Nakatingin ako sa binta habang tinatanaw ang tauhan ni Romulus sa labas ng apartment ni Tita. "Ano ba talagang nangyare?"napairap nalang ako ng magtanong na naman sa akin si Tita. Tulog na ang mga bata buti nalang may malapit na bilihan ng damit na madadaanan kaya bumili kami ng konting damit namin. May pera pa naman ako pero manghihingi nalang ako ng tulong kay Jonan kung wala na akong pera sabi naman niya wag daw ako mahihiyang humingi ng tulong sa kanya. "Tita sa susunod nalang tayo magusap."pumunto ako sa gilid ng kama nila Tita at inayos ang latag ng aking tutulugan.Iisa lang kasi ang kwarto dito kaya nagsisiksikan kami. Katabi ko si Austine at silang tatlo naman sa kama kasi hindi pwedeng magsiksikan dahil kay Nene. Napatingin naman ako sa cellphone ko na nagvibrate.Kinuha ko i

