Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan nang umalis si Arianne. Sumunod na rin sa labas si Yuri dahil lumalalim na ang gabi at hinahanap na siya sa kanilang bahay. Hinahagilap ko pa ang natitira kong katinuan nang mapagtanto kong ako na lang ang mag-isa rito sa sala. Ramdam ko pa rin ang kaba habang nasa kusina si Alet, kumakain. Kanina, inakala ko na aamin siya kay Arianne. Akala ko ipapa-alam na niya talaga sa iba na may nararamdaman siya sa akin at iyon ang lubos-lubos kong kinatakot. Hinding hindi pa ako handa para roon lalo’t katabi ko pa kanina si Yuri. Tumingala ako sa wall clock. Nang makitang pasado alas sais na ay saka ko napagdesisyunang maglakad patungo sa hagdan. Sa ilan kong hakbang patungo roon, napahinto kaagad ako nang tawagin niya ako mula sa hapag. Marahan

