Ramdam ko pa rin ang mga salitang binitawan niya. His words lingered in my ears na kahit sa pagpikit ko ay naririnig ko pa rin iyon. For the hundredth time, the sides of my eyes watered again.
Umaga na. Kanina pa ako gising pero nanatili ako sa kama ko. Hindi nga ako nakatulog e at hindi ko alam kung saan ako mas nasaktan. Was it when he indirectly told me that I am toxic for trying hard in pleasing people or was it when he told me I am pathetic.
Maybe both but, nonetheless, the bottom line is nasaktan ako.
Heads turned to my direction the moment I went out of the elevator. Nang nakita nila ako ay sinundan lang nila ako ng tingin, ang iba naman ay umiwas at may ibinubulong pa sa katabi. Nahihiya ako sa kanila tuwing iniisip kong nakita pa nila iyon. Imagine being in your most embarrassing moment and there are more than thirty people to witness it? Kung mga normal na araw lang ito ay kakawayan at ngingitian ko silang lahat, but it’s not. I wasn’t over it yet pero kailangan kong bumangon. They can’t see me shaken in my ground.
Diretso ang paningin, naglakad ako na parang walang nangyari kahapon. I held my head high.
The reason of avoiding Felix the previous days may be petty, siguro naman ngayon valid na kung tuluyan ko siyang iiwasan, hindi ba?
So when I reached the insides of my office, I rolled down all the blinds so that I will never see even his shadow. I never worked like this before. This is actually the first time I did this. Una ay nangangamba ako na baka hindi ako maging matamlay ako buong araw but fortunately, maayos ko namang nagawa ang trabaho ko. Inokupa ng trabao ang utak ko na hindi na nabigyan pa ang sarili ko ng oras para mag-isip ng kung anu-ano and I am thankful about it.
It was quarter to twelve when my phone beeped for a text message.
From: Amanda
Party’s tonight! Don’t forget, okay? Xoxo
Pero kahit ganoon ay masyado akong naapektuhan doon sa nangyari kahapon. Kaya ngayon ay iniisip ko na parang gusto ko nalang umuwi ng maaga at magpahinga sa bahay imbes na dumalo sa party ni Amanda pero naisip ko din kasi na nangako na ako kay Bethany.
Matagal akong nakatitig sa screen ng cellphone ko. Tinatanya kung uuwi ba ako mamaya o hidni. So instead of replying to Amanda, I texted Bethany if she had eaten her lunch and if not, sinabi kong gusto ko sanang sabay kami.
Kaya ngayon nandito siya sa harap ko, inaayos ang mga kubyertos. We are in the same food store Felix and I ate last time, in the same exact spot. The food’s already here pero tinititigan ko lang ito. Bakit ko ba naisipan nadito kami kumain ni Bethany?
“Are you okay?” tanong niya nang napansin siguro ang pagiging tahimik ko. Napangalumbaba ako dahil sa tanong niyang iyan iyon. Napa-upo ako ng maayos.
“Oo naman. Bakit?” sagot ko.
“You seem quiet today. May nangyari ba sa work?”
Napaisip ako sa sinabi niya. I am not really that talkative, hindi rin ganoon katahimik. Kagaya nga ng sinabi ko, I am in between of Amanda who is talkative and reserve like Bethany. Kung ngayon ay napansin niya ang pagiging iba ko, ibig sabihin lang noon ay may nangyari talaga. Napabuntong-hininga ako. Hindi kaagad ako nakasagot.
Sa totoo lang, kaya talaga ni-text ko siya ngayon ay para may mapaglabasan ng sama ng loob. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. I just know that I have to let this out to someone bago pa ako lamunin ng sama ng loob ko.
“Can I tell you something?” simula ko.
“Of course,” sabi niya. Tinigil niya ang ginawa niyang pag-aayos sa mga pagkain saka ipinukol ang buong atensyon sa akin.
“Do you know Felix?” I asked.
“No?” patanong niyang sagot.
Yeah right. Paano nga niya naman makikilala si Felix kung hindi ko naman talag ikinuwento sa kanya kung sino siya. It was Amanda who heard me talk about Felix.
“Felix, the one who got the same position as me on Vera.”
“Umm… no but, why? What about him?”
“Kasi ganito iyon…” ikinuwento ko kay Bethany ang buong nangyari. Kahit isang salita ay wala akong pinalagpas kaya naman heto siya ngayon, tinititigan ako na para bang may malala akong sakit.
She literally looks at me like I am a pitiful cancer patient!
“Are you okay?” she asked in a worried voice.
I sighed. Nagkibit-balikat ako dahil sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung anong nararamdaman ko. Halo-halo iyon dahilan kung bakit nagugulo ang utak ko.
“You shouldn’t let yourself be affected by that, Shy. If you were to ask me maybe he just overreacted.”
“Exactly my thoughts! Diba -”
“Pupwede rin naman na, he was just frustrated dahil hindi mo siya kinakausap?”
I laughed hysterically. “Do you think that makes sense, Betty? He went that far dahil lang hindi ko siya kinakausap? Does he honestly think that I would stop avoiding him just because he threw me hurtful words? Of course not!”
“I don’t know… You told me he told you to talk with him over lunch. Hindi mo siya sinipot, hindi ba? Because you went out and bought lunch for yourself and that Agnes. Plus, he had witnessed many times how you bend the rules for Agnes. Baka naman napuno na siya sa’yo.”
“H-huh? So you are telling me that I also have a fault? Sige… sabihin natin na meron nga, does that make his words and actions justifiable? Beth, if you were in my shoes, baka ni-report mo na siya sa HR,” napa-inom ako ng tubig.
“Syempre hindi but maybe… Just maybe, Shiloah, he finds you interesting and just wanted to have your attention. Pero siguro… he did it in a wrong way. Is it possible that he likes you?” aniya.
Mas lalo akong natawa. “Beth, what Felix and I is not something romantic. Please… stop thinking as if we are a love-hate relationship. Kumain na nga lang tayo…” pag-iiba ko ng topic.
Matapos noon, madalas na niya akong batuhan ng tingin and I don’t want it. I don’t want her worrying about me kaya pinilit ko ang sarili ko na magpanggap na parang walang nangyari. Kahit papaano naman nang nagsimula na kaming kumain ay nagkaroon ako ng energy. Gumaan din ang pakiramdam ko dahil may napaglabasan na ako ng nararamdaman ko. Also, I heard her thoughts about it kaya naman siguro ay makakapag-isip ako kung ano na ang sunod kong gagawin. To make it more believable, I started asking her about random questions like kung anong susuotin niya mamaya, o kung uuwi pa ba siya para makapag-bihis.
“Hindi na ako magbibihis. Hindi naman ako kagaya sa ibang mga friends niya na party animals. Isa pa, hanggang midnight lang tayo hindi ba?”
Mabilis akong tumango.
Dahil weekend na, babawi ako ng pahinga. Hindi muna ako magdadala ng trabaho sa bahay. Maybe, I can have myself some few drinks tonight.
After eating, we decided to go back immediately. At dahil 15th floor pa si Bethany, mas nauna akong bumaba sa kaniya sa elevator. Tinatahak ko na ang daan sa office ko nang nakasabay ko sa paglalakad si Felix. Galing siya sa office kitchen at ngayon ay may hawak na mug. I guess he took coffee break.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. May pakiramdam akong tinititigan niya ako pero hindi ko iyon pinansin, imbes ay nilakihan ko ang mga hakbang ko para mas mauna sa kaniya.
“Shiloah,” Parang piniga ang puso ko nang marinig ang boses niya. Napansin ko lang, simula nung huling pagkikita namin sa executive’s floor ay parang iba na ang dating sa akin kapag binabanggit niya ang pangalan ko. “Shy, can we talk?” still, I didn’t give him the attention he wanted.
Nagpanggap akong walang naririnig. Nang nasa may pintuan na ako ay muli niya akong tinawag.
“Shy, please...”
Pero kahit ganoon, hindi ko siya nilingon. Tuluyan akong pumasok. Buti nalang ay ibinaba ko ang mga blinds kanina. I may act like I am calm pero sa loob ko’y nagwawala na ang puso ko. Kaya naman pagkasara na pagkasara ko sa pinto ay agaran ang ginawa kong pagsandal sa pader. My heart kept hammering my chest. Kinailangan ko pang hawakan iyon sa pag-asang kakalma ito.
Alam ko kung anong sadya niya. Alam ko kung bakit niya ako gustong maka-usap. For sure sasabihin niya na he’s sorry. Ganon naman palagi ang tao. Unfortunately, the word sorry is only for things we didn’t mean to.
Sa palagay ko ay wala naman dapat pag-usapan dahil hindi ko iniisip na hindi niya sinadya ang sinabi niya. He meant it. Dahil kung hindi ay hindi niya masasabi iyon. Kahit sino ang makaririnig sa sinabi niya sa akin ay sasabihing parang hindi naman yata tama. Imagine, I mean no harm in bringing the girl some food and he’s making the worst out of it.
Pero siguro ay matagal na niyang iniisip na ganon na ako. Siguro ay una palang, pathetic na ang impression ko sa kaniya. That I am a lousy and pathetic worker that’s why he always interferes with my business.
Kung ganoon, bakit hindi nalang niya ako hinayaan pumalpak palagi hindi ba? Wala dapat siyang kinalaman doon dahil hindi naman siya sa kompanya namin nagtatrabaho. Ayaw ba niyang nandito kami? Edi sana doon siya nagreklamo kay Mr. Paul diba? Kasi siya naman ang nag-offer na mag-reside ang AGO dito.
Bethany and I planned to leave work at 5 pm. Naisip ko kasi dahil Friday, baka ma-traffic kami kaya mag-I-early dinner kami para sabay na din kaming pumunta sa venue. At 3 pm, Amanda texted again, reminding us for her party.
Sa gitna ng paghihintay ko ay naalala ko ang mga magulang ko. I can’t remember the last time we talked. They haven’t called me for I don’t know when at hindi ko rin naisipan na tawagan sila o i-text manlang para kamustahin dahil sa trabaho ko pa lang ay nauubos na ang oras ko. They must be thinking I am working hard. I smiled bitterly. It’s a shame to think about working hard and doing my best while in reality, Felix sees me as pathetic. I wonder if Ms. Allona and the other employees perceives me that way, too?
My throat felt dry. Nagpasya akong kumuha ng tubig sa labas. Saktong paglabas ko ay napako ang paningin ko sa kay Felix na may kausap na lalaki. Nakatalikod iyon sa akin kaya hindi niya napansin na nasa akin ang paningin ni Felix.
Madadaanan ko silang dalawa at nakakairita dahil bawat hakbang ko ay sinusundan niya ng tingin. Nang medyo malapit na ako sa kanila ay narinig kong napatigil sa pagsasalita ang lalaki. With his brows furrowed, he traced where Felix’s gazes are at nang tumama iyon sa akin ay biglang nanlaki ang mata niya. Nagtaka ako sa naging reaksyon niya kaya naman tuluyan akong tumigil at tinitigan ng mabuti ang mukha niya. Inaalala kung saan nga ba kami nagkita.
“Hey!” he greeted excitedly “At last, we met” he added.
“Sorry. Have we met before?” tanong ko.
Nilapitan niya ako at pinakita ang hawak niyang camera. Nanlaki ang mata ko nang rumehistro sa utak ko kung sino siya.
“OMG! Hi!” I felt giddy. “What are you doing here?”
His smile grew wider and showed me his I.D lace which says Vera. What a coincidence! So, he works in Vera Publishing pala? Pero ngayon ko lang siya nakita dito ha? Bago lang ba siya?
“Well…” he chuckled pagkatapos ay nag-kibit balikat.
“Oh! Ang liit talaga ng mundo ‘no? I didn’t know you work here,” sabi ko.
“I didn’t know too that we are working in the same building. If I had known earlier, baka napadalas ako sa floor na ito,” ngumisi siya. Ganoon din ako.
Sa gilid ng mata ko ay nakita kong pabalik-balik ang tingin ni Felix sa lalaking ito at sa akin. Confusion is registered in his face. Binalingan ko siya saglit pero mabilis ko ring iniwas ang paningin sa kanya.
“I like your name,” biglang sabi niya dahilan kung bakit napakunot ang noo ko. Alam niya ba ang pangalan ko? Paano? Hindi ko matandaan na sinabi ko sa kanya ang pangalan ko nang nagkabangga kami sa building ng condo.
He must’ve read the question in my eyes dahil tinuro niya sa akin ang suot ko ring I.D.
I smiled.
“Ahh…” humalhak ako “Yeah, right. My name’s Shiloah,” I giggled and extended my hand to him to formally introduce myself. Aabutin na niya sana ang kamay ko pero pareho kaming nagulat nang si Felix ang humawak nito.
“Go to my office, Eion,” he simply said.
So, his name’s Eion. He must be dumbfounded because of Felix’s sudden act, sino ba naman ang hindi magugulat? Hindi siya ang kausap pero sumasapaw.
“But--” nakita ko ang pagtutol sa mukha niya pero hindi siya pinatapos ni Felix.
“May pag-uusapan tayo hindi ba?” putol ni Felix sa kay Eion.
“Okay? I guess I’ll just… see you later?” Eion said, unsure. Isang beses pa niyang nilingon ang kamay naming magkahawak bago bigong naglakad palayo. Mabilis kong binawi ko ang kamay kong hawak niya. What does he think he is doing?!
“How do you know him?” he interrogated.
Tinitigan ko siya ng masama bago tinalikuran. Akala ba niya sasagutin ko ang tanong niya? Duh.
4:30 ng hapon, nag-ring ang phone ko. Nang sinilip ko ang screen ng phone ko ay nakita ko ang pangalan ni Bethany.
“Ready ka na ba?” rinig kong tanong niya sa kabilang linya.
“Oo. Ikaw?”
“Baba na ako maya-maya,” aniya.
She said she’ll be ready in fifteen minutes kaya ganoon din ang ginawa ko. Bago umalis ay pumasok muna ako sa rest room para ma-tingnan ang sarili sa salamin. I was wearing a casual sweetheart dress. Sinadya ko talaga iyon para hindi na ako mag-abala pang umuwi sa condo para lang magbihis dahil presentable iyon para maging pang-opisina at babagay din kapag nasa bar na. Mabilis akong naglagay ng powder at pinahiran ko ng kaunting lipstick ang bibig ko. Tinitigan ko ang sariling repleksiyon sa salamin. Nang nakitang ayos naman ako tingnan ay umalis na ako at dumiretso sa basement para doon hintayin si Bethany.
I promised her last night na uuwi kaming dalawa ng maaga kaya sabi ko sa sasakyan ko nalang siya sumakay. Eksaktong kinse minutos ay dumating siya.
“Hindi ka na ba magbibihis?” salubong na tanong ko sa kaniya.
“Hindi na, uupo lang naman ako doon eh, kaya ayos na ‘to,” sabi niya sabay ayos sa mga konting gusot sa suot niyang white pencil skirt and coat.
Iniisip ko palang na papasok siya sa bar ng ganyan ang suot ay siguradong pagtitinginan siya ng mga customer because she will look like out of place. She looked very formal. Well, ayos na rin naman dahil may mga bachelors and bachelorette nga doon naka suit and tie pa minsan, e. Isa pa, maganda siya lalo na dahil nakababa ang hanggang bewang niyang buhok. My friend looks so beautiful.
Paglapit niya sa sa kung nasaan ang sasakyan ko ay kusa na siyang pumasok doon. Paikot na ako sa driver’s seat nang biglang may tumawag sa pangalan ko kaya nilingon ko kung sino iyon.
“Shiloah!” the owner of the voice exclaimed.
When I turned to see who it was, I saw Eion. I waved my hand at him. Saglit akong tumigil dahil nakita kong lakad-takbo ang ginawa niya para makalapit sa kung nasaan ako.
“Uuwi ka na ba? Ang aga ah,” tanong niya sabay tingin sa kanyang relos.
“Ah, hindi. May homecoming party kasi yung isa kong kaibigan, kaya mag-i-early dinner kami ng kaibigan na kasama ko ngayon,” pagkasabi ko nun ay biglang bumukas ang window ng kotse ko at inilabas ni Bethany ang ulo niya para silipin kung sino ang kausap ko, ganoon din ang ginawa ni Eion.
“Ah, ganoon ba,” he simply answered.
Bethany looked at me blankly, walang pakialam. Bumalik sa alala ko ang naputol naming pag-uusap dahil sa salbaheng Felix kaya naisipan kong imbitahin siya sa dinner at pati na rin sa party ni Amanda. Palagay ko naman eh hindi siya magagalit kase friendly naman iyong babaeng iyon. She will like this idea.
“If you have time now, we can eat dinner together,” I suggested “Ayos lang ba, Betty?” baling ko kay Bethany.
“Yeah, no problem,” she answered. I rolled my eyes at how short her replies were.
“Don’t mind her, she’s usually cold like that,” sabi ko kay Eion.
“Right,” he chuckled.
“Do you have work even on weekends? Sama ka na din sa’min later sa party ng friend namin, iyon ay kung may oras ka syempre,” I mumbled.
Bago pa siya nakasagot narinig ko ang pagbukas ng elevator. Nahagip rin ng paningin ko ang aninong papalapit sa kinatatayuan namin ngayon.
Oh, no. Don’t tell me…
“Bro! Tagal mo naman,” Eion beamed at Felix. Iniwasan kong magkatitigan kami kaya kung saan saan naglakbay ang paningin ko para lang hindi magkasalubong ang mga mata namin.
“Shiloah’s inviting me for dinner and a party of her friend. Ayos lang ba kung sumama tayo?” Eion asked Felix.
Nanlaki ang mata ko sa narinig. What? Siya lang ang inivite ko ah? Bakit niya isasama si Felix? E hindi ba nga siya ang dahilan kung bakit hindi kami maayos na nakapag-usap kanina? Jusko naman!
Bumuka ang bibig ko pero walang salita ang namutawi doon. Bigla ay umurong ang dila ko at hindi alam ang sasabihin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang napadpad ang tingin ko kay Felix. Inirapan ko siya nang nakita kong mariin ang tingin niya sa akin. Parang gusto ko nalang pagsisihan ang imbitasyon sa kanya, pero hindi naman pwedeng bigla ko nalang bawiin iyon.
“Diba, Shiloah?” ani Eion.
I laughed awkwardly to hide the nervousness I am feeling right now.
“Really? Ang bait naman niya para imbitahan ka,” he said sarcastically.
What the hell? Hindi pa rin ba siya tapos?
“Kung ganoon, sige. Sasama tayo, pare,” he said, without breaking our eye contact. I gritted my teeth.
Hilaw akong tumawa.
“O-okay. The more, the merrier namin e ika nga nila. Umm… Can we have a minute please, Felix?” baing ko sa kanya.
“Felix?” napapikit ako nang malakas ang pagkakasabi noon ni Bethany.
Hindi na ako naghintay pa ng isasagot niya. Mabilis ko siyang hinila hindi kalayuan sa kung nasaan naka-park ang sasakyan namin.
“Bakit ka sasama?!” mahing ngunit may diin kong bulong sa kanya.
“Hindi ba’t ni-invite mo kami?”
“Ang kapal mo! Hindi ka invited kaya ‘wag ka sasama!” pareho kong nilingon si Eion at Bethany na ngayon ay nag-uusap.
“Bakit hindi pwede, Shiloah?” he crossed his arms.
Inirapan ko siya at ginaya ang pagkakakrus sa mga braso niya. “Syempre dahil sinabi ko!”
Huminga siya ng malalim.
“Sasama ako at mag-uusap tayo.”