Great

3006 Words
I can’t believe this happened to me. This is very embarrassing. Pakiramdam ko ay trinaidor ako ng sarili ko dahil nagawa ko pa talagang pumikit. This asshole is toying me, obviously. Bakit ko ba kase inasahan na hahalikan niya talaga ako. Una palang dapat tinulak at tinadyakan siya eh, pero anong ginawa ko? Pumikit at naghintay. Are you out of your mind, Shiloah? Mariin kong tiningnan si Felix na ngayon ay nakasandal sa gilid at halatang ine-enjoy ang kung ano mang hitsura ko ngayon. Uminit ang mukha ko at bumilis ang paghinga. Hinanda ko ang sarili ko para muli siyang singhalan pero biglang tumunog ang elevator at bumukas. Sana ay nilamon nalang ako ng lupa hindi ba? Kesa sa ganito. Ano nalang ang iisipin niya sa tungkol sa akin simula ngayon? Na kunwari ay hard-to-get pero bibigay din naman pala?! My goodness! Dahil sa kahihiyan at inis na rin ay hindi ko na siya muli pang tiningnan. Mabibigat ang hakbang ay nag-martsa ako palabas. Magulo na tuloy ang isip ko at hindi na alam kung saan ako pupunta at kung anong gagawin. All I could think of is my shameful action in that elevator. Sinabi ko pa naman sa sarili ko kahapon na babawian ko si Felix pero ako parin ang natalo ah. Lahat ng iniisip ko ay pinutol ng isang ring ng cellphone. “Hello,” pagalit kong sagot sa linya, hindi na tiningnan ang caller I.D. “Whoa! Chill my best friend, ayaw mo ba akong tumatawag ako?” sagot naman nung taong nasa kabilang linya sa nagtatampong boses. Kumunot ang noo ko naguluhan kaya inilayo ko ang cellphone at tiningnan kung sino ba iyon. When I saw her name, I became a little excited. Amanda, my best friend, called. I haven’t seen her in a while, more so talked to her because she has been travelling these past few months. She has been “finding herself” because she had her heart broken. I find her reason to be ridiculous. Why would a person lose his or herself just because he or she loved another person? You don’t know how it feels. I remember Bethany said that to me in defense for Amanda’s situation kaya naman kalaunan ay tnigilan ko na rin ang pang-aasar sa kanya. Bethany’s right. Hindi ko naman talaga alam kung anong pakiramdam kaya hindi ko siya naiintindihan. I find it too hard to answer my own query because I never really had fallen in love. In college, many have tried to court me but I turned them all down. Dahil pakiramdam ko ay kusa namang darating ang taong para talaga sa akin. I wonder if she is home, yet? Nakita na ba niya ang sarili niya? Kaya ba siya tumawag? “I’m sorry about that, Amanda. Uhmm… I-its just uh, a little hectic here. You know, in my work,” I lied. “I told you before you should just quit your job, Shy. Your family’s ranch can make a whole community feed for their whole lives kaya bakit mo pa kailangan magtrabaho?” Nang hindi ako sumagot ay muli siyang nagsalita. “Hello? Shiloah, are you there?” “Yes, wait. I’m walking right now.” “Where? Saan ka pupunta? Uuwi ka na ba? Do you want me to pick you up?” she asked. Pick me up? That means she’s really here. Nagpalinga-linga muna ako sa kalsada para tingnan kung may mga dadaan bang sasakyan. Pero sa halip na mga sasakyan ang makita ko ay ang mukha ni Felix ang sumalubong sa paningin ko. What the hell? “Are you following me?!” pasigaw kong tanong kay Felix. Hindi ko inaasahan na hanggang dito sa kalsada ay nandito parin siya kaya tumigil ako para harapin siya, hindi na naisip na nasa gitna ako ng kalsada. “What? What are you talking about Shiloah? Who’s following you?” rinig kong sagot ni Amanda sa kabilang linya, I ignored her. Meanwhile, Felix just raised an eyebrow at me but when an approaching car honked at us, he held my free arm at mabilis akong hinila papunta sa kabilang kalye. “Ano ba! Magpapakamatay ba kayo?!” sigaw ng driver sa aming dalawa na sinadya talagang tumigil para lang doon. Muntik na iyon ah! “Sorry po.” “Shiloah?” I heard panic in her voice “what was that? Are you okay?” she asked. I really can’t believe myself, muntikan na nga akong mamatay kanina dahil sa katangahan ko ay hindi ko parin pala naibababa ang tawag. “What are you doing, Shiloah?” Felix said using his deep voice. “Shiloah? Oh my gosh! Are you with you boyfriend?” I can imagine Amanda quickly standing from her favorite sofa just because he heard a man’s voice. Probably by now, she’s hand-fanning herself because she thinks that this man right here is really my boyfriend. Boyfriend. I never imagined having myself a boyfriend, mas lalong hindi ko naisip na magiging boyfriend ko si Felix and just thinking about it brings me back to what happened in the elevator. Napapikit ako. Kung may pills lang na pwedeng inumin para makalimutan ang mga nakakahiyang bagay sa buhay ko, walang pag-aalinlangan ko iyong iinumin. “What boyfriend are you talking about, Amanda?” tumawa ako ng hilaw “I will call you back later, okay. I’m having an emergency right now. Bye.” Felix scoffed as I ended the call. He now have this ghost of smile in his lips. Gusto niya ba ang narinig niya? Pero pasensya na siya, kahit kailan ay hindi ko siya gagawing boyfriend, kahit sa panaginip. “What are you smiling at Felix? Kasalanan mo kung bakit muntik na akong masagasaan!” hindi ko akalaing mapapalakas ako ng boses kaya nahiya ako nang naglingunan sa akin ang mga taong dumadaan, ang mas malala pa doon ay tumigil sa harapan ko ang isang ginang. “Aba’y ineng ay hindi ito palengke para magsiagawan kayo dito,” sabi ng matanda na nakapameywang. “Aba ay ganyan na ba talaga ang mga magka-relasyon ngayon? Kahit saan ay nag-aaway?” dagdag pa ng matanda sabay sipat sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. “What? Oh no. No ma’am-” naputol ang sasabihin ko dahil kay Felix. “Pasensya na po kayo. My girlfriend is having tantrums,” he said that to the old lady as if it was nothing. “What girlfriend, Felix? I am not your girlfriend! I’m sorry ma’am but he is not my boyfriend,” depensa ko sa sarili ko. “Yes, we are…” sabi niya habang inabot ng kamay niya ang bewang ko, hinihila ako palapit sa kanya, “we are also having a little misunderstanding right now, ma’am, so I hope you understand.” Binalingan niya ako. “Baby, please… sorry na patawarin mo na ako.” “Are you out of your freaking mind, Felix?” singhal ko sa kanya. “Stop whining already,” aniya. “Sorry ma’am, she’s just mad. Hindi ko kasi nahalikan.” Marahas kong nilingon si Felix. Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya sa harap ng matandang ito! Ang mas nakakainis pa ay nakangiti lang siyang nakaharap sa ginang na para bang totoo ang lahat ng basurang lumalabas sa bibig niya. “Wala namang problema ang hindi naayos ng pag-uusap at saka hindi maganda na dito pa kayo sa pampublikong lugar nagkakaganyan. Juskong mga bata ito, oh,” tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. “Alam niyo noong kapanahunan ko, nag-aaway naman ang magkasintahan pero hindi ibinabalandra sa publiko. Kayong mga kabataan ngayon ibang-iba na eh,” dagdag pa niya. Yumuko ako para hindi niya makita ang pag-irap ko. Eto namang si Felix sagot pa ng sagot akala mo naman totoo talaga ang pinagsasabi. This little liar! “We will keep that in mind ma’am.” Tumango ang matanda. “Mas mabuting pag-usapan ninyo ang problema. Ikaw naman,” baling niya sa akin, “Kaliit-liit na bagay ay nagagalit ka. Hindi ka lang nahalikan eh ganyan na kaagad ang reaksyon mo? Naku eh kung ganoon hindi ka pa pala mature hija, masyadong mababaw ang emosyon mo. Sigurado akong maghihiwalay rin kayo. Hindi ka nararapat na makipagrelasyon kung ganyan ang ugali mo,” aniya sabay lakad palayo. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Parang umakyat pa yata ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. That old woman is judging me! Habang paalis ay hinabol niya pa kami ni Felix ng masamang tingin, lalong-lalo na ako! May binubulong-bulong pa siya! What the hell? “Oh my gosh! Oh. My. Gosh. Felix! Did you heard that? Narinig mo ba iyon?! I can’t believe this! Anong karapatan niyang sabihin sa akin iyon? Huh?” I heard Felix chuckled. “Anong nakakatawa?!” “Get over it already, Shiloah,” isang beses pa siyang lumingon sa gawi ng matanda bago nagpasyang maglakad na rin. “No. This is your fault,” sumunod ako sa likuran niya “Anong klaseng basura ang pinagsasabi mo, Felix?” pagalit kong sabi sa kanya. “Kung hindi mo sana ako sinundan dito eh di sana hindi rin ako muntik na masagasaan…” “Shiloah” pigil niya sa akin. “...kung hindi nangyari iyon eh di sana rin hindi rin ako napasigaw? Hindi sana lumingon sa akin iyong matandang iyon at wala siyang masasabing prejudice about me!” pagpapatuloy ko. Bigla akong napatigil nang bigla niya akong hinarap. “Can you keep quiet? Kung patuloy kang magsasalita diyan habang naglalakad siguradong hindi lang atensyon ng matandang iyon ang maaagaw mo,” he said. Napatahimik ako. Well, tama naman siya. “Isa pa, ano bang kinakagalit mo sa sinabi niya? Are you afraid na hindi ka talaga magkaboyfriend?” Tiningnan ko siya ng masama. “I don’t need a man in my life.” “What about me?” he asked. What? “Anong what about you?” Malakas siyang napabuntong-hininga. “Nothing. Let’s go, Shiloah,” pag-ignora niya sa tanong ko. “Where are we going?” “To eat. Diba hindi ka pa kumakain ng lunch? It’s past one pm now,” he calmly said before entering the nearest food store in front of this building. Huh? Ako ang kakain pero bakit nandito siya? “Ayoko nga! Hindi ako sasama sa’yo!” mabilis ko siyang tinalikuran pero mas mabilis niya akong nahawakan at hinila papasok sa isang kainan. “Hey! This is k********g!” “You’re overreacting, Shy. Stop it already,” he said while dragging me somewhere. In some days, I would go to a restaurant o hindi kaya ay fast food chain, but today I don’t feel going there. Hindi pa tapos ang araw pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Hindi na nga sana ako kakain eh kung hindi lang ako nahablot ng isang to. I saw him choose his food. Kinausap pa niya ang tindera at saka nag-abot ng pera. This food store is small, kahit kaunti nalang ang kumakain ay masikip parin siyang tingnan. This is where ordinary people eat and looking at Felix, sitting on a two-sitter table, he looked out-of-place. Parang hindi bagay. Parang nabibilang siya sa mga taong karaniwan mong makikita sa isang high-class restaurant. Saktong paglapit ko sa table ay siya ring pag-serve ng pagkain. He ordered two rice, adobo, fried chicken and two bottles of mineral water. “Eat,” utos niya sa akin. “How did you know I didn’t eat yet? Kinabitan mo ng CCTV ang opisina ko?” diretso kong tanong sakanya. Bahagya siyang natawa. “That’s ridiculous, Shiloah. I didn’t see you leave the room, okay? That’s why…” “At bakit ka naman lumabas nang lumabas din ako?” Do I sound like I’m kind of a joke? Because he looked at me as if I am. Whatever. “Forget it,” sinabi ko nalang at natahimik na. Nang magsimula akong kumain ay nagsimula na rin siya. Thinking about it, this is our first meal together and I think it’s awkward because how did I ended up eating my lunch with him when we our working days will never be complete without us bickering over the smallest thing. “Do you like me, Felix?” I randomly asked. He quickly glanced at me. Pabagsak niyang inilapag sa lamesa ang hawak na utensil na kutsara at tinidor. Imbes na sagutin ay uminom siya ng tubig. Ngumiti ako ng nakakaloko. “You like me, don’t you?” I grinned. “What are you saying?” “Kasi bakit mo sasabihin na girlfriend mo ako sa isang estranghero, aber?” matapang kong tanong. “Eat, Shiloah,” aniya, ignoring my statement. “Sagutin mo muna ang tanong ko.” “I said, eat,” putol niya sa kung ano mang sasabihin ko. Sumimangot ako at nagpatuloy nalang sa pagkain. Pero bawat subo ko ay iyon lang ang laman ng isip ko kaya naman ay muli akong tumigil sa pagkain. “Bakit ba ayaw mong sagutin yung tanong?” Blangko ang reaksyon niya nang inangat niyang muli ang paningin sa akin. “What? I just wanna know…” nakita kong napapikit siya. “For Pete’s sake, Shiloah. Kumakain tayo. Pwede bang mamaya ka na magtanong ng kung anu-ano,” mahina ang kanyang boses. Sapat lang para marinig ko. I pouted when he massaged the bridge of his nose. Mabibigat rin ang kanyang hininga kaya sa tingin ko ay naiinis na talaga siya sa kakatanong ko. Pinagpapasensyahan niya na lang talaga ako. Nag-umpisa ulit akong kumain pero siya ay hindi na. He just sat there across me, arms-crossed and waiting for me to be done. The whole lunch was quick. Nagmamadali din naman ako dahil hindi ko pa nakaka-usap si Agnes and I think, Felix have something important to do, too. When we left the store, I insisted on paying him back for my meal but he will not let me. “Eto yung bayad sa kinain ko,” inabot ko sa kanya ang pera ko pero hindi niya iyon pinansin. “Felix, eto na -” “I’m not poor, Shiloah.” Napakunot ang noo ko. May sinasabi ba kong mahrap siya? “Anong sinasabi mo? Binibigay ko lang naman ang bayad ko ah.” “And I’m not accepting it,” aniya. Hindi naman kase siguro siya malulugi sa pagbayad ng 100 pesos para sa pagkain ko kaya ganoon. “Okay fine! Iyon na lang ang bayad mo sa lipstick ko!” sabi ko at naunang lumabas. When we went out of the elevator, hindi na ako sumabay pa sa kanya sa paglalakad because obviously, hindi naman sanay ang mga epleyado ng kompanya namin at nila na magkasama at nagkakasundo kaming dalawa. It’s like we are in the same space but worlds apart and seeing us together will stir rumors and I don’t like it. Hinayaan ko si Felix na mauna sa paglalakad, ako naman ay lumiko sa kung nasaan banda ang cubicle ni Agnes. Pagdating ko doon ay naabutan ko siyang nag-ne-nail file sa kanyang kuko. She’s free, huh? Tapos na ba ang pinapagawa ko sa kaniya para maglinis siya ng kuko niya dito sa opisina? Matagal bago niya napansin ang pagkakatayo ko doon, at nang nakita niya ako ay halata mang hindi niya gusto ang presensya kod doon, pinilit niya parin ngumiti. “Hi, Shiloah. Umm… Do you need something?” gusto ko sanang matawa sa tanong niya. Hindi ba obvious kung bakit ako nandito sa harap niya ngayon gayong hindi naman ako madalas na naglalagi dito. Pero naisip ko, wala akong karapatan na magtaray because a part of me knows that I allowed her to be like this. I should take responsibility. “Yes, Agnes… Kasi regarding sa report, I need it before Friday sana. So, probably you can submit it to me on Thursday?” “Huh? Eh diba sabi ko sa’yo sa weekend ko pa matatapos? Paano yan?” sabi niya sa nakaawang boses. If only I seen her working on a lot of papers, pagbibigyan ko pa siya kaso wala naman siyang ginagawa ngayon, naglilinis lang siya ng kuko niya. “I went to Ms. Allona yesterday, Agnes, and she needs it ASAP,” biglang nagbago ang pagtitig niya sa akin. Agnes have this fierce gaze. Kaunting tingin mo lang sa kaniya ay malalaman mong hindi siya masaya ka-bonding at ngayon, iyon ang ipinapakita niya sa akin. “Nagsumbong ka?” nanliit ang mga mata niya sa akin. “Hindi naman sa ganoon. Nagka-usap lang kami tapos-” “Grabe ka naman, Shiloah. Minsan na nga lang humingi ng pabor sa iyo ang tao, gaganyan ka pa?!” bahagyang tumaas ang boses niya kaya nagsitinginan ang ibang empleyado sa amin. That’s my signal to really not give her what she asked me to. I don’t like her tone of voice, parang ako pa ang madamot ha? Naiinis ako. Does she have to raise her voice at me? That’s the problem with people. Pagbigyan mo lang ng isang beses, paulit-ulit ka na nilang hihingian kasi alam nilang magbibigay ka. Alam nilang hindi ka hihindi. Kaya naman kapag dumating ang araw na humindi ka na, ikaw na ang lalabas na masama. Ikaw na ang magiging madamot. Kahit gaano pa karami ang naitulong mo, isang hindi lang, lalabas ka ng madamot. It’s a sad reality. I tried to speak pero nanginig ang labi ko. “I’m sorry, Agnes, but not this time. I am expecting the papers are ready on my table on Friday morning,” sabi ko at mabilis na tumalikod. Not giving her a chance to speak, naglakad ako palayo. Saktong paglabas ko ng cubicle ni Agnes ay nanlaki ang mata ko nang nakita si Felix na nakasandal sa malapit. He’s half-smiling. Bumagal ang paglalakad ko. “You did great,” he said. He raised his thumb at me. I think this is the first time he praised me, and just like that my heart melted. Nakahinga ako ng maluwag na para bang ngayon ko lang naramdaman ang kaginhawaang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD