"Hindi ka talaga sumama sa kanya ha."Si Tita na naghihiwa ng bawang. "Hindi ako marupok tita."sagot ko sa kanya at tinulungan ko siyang magluto ng adobong sitaw.Umuwi na kanina si Romulus pagkagising nito gusto nga niyang ako sumama pero hindi ako pumayag buti nalang ay hindi na niya ako pinilit baka kung pinilit niya ako sumama na ako sa kanya. "Pero ayos na kayong dalawa?"tumango ako sa kanya at umalis na sa kusina baka magtanong pa siya ng magtanong. Iniisip ko kung kanino ko nakita ang tattoo na katulad nung lalaking nasa picture at bakit kamukha iyon si Romulus. Naupo naman ako sa gilid ng kama ng dahan dahan dahil tulog doon si Nene dala din ni Romulus yung dalawang aso dahil wala itong dalang pagkain at nagiwan din ito ng pera para sa amin. Bungo na may dalawang barili na nasa

