Hindi na siya nagtanong kaya hindi na rin ako nagsalita pa. Sa oras kasi na hahaba at hahaba ang usapan, baka kung saan pa ito tumungo. Iba pa naman ang ugali nito, kapag isang maling salita lang, hindi ka na titigilan. Mabuti na lang at hindi na siya nag-usisa pa nang maihatid na ni Robert sa amin ang orders. Ni hindi ko na sinubukan pang lumingon dito dahil kita kong nakatitig pa rin talaga sa akin si Alet. He’s keen observing. Nararamdaman kong hindi siya kuntento sa pinaliwanag ko kanina kaya naghahanap pa siya ng butas. Oh God. “Enjoy your food Sir and… m-miss…” mautal-utal na sabi ni Robert habang yakap-yakap ang tray. Tumango na lang ako nang hindi lumilingon sa kaniya saka yumuko. We started to eat our food when Robert left. Upang hindi mailang, pilit kong ibinaling sa

