Chapter 3

565 Words
Naging headline sa buong Sityo Villa Gonzalo ang malagim na sinapit ni Ella. Kung kaya't bilang pakikiramay sa pamilya ni Ella ay bumisita ang gobernador na si Luis Gonzalo at ang kanyang pamilya.  Pagtapak mismo ng pamilya Gonzalo sa loob ng bahay kung saan nakaburol ang labi ni Ella, ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan ng pamilya ni Ella at ng mga Gonzalo. Masama ang mga tingin ng mga kaanak ni Ella sa pamilya Gonzalo. "Anong ginagawa ninyo sa lamay ng anak kong si Ella?" Tanong ng ina ni Ella kay Luis Gonzalo na gobernador. "Nandito kami ng pamilya ko para makiramay sa pagkamatay ni Ella." Sagot ni Luis Gonzalo. "Aba, hanggang dito ba naman sa lamay ng anak ko ay mamumulitiko pa din kayo? Baka nakakalimutan ninyo na ang anak ninyong si Pablo ang gumahasa at pumatay sa anak kong si Ella." Namomoot na saad ng ina ni Ella kay Luis Gonzalo. "How dare you say that to our son, Pablo!" Sagot na pagalit naman ni Lilibeth Gonzalo na ina ni Pablo. Nang biglang sumabat si Rhia sa pagitan ng pagtatalo nitong mga Gonzalo at ng ina ni Ella. "Tumigil na po kayo sa pag aaway. Irespeto naman natin ang lamay ni Ella ngayon araw na ito." "Pasenysa na kung mukhang gulo lang ang dinala namin sa inyo. Sige na aalis na kami." Sabi ni Luis Gonzalo sa pamilya ni Ella. Pagkaalis ng mga Gonzalo sa lamay ay biglang bumuhos ang luha ng ina niya sa harapan ng kabaong ni Ella. Lumapit naman si Rhia para patahanin ang tiyahin. Habang pinapatahan ang tiyahin ay bigla siyang napatingin sa mukha ni Ella. Bigla siyang nagulat. Nakita niyang dumilat ang mga mata ni Ella sa loob ng kabaong. Pinikit saglit ni Rhia ang kanyang mga mata baka kasi guni-guni niya lang. Ngunit nang buksan muli ni Rhia ang kanyang mga mata ay biglang tumaas ang mga balahibo niya sa kanyang balikat. Biglang nawala ang katawan ni Ella sa loob ng kabaong. At ang sumunod pang tagpo ang siyang nagpagimbal kay Rhia. Bigla napaatras si Rhia sa harapan ng kabaong ni Ella. Napansin niya din na biglang nawala ang mga tao sa loob ng bahay kung san nakaburol ang labi ni Ella. Tiningnan ni Rhia ang buong salas kung saan nakapuwesto ang lamay ni Ella. At sa bandang pintuan ng bahay sa may salas ay bigla niyang nakita na unti-unti ito bumubukas. Biglang nakaramdam ng takot si Rhia sa nangyayari sa kanyang kapaligiran. Bumibilis ang t***k ng puso niya. Nanlalamig ang kanyang mga kamay sa sobrang nerbiyos at takot. Namumutla na ang mukha niya. Nang biglang bumukas na nga ng buo ang pintuan sa salas at may pumasok na malakas na hangin. Biglang natumba si Rhia sa kanyang kinatatayuan sabay sa pagtambad sa kanya ng isang babaeng nakaputi. Umiiyak ang babae na ito. Puno ng dugo ang buong katawan at papalapit nang papalapit ito kay Rhia. Wala ng magawa si Rhia kung hindi sumigaw nang sumigaw hanggang sa... "Hoy Rhia gumising ka nanaginip ka bata ka!"  Panaginip lang pala ang lahat nang nasaksihan ni Rhia. Buti na lang at bigla siyang ginising ng ama niya. "Ano bang nangyari sa'yo bata ka? Bigla kang hinimatay kanina sa tapat ng kabaong ni Ella." Naguguluhan na tanong ng ama ni Rhia sa kanya. "H-hindi ko po alam." Matipid na sagot ni Rhia sa ama. (Please LIKE and COMMENT thanks.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD