PROLOGUE

2393 Words
[2016] "M-miss?" utal na sagot ko nang tinawag ako ng aking guro sa Filipino. Kahit hindi niya pa sabihin kung ano'ng pakay niya sa'kin ay alam ko na agad kung ano ito. Kinakabahan tuloy ako dahil sa gawang paglapit niya sa'kin. "Miss Pogon?" s*******n akong napangiti nang itinaas niya ang kanyang dalang brown envelope sa kanyang kanang kamay. Sabi ko na nga ba eh! "Bring this to the dean's office." sabay na tugon ko sa kanya sa aking isipan. Sabi ko na eh, nakakainis naman!. "Bring this to Miss Soul at sabihin mo na ito raw 'yung mga listahan ng mga estudyante na naka-enroll sa LIS ng section Gold." Nakasimangot ako habang kinuha ang kanyang inilahad na envelope sa'kin. Hindi niya naman siguro nakita ang naging mukha ko dahil nakangiti naman ako habang nakasimangot na nakatingin sakanya. In short, may halong simangot ang aking ngiti. [HiHi no confusion!] "Yes po miss." tangong tugon ko nang tuluyang mahagkan ang envelope na ibinigay niya. "Thank you Miss Pogon, and by the way manage your classmates well. And, tell them na ayusin nila ng mabuti ang kanilang ginagawa dahil may plus points kayo sa'kin." Umaliwalas bigla ang mukha ko parang, ginaganahan tuloy ako dahil sa sinabi niyang plus points. Kilig to the bones, nye! "Pero makukuha niyo lang ito kapag nagawa niyong pagandahin ng maayos ang stage." Ang dating maaliwalas na mukha ay napalitan agad ng kulo sa dugo at sa aking mga kalamnan dahil sa pagbawi niya ng good news. Wala bang kabayaran ang paghihirap namin para hindi kami bigyan ng points kung sakaling pangit man ang nagawa ng mga mabubuti kong classmates? Nakakainis talaga.! "Dahil alam niyo naman siguro mga section Iron na malapit na ang buwan ng wika, kailangan talaga natin ng bonggang paghahanda." sabi niya at tumango lang ako. "Okay, bring that to Miss Soul." "Yes po Miss Kaluluwa." sagot ko sakanya bago pa siya makapasok sa loob ng library. Mabilis na nawala ang aking ngiti nang nawala na si Ma'am Kaluluwa sa aking harapan. Napailing nalang ako at tiningnan ang aking dalang envelope. "Grade 9- Section Gold," pagbasa ko sa sulat na nakalagay sa labas. "Teacher, Miss. Rose Kaluluwa." Dapat sana ay hindi na ako umalis pa doon sa stage, siguro hindi ako nautusan ni Miss. Rose ngayon. Nakakainis talaga eh, pagod na pagod na ako kakalakad, pero ito na naman ako! [Matamlay mood on.] Halos maiyak ako dahil sa tirik na init ng araw na talaga namang masakit sa balat. Napatingin ako sa buong ground ng campus mula dito sa 4th floor ng grade-10 building. Ang dumi at ang alikabok pa ng paligid. "Hindi ko kayang maglakad!" dabog ko nang makita ang dean's office na kasing layo ng Mars sa Earth. Pinagpagan ko ang aking sarili at inayos sa ayos ang aking mahabang buhok. Matalim akong tumingin sa isang malaking salamin mula dito sa labas ng dean's office. Inamoy amoy ko ang aking sarili, "Hindi naman ako mabaho," sambit ko bago napag-isipan na buksan ang pintuan. "Ahh!" napasigaw ako sabay hawak sa aking noo nang hindi ko sinasadyang mabangga ang isang lalaki. Napatingin ako sa aking likuran, "Nasaan na 'yun?" tanong ko habang hawak parin ang aking noo. "Yes, miss?" rinig kong tawag sa'kin nang isang teacher kaya napalingon ako sa loob ng opisina. "Good afternoon ma'am, nandiyan po ba si Miss Soul?" yukong sabi ko at dahan-dahang isinirado ang pintuan. "That way," sagot niya at ibinalik sa kanyang papeles ang kanyang tingin. "Thank you po.," ngiting sagot ko habang nakahawak parin sa aking noo. Huwag lang talagang magpakita ang lalaki na 'yun sa'kin dahil hindi lang bukol ang maaabot niya kundi, "Sakit sa katawan!" galit kong tugon. Gano'n nalang ang pagngiti ko ng malaki nang makita si Miss Soul sa aking harapan. "Good afternoon po ma'am," yukong bati ko, hindi na ako nagsalita pa at ngumiti lang ng ngumiti. "Napaaway ka siguro no?" tanong niya sa'kin kaya napailing ako ng mabilis. "Hindi mo ako maloloko hija, kitang kita diyan sa mukha mo oh." turo niya sa aking noo. "P-po?" takang tanong ko at napahawak sa aking noo. Mahigpit akong napahawak sa aking dalang envelope. Kasalanan ito ng lalaking 'yon eh. Pag siya talaga nakita ko, patay talaga siya sa'kin! Nabalik ako sa aking wisyo nang makita ko ang pag-cross ng kamay ni Ma'am Soul at matalim na tumingin sa'kin. "P-po, miss? Wala po akong nakaaway, 'yun po kasing lalaki kanina binangga po ako. Tapos po nung paglingon ko ay nawala na siya." paliwanag ko. "Parang magic nga po eh." natatawang tugon ko kaya napatawa si Miss Soul. "Ahh si Chazzé, hindi na ako magtataka pa dahil gano'n talaga 'yung bata na 'yun." sambit niya kaya napanganga ako. Sino 'yun, Chazzé, bagong bago ang pangalan niya dito? Mr. Bukol pala ang dating ng lalaking 'yun, siguro feeling gangster 'yun tapos pangit naman pala. "Marami ngang nagre-report dito eh dahil sa mga gawain niya. Hindi naman siya bully pero marami siyang nasasaktan," natatawang sabi niya. Chika si Miss? Nakakatawa man na isipin na gano'n ang gawain ng lalaking'yun pero naiinis at galit parin ako sakanya. "Ah, siguro po ay hindi niya lang po sinasadya." sambit ko at tumango tango naman siya. "Ah ma'am, utos po pala ni Miss Kaluluwa na dalhin po ito sainyo," paglahad ko sa envelope. "Ito raw po 'yung listahan ng mga estudyante niya na enrolled sa LIS po." "Okay," tugon niya at yumuko lang ako. Mabilis kong nailipat ang aking tingin sa kanyang nameplate. "Miss. Rosas Soul?" tanong ko sa aking sarili. Napatingin ako kay Ma'am Soul ng matalim, busy siya sa pagbabasa nung mga pangalan galing sa envelope. "Any problem, Tala?" tanong niya sa'kin. Mabilis akong napailing dahil sa tanong niya. "Wala po miss.." natatawang tugon ko at napalunok ng dalawang beses. "Una na ho ako, thank you po." yukong tugon ko at lumabas mula sa kanyang opisina. Feeling ko naman sikat na sikat na ako, hindi ko alam na kilala pala ako ni Miss Soul. Kilig to the bones! Siguro sa pabalik-balik ko ng opisinang 'to ay nakikilala na nila ako. Dapat nga eh ay gawaran na ako ng award ni Miss Kaluluwa ng, "Matapat na estudyanteng tagapagpadala." taas noo kong sambit at binuksan ang pintuan. "Goodbye po ma'am San!" bati kay ma'am San nang makita siyang papauwi na. "Goodbye, Tala!" rinig kong sagot niya at tumungo na. Nawala rin ang ngiti ko nang maalala ko ang pangalan ni Miss. Rosas Soul. Sinipa sipa ko ang isang maliit na bote ng pepsi habang naglalakad pabalik sa aming building. "Sino kaya talaga kanila ang totoong rosas at kaluluwa?" tanong ko sa aking sarili. Tingnan mo nga, si Miss. Rose Kaluluwa tapos si Miss. Rosas Soul? Nyeeh! Joke ba 'to?Napailing nalang ako. Hirap na nga akong magcalculate ng math problems, dumagdag pa sila. Bigla akong napahinto sa aking paglalakad nang humarang sa'kin ang tatlong lalaki. "Sino ba ang mga taong 'to?" bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sakanila. Feeling F3 ha!? [Lalaki number 1: Nakasuot siya ng blue na shirt na may tatak na "I love my princess". Maiiyak nalang ako sa nabasa ko wala namang may paki, ulol. Naka-tack in pa ang suot niyang damit sa kanyang pants. Nasa likuran niya naman ang kanyang blazer. Not wearing a proper uniform, ekis. Sakto naman ang porma niya, okay lang naman.] Next! [Lalaki number 2: Ang ganda ng pormahan niya, nakaproper attire siya. 'Yun nga lang, hindi sa judgemental ako pero hindi naman siya naka- tiktak. Pero okay lang, maganda naman ang porma niya, still.] Next! [Lalaki number 3: Talagang mataba siya kompara sa dalawa. Kumakain siya ng lollipop habang mariing nakatingin sa'kin. Grabi naman makatitig 'tong matabang baboy na 'to. Pero in fairness nakaproper uniform din siya, kaso nga lang hindi nakalock ang blazer niya. Ekis padin! "Hoy! Galawang gangster kayo ah." natatawang sabi ko sakanila nang makita ang bandannang nakatali sa kanilang mga noo. "Ang ganda ah, pwede pa join?" birong tanong ko. "Umalis ka Tala hindi ka maganda," sambit nung isang lalaki na nakasuot ng asul na damit. "Eh diyan naman sa Princess mo?, pangalan palang, tumba na." natatawang tugon ko at tumingin sakanya ng malagkit. Rinig ko ang tawanan ng mga kasama niya. "Tama ako 'di ba?" tanong ko at nakikipag high five sakanila. Agad naman silang gumanti at nakikitawa sa'kin. Feeling close 'tong mga 'to sa'kin. Palibhasa! "Hep, hep.... hep!" pag-awat nung isang lalaki sa'min kanina. Ay, bitter lang! Agad naman akong napatabi dahil sa pag-awat niya at nakatayo sa gilid. "Lakas naman ng loob mo hoy, princess!" tugon ko sakanya. "Tumahimik ka ngang babaeng dugyotin ka!" sagot niya sa'kin kaya napayuko ako. "Hindi ako dugyot ah, baka ikaw 'yun. Gangster pa ang galawan mo. Pangit naman ang mukha mo." nakayukong sabi ko sakanya. "Teka, ano?!" "Tama 'yun pre, lagot ka kapag umiyak 'yang si Tala. Kilala ka pa naman ng mama niyan, baka mahagip ka ng walis nun pag-uwi mo." natatawang sabi ng lalaking mataba. "Oo nga pre, alis ka nalang..." sabi nung isa. Agad akong napatingin sa dalawang lalaki na kasama nung princess. Teka ba, akala ko ba magkaibigan sila, bakit nila pinapaalis si princess? "Teka lang ha, sino ba kaibigan niyo dito? Bakit kayo kampi sa kanya? Dapat sa'kin kayo makipag high five hindi sa dugyot na babaeng 'yan." rinig kong pangaral niya sa mga kaibigan niya. "Hindi pre," sagot nung dalawa at lumapit sa'kin. "Totoo namang kampi ako kay Tala, president namin 'to eh." sambit ni tabachoy at inilapit sa'kin ang kanyang kinakaing lollipop kaya mabilis ko siyang nasampal sa kanyang braso. "Oo nga pre, alis kana at tsaka, hindi ka naman namin kilala. Sorry." sambit nung payat at yumuko pa. "Sorry brother!" ani tabachoy at yumuko din. "Baliw pala kayo eh," sambit ko sa dalawa. "Masamang kaibigan kayo, gusto niyo bang ipa-office ko kayo?" tanong ko sakanila kaya napailing silang dalawa. "Aber, bigyan niyo ako ng rason para hindi ko ituloy." taas noo kong sambit at nakapamaywang na tumingin sakanila. "Totoo nga Tala, siya lang kaibigan ko." turo no tabachoy kay payatot. "Ako din, siya lang din ang kaibigan at bestfriend forever ko." ngiting tugon ni payat at kumindat kay tabachoy. Mabilis akong napalingon sa lalaking naka-asul. "Eh, sino siy---" "Aksidente lang naman namin siyang nakita doon sa public room, nakatayo lang siya doon. Lonely na lonely siya at tutal friendly naman kami pareho ni Fat kaya napag-isipan namin na isama siya sa palakadlakad para malibang naman siya." talagang pinaliwanag niya pa ang pagkikita nila, wala naman akong pakialam. "Wala akong pakialam, sabi ko ano'ng pangalan niya." inis kong sambit sakanya. "Pangalan daw bro," bulong ni payat kay tabachoy. "Ah, siya si Sun ang kapatid ni Araw." sagot ni tabachoy kaya napailing ako. Parang nagflashback lahat sa utak ko 'yung mga nangyari sa nakaraan na hindi ako nakasagot ng one plus one. Ang problema ko lang naman kanina ay kung sino ang totoong rosas at kaluluwa. Pero ngayon, "Sino sa kanila ang totoong araw?" tanong ko kaya napailing silang dalawa. "Syempre ako! Ako nga 'di ba si Sun at ang kapatid ko siya naman ay si Araw, at sa English nung araw ay day." paliwanag ni Sun sa'min at napatango kami ng sabay. Hindi ko parin gets. "Pero, hindi ba ang tagalog ng sun ay araw?" tanong nung payat sa'min kaya sabay kaming napatango ni tabachoy. "So, sino ang totoong araw at araw?" sambit niya kaya mabilis ko siyang napalo. "Aray!" sigaw niya at hinaplos haplos ang kanyang braso. "Walang araw at araw dahil ewan ko ba, wala akong alam." sabay kamot sa aking ulo. "Mga bobo, ewan ko sa inyo, diyan na nga kayo!" sabi ni Sun sa'min at tumalikod. "Brother bumalik ka ha! Babay!" paalam ni taba sakanya at kumaway kaway pa. "Teka nga lang!" inis kong sambit nang napagtanto ko na hindi ko pala kilala ang mga taong ito. Ngiti silang napalingon sa'kin, "Sino ba kayo? Bakit niyo ako kilala ha?!" One hundred and fifty percent sure ako na hindi ko sila kilala, mother of the bird die. "Ano'ng hindi kilala? Kaklase mo kami," paliwanag ni payat sa'kin. "Hindi mo ba kami namumukhaan?" tanong niya kaya napailing ako. "Sorry?..., sino nga kasi kayo! Baka miyembro kayo ng budol-budol g**g noh, o ng mga salisi g**g!?" tanong ko kaya napatawa silang dalawa. "Hindi," seryosong tugon ni tabachoy kaya natigil si payat sa kakatawa. "Oo nga pre, nakalimutan mo na ba na mahilig tayong umabsent para makapag counter strike, baka hindi niya tayo namumukhaan talaga dahil once in a blue lang tayo kung papasok." rinig kong paliwanag ni payat sa kanyang tenga. Binulong na nga niya, rinig ko parin. "Ahh, alam ko na." sambit ko kaya napatingin sila sa'kin. ["Ano" sabay na tugon nila.] "Palagi kayong absent?" tanong ko kaya tumango sila ng tumango. Napatawa ako at mabilis na pinalakpakan ang aking sarili. "Ang talino ko 'di ba?" tanong ko sakanila. "Oo kaya nga ikaw ang president namin." sambit ng payat at agad naman siyang napatigil at napayuko nang masama akong bumaling sakanila. "So, ano'ng pangalan niyo?" "Ako si---" sabay nilang tugon kaya napailing ako. Bobo talaga eh, kahit kailan. "Ako si Lolli Pop." tugon ng tabachoy. Kaya pala kain ng kain ng lollipop ang taong 'to dahil pangalan palang, malalaman mo na talaga na pagkain na ang laman ng utak. "Ako naman si Fat Stick." sambit ni payat. Hindi halata sa pangalan niya ang pangalan niya. Dapat thin stick 'yun, 'di bale na nga. "Ahh, okay ngayon kilala ko na kayo." ngiting sambit ko. Classmate ko pala ang mga ito, siguro sila lang 'yung nga classmates ko na hindi ko nakilala. Napangiti ako ng malaki nang makita ang building na nasa aming tapat. Ensaktong hindi pa ako nakaka-akyat doon, kaya may naisip akong plano. "Lolli, pakisuyo naman oh." sambit ko ng mahinahon para naman kumagat sila. "Ano 'yun?" tanong niya. "Pumunta ka sa library ng ating building at sabihin mo kay Miss Kaluluwa na okay na raw 'yung utos niya sa'kin, nastamp na raw ni Miss Soul." sambit ko at ngumiti. Nagpigil ako ng tawa nang makita ang naging reaksyon nila. Sabay silang napatingin sa 4th floor ng building pababa ng ground. Ang astig nilang dalawa. Sabay na sabay ang galaw ng ulo nila, telepathy. "Okay." matamlay na tugon nila at tumango. Halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa naging sagot nila, salamat naman. Inayos ko ang aking sarili at naglakad pabalik patungo sa auditorium.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD