Chapter 4

435 Words
Isang buwan na ang lumipas ng nangyari ang malagim na krimen na sinapit ni Ella. Isang buwan na rin na napipiit si Pablo Gonzalo sa kulungan. May mga usap-usapan naman sa Sityo Villa Gonzalo na nagpaparamdam daw ang kaluluwa ni Ella sa burol kung saan siya natagpuan na patay.  Bakit kaya nagpaparamdam ang kaluluwa ni Ella? May gusto kayang iparating ang hindi matahimik na kaluluwa niya? Maaari kaya na hindi pa nakakamit ng kaluluwa ni Ella ang hustisya? Kung hindi pa niya nakakamit ang hustiya maaari kaya na may iba pang sangkot sa kanyang pagkamatay maliban kay Pablo na pangunahin suspek sa kanyang pagkamatay at rape case? Isang gabi pagkatapos kumain nang mga malilit na pamangkin ni Rhia na sila Tonton na sampung taong gulang, Nica na pitong taong gulang, at Becca na limang taong gulang ay nagkayayaan silang maglaro sa labas ng bahay ng tagu-taguan.  Si Becca ang taya. Nag simula nang mag bilang si Becca habang ang mga kapatid ay naghahanap na ng matataguan.  "Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Pag bilang ko ng sampo nakatago na kayo" "Isa... Dalawa... Tatlo... Apat...  Lima... Anim...  Pito... Walo... Siyam..." "Kuya Tonton, Ate Nica makikita ko rin kayo! Eto na ako!" Sigaw ni Becca habang hinahanap ang Kuya Tonton at Ate Nica niya. Hindi namamalayan ni Becca na napapalayo na pala siya sa bahay nila kakahanap sa mga nakakatanda niyang kapatid. Hanggang sa napadpad si Becca sa burol.  Biglang napatahimik si Becca sa paghahanap niya sa mga kapatid ng narating niya ang burol. Biglang nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan si Becca. Bigla siyang kinilabutan. Pagkatapos ay biglang may dumaan na malakas na ihip ng hangin sa leeg niya. Nang biglang may narinig si Becca na sumisitsit sa kanya. "Psst... psst... psst..." At pagkatapos ay may naulinigan si Becca na tumawag ng pangalan niya. "Becca... Becca... Becca..." Nang narinig ni Becca ang tumatawag sa pangalan niya ay tila ba naging estatwa ang mga paa niya. Hindi na niya ito magalaw dahil sa takot na nararamdaman hanggang sa biglang may kumalabit sa likuran niya. Sinipat niya ng lingon  ang kanyang likuran.  Pero wala naman siyang nakita. Sa muli niyang pag harap ay biglang namilog ang mga mata niya at nagulat sa nakita kanyang niya. Nakita ni Becca sa kanyang mga mata mismo na may nakatayong babaeng duguan at umiiyak sa harapan niya. Sa sobrang pagkasindak ni Becca ay kumaripas siya ng takbo pabalik sa bahay nila. Pagbalik ni Becca sa bahay nila ay umiiyak ito at hindi makausap ng matino. Hanggang sa napansin ng mga magulang ni Becca na inaapoy na siya ng lagnat. (Please LIKE and COMMENT thanks.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD