iyong dalawa sa akin samantalang iyong isa naman na kanina'y tinititingan ako ay hindi na nakatingin at nakahalukipkip lang na parang nabuburyo siya sa nangyayari.
"Hi, ganda!" bati sa akin nung isa sa triplets na may clean cut na buhok.
"H-hi rin," bati ko na lang at alangang ngumiti.
"I'm Ahnwar and this is my brother, Ahzik. Nakuha mo ang atensyon namin kaya ngayon ay manliligaw na kami sa'yo." nakangiti nitong sabi sa kaswal na tono at ipinakilala ang isang kapatid niyang kinawayan at nginitian rin ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng lalaking ito hanggang sa mapadako ang tingin ko sa kapatid ng dalawang lalaking na seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha.
Nang tumingin ito sa akin ay biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
"They want to court you but you're not my type. I'm Ahmed, by the way," pakilala ng lalake hanggang sa tumalikod na ito at naglakad papunta sa nakaparadang kotse nila sa labas.
Para yata akong lalagnatin sa mga kaganapan ngayon sa boring kong buhay.
Nabalik lang ang atensyon ko sa dalawang lalaking kaharap ko nang bigla nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
Magha-hyperventile na yata ako sa sobrang init at pagkapula ng buong mukha ko; idagdag pang nakahalik sa magkabilang palad ko ang dalawang gwapong lalaking ito!
"From now on, we're courting you, and you're our official addiction, baby..."
Ano raw? Nababaliw na ba sila?
---
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © 2022 by Ajai_Kim
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.