And that was it. Matapos ang gabing iyon, nagkabati na muli silang dalawa. Alam kong hindi dapat ako manibago lalo sa ganitong klase ng umaga. Pababa pa lang ako sa hagdan ay nakita ko na silang nag-uusap. Hindi tulad ng mga nagdaan ay walang negatibong bakas sa kanilang ekspresyon. Tumatawa si Ate Dahlia habang sumusubo ng pagkain. Si Kuya Alet naman ay tahimik at nakangiti habang hawak sa kanang kamay ang tea cup. Sabay silang napatingin sa akin nang makababa na ako ng hadgan. "Oh Diana! Good morning!" masayang salubong ni Ate, buong buo ang ngiti at nasa mood. "Magandang umaga rin po," sabi ko at naglakad patungo sa pwesto, katabi ni Ate at katapat ni Kuya. Nang magtama ang mga mata namin ni Kuya Alet, unti-unting naglaho ang ngiti niya sa mukha. Yumuko ako sa pagk

