Sabado. Walang scheduled class si Yuri kaya alas nuwebe pa lang ng umaga ay narito na ako sa kanila. “Hindi naman galit si Arlet?” Suot-suot ni Yuri ang itim nitong apron habang naghahalo ng ingredients para sa ibe-bake niyang cupcakes. Nagulat pa nga siya kanina dahil hindi niya inaasahan na ganito ako kaaga pupunta. Inaasahan niyang pahirapan ang pagpapaalam lalo’t kilalang kilala na niya ang galawan ni Alet. “Hindi ‘yon galit. May fashion pa ‘yon eh. Alangan namang maghapon lang akong nakatunganga mag-isa sa bahay, ‘di ba?” “Hindi ka ba niya niyaya manood ng show?” Nagkibit-balikat ako kahit na alam ko naman ang sagot. Ayaw kong isipin niya na nagiging dahilan siya kung bakit hindi ko nagagawang umattend sa mga ganoon. Besides, ni-reason out ko na ito kay Alet. Maraming

