
Para kay Alessia na isang binibining walang pakealam sa mga taong nakapaligid sa kanya, ang mga bampira ay gawa lamang ng imahinasyon ng mga tao. Ngunit ang paniniwala niyang ito ay biglang nagbago dahil sa isang malagim na gabi ng kanyang buhay kung saan walang away pinatay ang buong pamilya niya.
Dahil sa sakit, paghihinagpis at paghihirap na dinanas ni Alessia buhat ng mamatay ang pamilya niya na-udyok siya na maghiganti sa mga bampirang sumira sa masayang pagsasama nila ng pamilya niya.
Hindi naging madali sa kanya ang lumaban sa napakaraming bampira ngunit sa pakikipaglaban niya paano kung bigla nalang niyang matagpuan ang isang nilalang na biglang nagpakomplikado sa takbo ng buhay niya? Paano kung ang pagmamahal na matagal ng nawala sa puso niya ay muling bumalik sa dahil sa lalaking nakilala niya?
Handa ba niya na talikuran ang tungkulin niyang ipagtanggol ang mga tao at tanggapin ang pag-ibig na muli niyang naramdaman o pareho niyang tatalikuran ang dalawang ito upang maging pinuno ng mga bampira?
