Adi's POV Ngayon ay kasama ko si Nikolai at nandito ako ngayon sa bahay nila. Hindi pa umuuwi galing sa klase nila sina Eiselle at Cristina at baka raw gabihin pa ng uwi ang mga ito dahil sa project na ginagawa nila sa school nila. Si Nikolai ay day-off ngayon sa pasok nito sa trabaho kaya ngayon ay may libre siyang oras para makausap at makasama ako. Sinabi ko na rin sa kanya ang lahat ng mga kaganapan sa buhay ko at pati na rin na sinagot ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa panliligaw nila sa akin. "Ayos lang ba kay Sir Ahmed na jowa mo na 'yung dalawang kapatid niya?" tanong ni Nikolai habang abala kami sa pagkain ng halo-halo na nabili niya sa labas lang ng bahay nila. "Ayos lang naman siguro. Hindi niya ako kinakausap tungkol doon saka 'yon nga, may sarili na kaming kwarto ni Blair

