Aliyah's POV (Adi) Simula nang magtalo kami ni Francis sa fiesta sa bayan ng San Mariano ay hindi na niya ako pinapayagang lumabas dito sa loob ng bahay. Pareho kaming galit at may alitan sa isa't-isa at hindi ko na magagawang magsorry dahil wala naman akong ginawang masama para magalit siya sa akin. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa pagkatao ko. Wala akong maalala kahit isang ala-ala noong kabataan ko. Basta't nagising nalang akong nasa ospital ako pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa amin tatlong taon na ang nakakalipas. Hindi man ako kumikibo o madalas na magtanong kina Francis o Kuya Jeddaih ay hindi naman ako tanga o manhid katulad ng iniisip nila. Alam kong may itinatago sila sa akin at aalamin ko iyon. Dahil nasa loob lang naman ako ng bahay ay naisipan ko na lang na

