Adi's POV Simula nang dumating sina Ahmed at Ahnwar galing sa San Mariano ay halos hindi na ako mabitawan o maiwanan man lang ni Ahnwar. Palagi itong nakadikit sa akin at hindi na rin halos pumapasok sa kaniyang trabaho. Sina Ahmed at Ahzik ang sumasalo sa lahat ng mga gawain niya at naiintindihan naman iyon ng magkapatid dahil sobrang namiss lang raw talaga ako ni Ahnwar at natutuwa siya nang magbalik na ako sa kanila. Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang malaman ko ring hindi namin tunay na kapatid ni Haru si Kuya Hideyo. Alam ko na balang araw ay malalaman rin niya ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya pero umaasa pa rin kaming pamilya niya na hindi niya kami iiwan kahit hindi niya kami tunay na mga kadugo. Napamahal na kami kay Kuya Hideyo at ganoon rin siya sa amin.

