Adi's POV After 1 year... Nandito kami sa Luneta Park at masayang namamasyal kasama sila Blair, Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Habang hindi pa lumalaki ang tyan ko dahil ngayon ay buntis ako sa pangalawang anak ko na si Ahnwar naman ang ama ay sinusulit na namin ang makapamasyal at gumala. Bukas pala ay may online class rin ako kaya ito ang magandang panahon para mamasyal kaming lima. Isang linggo na akong buntis at nararamdaman ko na kaagad ang matinding pagod at pagkahapo kahit lang sa maliit na bagay na ikinikilos ko. Ganito rin ako noong ipinagbubuntis ko si Blair at medyo maselan ako kapag buntis kaya nga noon ay todo asikaso sa akin si Nikolai at ang pamilya ko para lang maging maayos ang kondisyon namin ni baby Blair. Napagpasyahan naming magpicnic dito sa Luneta Park at kakatapos lang

