Insulted

3093 Words
Kinaumagahan, pagdating ko sa opisina, may nakita akong itim na folder katabi ng mga papeles na trinabaho ko kahapon. Pinulot ko iyon mula sa lamesa at nang binuklat ko ang unang pahina ay nakita ko ang pangalan ni Agnes. Napangiti ako. Akala ko kase ay sa bukas pa niya ipapasa knowing for a fact that she’s a little rebellious. See, if only people could talk about what they want, then it is less likely for a larger problem to arise. I was skimming those papers when I saw someone on my peripheral vision. Nahagip ng paningin kong may dumaan sa labas at nang nilingon ko iyon ay nakita ko si Felix, nakatingin sa akin. I broke our eye-contact. Ayoko padin magkaroon kami ng interaction. It’s really awkward, the scenario we were in last time, but this avoiding thing that I am doing right now also feels awkward. Kahit naman kasi hindi kami nagkakasundo minsan ay hindi naman kami humantong sa ganitong klaseng sitwasyon, hindi kagaya ngayon. Kung tutuusin, bakit nga ba talaga siya iniiwasan, hindi ba? Hindi naman natuloy yung halik hindi ba? Kaya bakit nga ba ako nagkakaganito? Was it because it’s shameful? Dahil ba nang ngumiti siya ng nakakaloko noong muntikan na kaming maghalikan ay parang ipina-realize niya sa akin na easy akong babae? O baka dahil inexpect ko din na matutuloy iyon? Dagdagan pa ng napanaginipan ko. Hindi ko na alam. Maski ako ay naguguluhan na din sa sarili ko. The answer is not clear, even to myself. I just feel like it’s… I don’t know… strange? Ewan! Ang alam ko lang ay gusto ko siyang iwasan. I don’t want to be involved with him anymore. “Yes, Miss,” sagot sa akin ni Irene, empleyado. Nandito ako ngayon sa cubicle niya para i-confirm itong pinasa niya sa akin. Masinsinan kaming nag-uusap nang naramdaman kong may naninitig sa akin. Sinubukan kong igala ko ang paningin ko at tama nga ako, meron nga at si Felix iyon. “Sige, Irene. Salamat,” nagmamadali kong sabi saka umalis na. Malalaki ang mga hakbang ko dahil madadaanan ko siya. “Shiloah,” mahinang tawag niya. Rinig ko rin ang yapak niyang sumusunod sa akin. “Hey, are you mad at me?” sakto pagkasabi ni Felix nun ay nasa harapan na ako ng opisina ko. “H-huh? Hindi ah…” pilit akong tumawa, shrugging off the awkwardness. Nang sasarhan ko na ang pinto nagtama ang paningin namin. While I slowly closed the door, no one between us dared to break off the contact. My heart skipped a beat. Hanggang sa tuluyan ko nang nasara ang pinto ay nanatili siyang nakatayo sa labas, only the glass door dividing us. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa nakabalik na ako sa lamesa ko. Inakala ko pa na papasok pa siya kaya naman laking ginhawa ko nang naglakad siya palayo habang umiiling-iling pa. I was reading some papers when I saw an envelope containing unsigned papers. Napakamot ako sa ulo nang pumasok sa isip ko na kailangan ko na namang umakyat sa executive’s floor para i-submit ito doon. Ngunit hindi kagaya kanina, pangiti-ngiti na ako ngayon habang naglalakad papasok dahil sa wakas ay tapos na ang tinatrabaho ko. Pero mabilis rin iyong napawi dahil sa biglaang pagbukas ng pintuan ni Mr. Paul at iniluwa noon si Felix. Napatuwid ako sa pagkakatayo. Wala naman pa lang kwenta ang ginagawa kong pag-iwas kung panay naman ang pagsalubong namin sa isa’t-isa. Pinagbigyan lang yata ako ng langit kahapon dahil kahapon lang kami nagkaroon ng kaunting interaksyon. For a moment, my mind went off. I just stood there, trying to look deep within his eyes, and wonder what kind of thought does he hide in his head. Ano kayang nagaganap sa isip niya? Kung ako, hinihiling ko na sana hindi kami magkausap, magkasalubong, o magkita, ano naman kayang hinihiling niya? I want to know what he have at the back of his mind. “Shy…” kinilabutan ako sa ginawa niyang pagbanggit sa pangalan ko. I snapped and came back to my senses. Napayuko ako at nagpatuloy sa paglalakad, ignoring him. Paghakbang ko sa kanan ay siya ring pag-hakbang niya, sa kaliwa naman ako sumubok na dumaan pero ganoon din ang ginawa niya. Bumagsak ang balikat ko. Humakbang ulit ako sa kanan at ganon rin siya. Kaliwa naman at ganoon pa rin ang ginawa niya. Gusto ko sanang isipin na sinasadya niyang harangan ang bawat dadaanan ako pero wala naman siyang dahilan para gawin iyon. Ako lang talaga ang nag-iisip ng masama. Umayos ka nga, Shiloah! Hindi naman maliit ang daanan eh, malawak nga iyon. Sinasadya man niya o hindi, I just want this to get over this with kaya I took a side-step and gave a way para makadaan siya. Without looking at him and saying anything, sinenyasan ko siya gamit ang kamay ko na pwede na siyang dumaan. Napilitan akong I-angat ang paningin ko sa kanya nang hindi siya gumalaw. His stares are deep and questioning. “Let’s talk later,” he uttered. “Ha?! B-bakit?” nauutal kong tanong. “Let’s talk, Shiloah… Hindi ka ba napapagod?” nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang narinig ang napapaos niyang boses. Hindi ko alam kung para saan ang kirot na iyon. “Pagod saan?” naguguluhan kong tanong. Mariin niya akong tinitigan at inilingan. Imbes rin na sagutin niya ang tanong ko ay tinalikuran na lamang niya ako. I rolled my eyes at his back. Noong mag-lunch time ay nagcrave ako ng fast food kaya naman hindi ako nagdalawan-isip para mag-drive papunta sa isang kilalang fast food resto. Habang nakapila ay naalala ko si Agnes. I think it wouldn’t hurt kung bibigyan ko rin siya hindi ba? Just to show appreciation. It’s called positive reinforcement. In teaching education, positive reinforcement is important. It is done to show children or the students that they are rewarded for good thing they have done. Ito ang magsisilbing stimulation sa kanila na gumawa pa ng mas maraming mabubuting bagay dahil gagantimpalaan sila. This is also applicable in professional work. The more the worker is being rewarded, the more they will be efficient in their job. Sino ba ang nagbebenipisyo kapag maganda ang trabaho ng mga manggagawa? Ang kompanya. That’s why employees’ welfare should not be neglected. Pagbalik ko ay dumiretso ako sa cubicle ni Agnes. Napalingon siya sa gawi ko. Habang naglalakad palapit sa kanya ay nginitian ko siya pero sinimangutan niya lang ako. Napailing ako sa naging reaksyon niya. “I brought food for you,” maligayang sab ko sa kanya. She crossed her arms. “Bakit? Ano yan? Suhol ba iyan?” she accused. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinsulto pero pinili ko nalang ang nauna kase she’s just naturally like that. “No, Agnes.” natatawa kong sabi “I just want to thank you for your hard work,” I giggled. This is just a pure appreciation because hindi man natin aminin, we all need someone to commend us for our efforts. I saw hesitation in her eyes. “Sige na, tanggapin mo na.” Tinitigan niya ang paper bag na hawak ko. Nahihiya pa niyang kinuha iyon mula sa mga kamay ko. Nakikita kong ayaw pa sanang tanggapin ni Agnes iyon but I insist. Eventually, she gave in. “Thank you…” pasasalamat niya habang sinilip ang loob ng plastic bag. “Welcome! Sana… hindi na ma-late yung mga reports natin ha?” I chuckled when she pouted at me. There’s a hint of gratefulness in her face kaya naman gumaan ang loob ko. Iniisip ko din kasi na baka na-offend ko siya in some way, so when she I saw that she was moved a little, sumaya ang pakiramdam ko kahit papaano. Akmang tatalikod na ako nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko. “Shiloah…” “Yes?” “Um.. I-I’m sorry about what h-happened…” She got my full attention. “For what?” “I’m sorry… for raising my voice at you,” nag-iwas siya ng tingin. Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Sa totoo lang kinalimutan ko na iyon because a part of me understands her. Isa pa, I don’t want to complicate things that’s why I always always try to understand. I gave Agnes a reassuring smile. At least she was sorry about it. She knows what she did was wrong. Wala naman akong balak na matagal doon kaya naman isang beses ko pang nilingon si Agnes at tinahak na ang daan pabalik pero natigilan ako nang naroon na siya sa harap ko. He was standing near. Balak kong ignorahin na lamang siya. Nagkibit-balikat ako at linagpasan na siya. “What was that?” he asked. Saglit akong tumigil at hinarap siya. I think he saw what I did and kaya bakit pa niya tinatanong, hindi ba? “Uhm… food?” hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Tinalikuan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. “Oo alam ko, but for what?” Hindi ako sumagot. “Shiloah,” tawag niya. I ignored and walked continuously. Para saan ba ang pagkain? Diba para kainin? Matalino nga siya pero bakit parang hindi naman niya ginagamit ang utak niya? Tsk! “Hey,” his voice slightly raised. His shadow behind me tells me that he’s tailing me. Mas lalo kong nilakihan ang mga hakbang ko. Malapit na ako sa opisina nang bigla niyang hinablot ang braso ko paharap sa kaniya. He did it with a little force dahilan kung bakit tumama ako sa dibdib niya. My eyes opened widely and my heart started hammering loudly. “Answer me,” he demanded. Kinalas ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. “I-I was just thanking her, Felix, because s-she did her work,” I stammered. But I guess, whatever my answers would be, he still would disapprove of it. Because he is Felix Jayden Aragon. Because he is like that, he’s rational and and all-knowing. He smirked at my remark. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Shiloah? She is payed to do that job, so why are you thanking her?” Umiling ako. “I waited for you… I told you to meet me… at lunch. Hindi mo ako sinipot but you have all the time in the world to stop somewhere and--” he stopped himself. Huminga siya ng malalim. Hindi ko siya maintindihan! Masama na bang magpasalamat ngayon? Is it wrong to express gratefulness now? “I said I just want to thank her, Felix,” mahinahon kong sabi sa kanya “It was a positive reinforcement kase she did well. For the first time, she submitted her work on time at natuwa ako dahil doon. Masama ba yun? And also, if you’re being like this because I didn’t meet you at lunch then please… ang babaw naman ng dahilan mo--” “That is not the whole point here-” “If not, then what?!” hindi ko na napigilan pang pagtaasan siya ng boses. I think he is being too much. Hindi ko naiintidihan kung bakit siya nagkakaganito. “What submitted on time are you talking about, Shiloah? Nakalimutan mo bang ni-extend mo ang deadline? At hindi niya kusang-loob ginawa iyon,. Baka nakakalimutan mo? She submitted her work because you told her so,” he hissed. Natahimik ako. Alam ko. I get his point. Hindi kusang-loob iyon, I know. Pero ano naman ngayon? Hindi naman iyon ang problema ko. I thanked her because she had done it rightly, hindi na bale kung inutusan ko siya o hindi. “Talaga ba? Edi problema ko na iyon, hindi sa iyo. Kaya bakit ka nagagalit? Pera mo ba ang pinangbili ko, hindi din naman diba?” “Nilalayo mo na ang usapan…” he calmly said. “Hindi! Dahil iyon ang umpisa. Nagagalit ka kasi binigyan ko siya ng pagkain hindi ba? Sabihin mo lang kung gusto mo rin, bibigyan kita,” pilosopo kong sagot. Mariin siyang napapikit. “That’s not what I meant, Shy. Ang akin lang… if I have known na ganiyan ang paraan ng pagtatrabaho niya, I should’ve added her name on the lists of employees removed,” walang kurap niyang sinabi iyon. As if that was a normal thing he usually do. Nalukot ang mukha ko. “You are so cold, Felix…” I said weakly. “Why are you like that? You are basically… overreacting!” He shifted his weight and his face became more fiercer. Ang sabi ko kanina, I always try to see things in beyond. Ibig sabihin, hindi ako basta-basta gumagawa ng judgement dahil lang sa nakikita ko. Palagi akong naghahanap ng mga posibleng rason sa likod ng reaksyon ng isang tao. Kagaya na lang sa pagtaas ng boses sa akin ni Amanda. Chances are, hindi niya nagustuhan ang approach ko nang sinabihan ko siyang kailangan ko na ang papeles. O hindi kaya ay may nasabi akong hindi niya nagustuhan. But in Felix’s case, hindi ko siya maintindihan. I didn’t do something that would trigger him and I think it’s a petty reason kung sasabihin niyang nagiging ganito siya ngayon dahil lang sa pagkaing binigay ko. Like, come on! “Give people a chance --” dagdag ko pero sumabat na siya. “What chance will I give, Shiloah, kung ipinapakita na sa akin ang abilidad? Business world does not need people like them.” “At least, give them the benefit of the doubt? They will improve in no time kung tuturuan sila-” Nainsulto ako ng malakas siyang tumawa. “That mindset is not important in the corporate world, Shiloah. Sa tingin mo ba uunlad ang negosyo kapag ganiyan ang mga tauhan? Hindi. You believe in that Agnes too much, Shiloah…” “Felix--” “...Kailan mo ba maiisip na hindi ito charity work para palagi mo siyang kaawaan at gawan ng pabor. Bakit? Sabihin mo nga sa akin. Ano bang akala mo sa sarili mo? Mabait? O baka naman kasi, you are just seeking validity from them? Yun ba, ha?” dire-diretso niyang sinabi. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Wow. Hindi ganoon ang tingin ko sa sarili. Mas lalong hindi iyon ang intensyon ko pero bakit dahil sa sinabi ni Felix parang… ganoon nga? Ang gusto ko lang naman tumulong. Oo, hindi lalago ang isang negosyo kapag hindi maayos magtrabaho ang mga manggagawa. I know and I share the same sentiment as him. Kaya ko nga ito ginagawa eh. “Shut up.” Sa dami kong gustong sabihin, tanging iyon na lang ang mga salitang lumabas sa mga labi ko. I am insulted. “No, Shiloah. You shut up. I think, this is the reason why your company sinked, kase hinahayaan niyong manatili ang dapat inaalis na.” How can he say things like this? Kinagat ko ang ibabang labi ko. “You are a leader yourself, Shiloah… but what you are doing is pathetic,” he heartlessly spat. Pathetic. Pathetic. Pathetic. The word continued ringing in my ears. Naramdaman ko ang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko. Dahan-dahan ay naglakad ako papalapit sa kanya. Buong-tapang ko siyang tinitigan sa mata niya. Buong-lakas ko rin siyang tinulak. Hindi pa ako nakutento ay hinampas-hampas ko ang dibdib niya. Ano naman ngayon kung masaktan siya. Bakit? Inisip ba niya ang mararamdaman ko sa mga salitang binitawan nya? I don’t think he did. Tinapatan ko ang intensidad ng titig niya. Pero nang nasulyapan niya ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko ay biglang lumambot ang mukha niya. “Shiloah -” “No, Felix!” sigaw ko bago pa niya maipagpatuloy ang kung ano mang sasabhin niya ay tinalikuran ko na siya. Agaran ang ginawa kong pagpasok sa opisina ko. Basta ko na lang din hinablot ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung naroon ba ang lahat ng mga gamit ko pero hindi ko na binigyang-pansin pa iyon. All I could think of in that moment is that I need to get of here. Pinahid ko ang luha na unti-unting tumatakas sa mga mata ko. When I went out, he was still there. I avoided his gaze. Pakiramdam ko kung sasalubungin ko pa ang mga titig niya ay mapapaso ako. Humakbang ako pero agad ding tumigil. “You are the worst person here,” sinabi ko iyon ng hindi siya nililingon. Binulong ko lang iyon sa hangin pero sinigurado kong maririnig niya iyon. Walang segundo akong sinayang. I went straight to the elevator and watch him chase me as the door closes. Nang tuluyan itong sumara ay napasandal ako. Doon ay hinayaan kong lumuha ako. Siguro ay nakita at narinig ng mga empleyado ang argumento namin. Wala akong pakialam. Hindi ko na inalintana pa ang mga tingin nila habang paalis ako kanina. Ang tanging iniisip ko lang ay makalayo kay Felix. So I did. I went home. Sa lobby ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Napadaan ako sa isang salamin. Nang nakita ko ang repleksyon ko ay doon ko lang napansin ang hindi kaaya-ayang itsura ko. Mukha na pala akong zombie dahil sa pagkalat ng mascara ko. Next time bibili na ako ng waterproof mascara para unli iyak. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ko ay muli na namang tumulo ang mga luha ko. His painful words reverberated in the air. He fired it at me aimlessly without thinking if foul ba iyon. Tama naman siya sa part na hindi charity ang business but when he said that what I’m doing is pathetic, that’s what got me. Parang sinabi niya na din na kasalanan ko kung bakit bumagsak ang kompanya, and because of it, it made me question all the hard work I did for the company all these years, including my credibility as a leader and my capability to handle a team. It’s strange to think that I have been thinking of myself as a fine woman. Kung tatanungin ako kung ano ang bumuo sa akin, I will answer them that I am made of my parents’ teaching. Actually, I am a mosaic. The lessons I learned from my experiences and from the people I interacted with, all left me a lesson. That’s what made me. And the one thing that I always embody is that to be kind and be grateful all the time. Pasalamatan kahit ang maliliit na bagay. But what’s painful is that how a single word can shatter… all of what I believe in. Thinking about it all made me dizzy, and crying exhausted me more than my work.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD