Adi's POV "Tama ba 'tong naririnig ko? Boyfriend mo na si Ahmed?" gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Ahnwar habang nakatingin sa amin ni Ahmed ng masama. "Tama tayo ng narinig, bro, at ang kapatid natin na sa una ay wala raw gusto kay Jianna ay sumasalisi na pala habang nagpapaka-busy tayo sa trabaho natin. Wow!" nakangisi ngunit may bahid ng pagkainis naman na saad ni Ahzik. Alam ko na ito ang magiging reaksyon nina Ahnwar at Ahzik kapag inamin namin ni Ahmed sa kanila na magkarelasyon na kami. Kahit ako nga ay hindi rin makapaniwala sa nangyayaring ito pero pursigido talaga si Ahmed sa akin at ayaw na niyang bawiin ko ang sinabi ko sa kanya na boyfriend ko na siya. "If there's one of us who deserves Adi, it's me; I'm Blair's biological father, and I've loved Adi since the first ti

