Adi's POV "I thought I was hallucinating; I thought you were in my dream, destroying my fantasy, but I'm not; I'm in reality, and I can't believe you're now in front of me..." Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko dahil naaalala ko pa rin ang sinabi ni Ahmed. Ano ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Lyrics rin ba iyon ng kanta? Pero bakit parang may laman iyon at may ibang kahulugan? Hindi ko na naitanong kung bakit niya sinabi iyon. Pagkatapos no'n ay kaagad siyang umalis at iniwan akong nagtataka. Ang weird talaga ng lalakeng iyon kahit kailan! Malayong-malayo ang personalidad niya kina Ahnwar at Ahzik na madaling basahin. Ni hindi ko pa nakita si Ahmed na ngumiti man lang. Bakit kaya siya naiiba sa dalawa niyang kapatid? May hindi ba siya magandang karanasan noong childhood niy

