Hindi ko namalayan ang oras nang magising ako. Nang tingnan ko ang orasan na nasa study table ko, napabangon ako agad. Alas-otso na at isang oras na lang, first subject ko na. Hinanap ko ang cellphone ko para sisihin. Naka-set na everyday ang alarm nito base sa class schedule ko kaya naman nagtataka ako dahil hindi ito tumunog, hindi tuloy ako nagising nang maaga. Nakita ko ang phone ko na nasa tabi lang ng unan ko. In-on ko ito pero hindi ito umilaw. “Gagi, lowbat!” Hindi na ako nag-aksaya ng oras na i-charge ito. Sa classroom na lang ako magcha-charge mamaya. Magdadala na lang ako ng charger tutal hindi naman ako takot na mag-charge nang palihim doon. Dumiretso na ako sa banyo at tiningnan muna ang mukha ko sa salamin. Hinawakan ko ang pisngi ko at nakatutok ang paningin

