CHAPTER 1

2169 Words
"A-aray.." tugon ko habang hawak ang aking noo, napakagat ako sa aking labi dahil sa inis. "Maghanda kang lalaki ka kapag nakita kita, dahil sisiguraduhin kong hindi lang bukol sa noo ang aabutin mo." inis kong bulong sa aking sarili. "Nakakainis talaga!" diing sambit ko at mahigpit na humawak sa pintuan ng auditorium. "Yes ma'am," "Please let him decide kung saang section niya gustong lumipat dahil hindi naman tayo ang mag-aaral eh." rinig kong tugon ni Miss Every sa likuran. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras sa tsismisan at mabilis na binuksan ang auditorium. Gano'n nalang ang pagkagulat ko nang wala man lang natapos kahit isa ang mga classmates ko. Nakakainis ang mga taong 'to! Isinirado ko ang pintuan at humakbang patungo sa baba. Nakahawak agad ako sa aking noo, nang makitang lumiwanag ang isang LED lights na para sa theatre. "Ano'ng ginagawa ng mga taong 'to?" tanong ko at umakyat patungo sa stage. Tanging isang canva lang ang napinturahan nila, at.. "Ano'ng,.. Tala, I love you?.." pagbasa ko sa nakapinta sa canva. Mabilis akong kinabahan at napalingon sa aking gilid. "Sino--" "Tala!" mabilis kong tinakpan ang aking noo gamit ang aking buhok nang marinig ko ang pagtawag ni Sunny sa'kin. "Tala," hingal niyang tugon nang makalapit sa'kin. "Ano'ng ginagawa nila?" bulong sa kanya nang nagsilapitan ang aking mga classmates sa'kin. "Ano bang nangyari sakanila, hoy!?" diing tanong ko sakanya nang hinila niya ako papunta sa baba ng stage. "Tala, para sayo pala." abot sa'kin ni Ana nung isang pulang papel. "Pinabaabot ng isa sa mga admirer mo." sagot niya kaya naguguluhan ako. Napatingin muna ako kay Sunny bago ito kinuha sa kamay ni Ana. "Ano'ng laman nito?" tanong ko at hindi man lang ako sinagot. Smile before you open. Katagang nakasulat sa harapan ng papel. Napailing ako at inilagay ang papel sa aking bulsa. "Ano kasi Tala--" napahinto si Sunny dahil sa biglang pag-echo nung microphone. Napatakip ako sa aking tenga at tumingin sa harap ng stage. Mabilis akong nagtaka nang lumabas mula sa backstage sina Leo at Quicky na may dalang microphone at gitara. Napatingin ako kay Sunny at nagkibit balikat lang siya. "Kanta ko 'to para sayo, classmate." napatingin ako ng mariin kay Leo nang matapos kong marinig ang tugon niya. "Okay game!" tugon niya at mabilis naman na inistrum ni Quicky ang kanyang dalang gitara. "Unang araw palang minahal na kita, Bakit ba ganito ang aking nadama," natigilan ako dahil sa gawang pagkanta ng aking mga kaklase at nakatingin sa'kin. Ano bang nakain ng mga taong 'to? "Di man kita lubusan pang kilala, Eh ano naman basta mahal kita," pagtuloy ni Leo sa pagkanta. "Unang araw sa school ako'y nasa eskwelahan, Uniporme ay cool baka may maeksenahan, Syempre meron bagong chicks ngayon nag-enroll, Kaso yung iba mukang pang shake rattle and roll.. Oh," napamangha ako dahil sa gawang pag-rap ni Quicky. "Pero iisa ang agaw pansin, Isang babaeng kumakain magisa sa canteen, Tapos lalo pa kong natuwa at lalong sumaya, Nung nalaman ko ang crush ko classmate ko pala, Haha ngayon nga madiskartehan, Wala akong pake kung magtaray o maginarte yan, Basta gusto ko lang sabihin salitang nakakasado, Sa exam ng puso ko alam mo ba ikay pasado, Pero teka lang pangalan mo di ko pa alam, "Hoy mister wag kang maingay," tumahimik ka ma'am, Anyway di ko pa rin alam pangalan mong banal, Pero pwede ba tawag ko nalang sayo mahal," naiinis ako dahil sa gawang pagkindat ni Leo sa'kin at huminto sa pag-rap. Mabilis kong niyugyog si Sunny nang makitang pangiti-ngiti habang kumakanta ng chorus. "Ano bang ginagawa nila?" tanong ko sakanya. "Ewan ko ba basta ang alam ko inutusan lang kaming kumanta sa chorus at bridge," sagot niya sa'kin at napangiti. "Gano'n daw epekto eh kapag mahal mo, kakantahan mo raw." tawa niyang sagot at bumalik sa pagkanta. "Ano'ng pinagsasabi mo d'yan?!" sigaw ko sakanya at hindi man lang ako pinansin ng bruha! Bago pa man matapos ang chorus ng kanta ay mabilis akong tinulak tulak ng aking mga kaklase patungo sa taas ng stage. Nasa kay Sunny lang ang aking tingin, "Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko." bulong ko sakanya nang makasampa ako sa stage. "Kaya mo 'yan, parang quiz lang, oo at hindi." pagbasa ko sa labi ni Sunny sa baba ng stage. Kinakabahan ako ngayon dito sa harapan. Wala na nga akong masagot sa quiz dito pa kaya kay Leo. Napatingin ako sakanya kita ko ang paglapit niya sa'kin at humawak sa aking kamay. Parang kdrama lang ang peg namin. Napatingin ako sakanya, hindi ko pinapakita ang kaba at nerbyos ko mula sakanya. Hindi ko inagaw ang aking kamay mula sa kanyang hawak at tumango tango lang. Napalunok ako ng ten times, kinakabahan ako sa eksenang 'to. Napangiti siya sa'kin at humawak ng maayos sa dala niyang microphone. "Ika'y iba sa lahat masasabeng ibang klase, At salamat sapagkat ika'y aking naging kaklase, At ikaw ngayon ang subject dito sa aking rap, Kung hindi ka nakilala malamang ako'y nadrop, Kase tamad akong binatang sawa sa eskwelahan, Ngunit ikaw ay estudyante don kaya may kwenta yan, Gumawa ako ng project tulang ipapabasa, Di ito para kay ma'am sayo ko to papasa, Sana pumasa ako sayo, Sana magreview ka rin na umaasa ko sayo, At ang mahalin kita hindi ko yon pinagaralan, Dahil nadama ko yon ng kusa at agad agaran, Classmate kong mahal sana maisip mo na, Matamis mong oo ang tuturing kong diploma, At bago ka mawalay sakin sa bakasyon, School year na kasama ka sa puso ko babakas yon," huling rap niya kaya napako  lang ang aking tingin sakanya. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, kung oo or hindi ba ang isasagot ko sakanya. "Tala, papasukin mo ako sa buhay mo." sabi niya sa'kin at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa sinabi niya. Okay naman si Leo, maayos naman siya pero... Kung sasagutin ko siya, talagang wala na akong uuwiang bahay. Patay ako kay mama eh, at talagang giling ang katawan ko kay papa. At ayaw kong mangyari sa'kin 'yun. Lord naman, please bigyan niyo ako ng sign. "Tala?" gawang pagtawag niya. "O-oo.." utal kong sambit at ngumiti sakanya. "Alam mo naman kung ano'ng nararamdaman ko sa'yo 'di ba? Mahal na mahal kita simula noong unang araw palang." panimula niya kaya napatingin ako sa aking gilid. "Sana ay sagutin mo ako, promise talagang hindi ka magsisisi." sambit niya kaya napatawa ako. "Ano'ng problema?" Mabilis akong napailing dahil gawang pagtanong niya. "Hindi pa kita kilala eh, at saka..." "At?" tanong niya at umiling ako. "Wala.." tanging sagot ko at ngumiti sakanya. Hindi nga siya nanligaw tapos tatanungin niya na ako at isa pa.. hindi pa po ako ready. "So, ano nang sagot mo?" tanong niya sa'kin kaya napakagat ako ng mariin sa aking labi. Ano bang isasagot ko? Nakangiti na may halong lungkot ang mukha ni Leo habang nakatingin sa'kin. Naawa ako sakanya pero kung sasagutin ko siya alam kong hindi kami magiging masaya at hindi ganito ang gusto ko eh, wala akong nararamdaman sakanya. Nailipat ko ang aking tingin kay Sunny na ngayon ay nakangiting nakatingin sa'kin, masaya ba siya habang tinitingnan ako dito sa harap kasama si Leo? Ahh!, Nakakainis namang buhay oh! "Ahh kasi Leo...," "Kasi?" tanong niya at niyugyog ang aking kamay. "Ano Tala, ayaw mo ba sa'kin?" sambit niya kaya napailing ako. "Ayaw mo ba sabihin mo lang," Echoss naman ng lalaking 'to, hindi niya ba alam nagiisip pa 'yung tao. "Naghahanap pa ako ng sign, easy ka lang." sambit ko sakanya kaya napatango siya. Ito na 'yun, ako lang naman ang nakakaalam ng sign na ito. Kung may papasok sa auditorium na isang lalaki at tatayo lang siya at aalis naring bigla ay... Hindi ang sagot ko. Kung papasok sa loob ng auditorium si Miss Kaluluwa at galit ay... Oo naman ang sagot ko. Seconds passed.... Mabilis na kumabog ang aking puso nang makita ang pumasok sa auditorium. Napatingin ako kay Leo na ngayon ay nakayuko at hawak parin ang aking kamay. Napayuko din ako at tumingin kay Sunny. "Ano na?" pagbasa ko sa bibig niya. Napailing lang ako sakanya at tumango naman siya. "Sorry Leo pero hindi binigay ng sign sa'kin na sagutin ka." sagot ko sa tanong ni Leo, mabilis niyang nabitawan ang aking kamay. "Lalaki ang pumasok sa pintuan ng auditorium," tumango tango siya at tumingin sa kanyang gilid. "Siguro hindi tayo ang para sa isa't-isa at saka sobrang bata ko pa para magkaroon ng nobyo, 16 palang ako, tayo, magkasing edad lang tayo." "Oo alam ko, kaya I'm sorry." sambit niya at naunang naglakad papunta sa backstage. Sorry, Leo. Napalingon ako kay Sunny dahil sa biglang pagkalabit niya sa'kin. "Okay ka lang?" tanong niya at tumango lang ako. "Hali ka na," paghila niya sa'kin pababa ng stage. "Saan ka ba kasi nanggaling at nagkaroon ka pa ng bukol diyan sa noo mo? Nakipag-away ka no?" Mabuti nalang at iniba niya ang topic. "Hindi ah," sagot ko sakanya at inayos ang aking mga libro papasok sa aking bag. "May isang lalaki lang kasi na bumangga sa'kin sa Dean's office at hindi ko alam kung sino 'yung taong 'yun." sabay bigay sakan nung isang libro. "Paano'ng hindi alam?" tanong niya at isinara ang kanyang bag. "May gano'n ba?" "Mayroon nga, nabangga niya ako at hindi man lang ako tinulungan para maayos man lang ako, at bigla bigla nalang siyang umalis sa aking harapan at pagtingin ko sa aking likuran, wala na siya. Feeling ko nga eh, takot 'yung lalaking 'yun kaya tumakbo ng mabilis." natatawang sabi ko at isinuot sa ayos ang aking backpack. "Siguro nga," natatawang sagot niya kaya napatawa ako. Nauna siyang naglakad paakyat sa'kin. Sandali muna akong napalingon sa aking likuran nang makita sina Liza na nasa kanilang upuan pa. "Tumayo na kayo, may gagawin pa tayo sa classroom natin baka gusto niyong ilock ko kayo rito." banta ko sakanila kaya mabilis silang napagalaw. "Hi Miss Kaluluwa, good afternoon po." tugon ni Sunny nang makitang papasok si Miss sa auditorium. Tumango lang siya sa'min at nauna na kami. "By the way Miss Pogon?" tawag ni Miss Kaluluwa sa'kin kaya napatingin ako sakanya. "Po?" "Tell your classmates na to bring extra clothes tommorow para sa gagawing activity natin." sambit niya kaya tumango lang ako. "Okay po, goodbye ma'am." bati ko at nagpatuloy sa aming paglalakad. "Sana ganyan nalang palagi ang mood ni Miss noh? Nakakainis kasi kapag Dragon siya." natatawang tugon ni Sunny kaya napatawa ako. "Sana nga," pagtango ko. "Hoy! Miss President bakit daw ang tagal mo? Hinahanap ka ni Miss Soul, may sasabihin daw siya." bungad ni Quicky sa'min nang makarating kami sa loob ng classroom. "Kung makasigaw ka ah, kala mo kung sino ka!." tugon ni Sunny sakanya at mabilis na sinuntok sa kanyang braso. "Halikan kita diyan eh." banta ni Quicky sakanya. "Halikan mo pwet ni Leo," natatawang tugon ni Sunny kaya napatawa ang lahat. "Pwede namang sayo nalang ah," sambit niya kaya mabilis na napaupo si Sunny sa kanyang upuan. "f**k you, Quicky!" sigaw ni Sunny sakanya kaya napatili ang lahat. Nakikitawa narin ako dahil sa kakaibang tambalan at asaran nilang dalawa. Palagi naman silang ganyan kaya nasanay na ang lahat. "Nakakainis e!" rinig kong sigaw ni Sunny sabay nang pagpasok ni Miss Soul. Agad na nagsi-upuan ang lahat nang makitang ang nakapamaywang na si Miss Soul sa harapan. Hinampas niya ang board sabay taas ng kanyang kilay. "Ano'ng nangyayari dito section Iron?" tanong niya kaya napayuko kaming lahat. "Nasa office palang ako, rinig na rinig ko na ang boses niyo. Sa ground palang ng building niyo, 'yang mga mala megaphone niyong boses ang bumati sa'kin. Ano'ng nangyayari? Gusto niyo bang mapatawag ulit sa opisina?" tanong niya kaya napayuko lang kami. Sa ganitong mga sitwasyon, alam naming talo na kami kaya wala kaming ibang gagawin kundi ang tumahimik na, makinig at tumango lang sa bawat salita na bibitawan niya sa'min. Baka ma office na naman kami. "Oh ano, sino'ng pasimuno ng kaguluhan na ito? Sino'ng mga officers?" tanong niya, hindi kami nagtaas ng kamay dahil baka ano na namang sabihin ni Miss. Sigurado akong bad mood lang siya dahil hindi naman kasing dragon ni Miss Kaluluwa si Miss Soul. "Wala man lang nagawa dahil pati kayo pasimuno! Oh, sino pa, sino pang leader?!" pasigaw niya kaya napaurong ako sa aking kinauupuan. "Hoy president, ikaw na sumagot." rinig kong tugon ng kaklase ko sa aking likuran. Pairap akong napalingon sakanya. "Ikaw na," anas niya. Batukan ko 'tong lalaking 'to eh. "Bakit ako na naman? Ako ba nag-ingay? Hindi naman ah." tugon ko sakanya ng pabulong at ibinalik ang tingin sa harapan. Gano'n nalang ang pagkagulat ko nang makita si Miss Soul sa aking harapan. Hawak-hawak niya ang malaking stick ni Miss Kaluluwa at mariin na tumingin sa'kin. Okay naman tayo kanina 'di ba Miss Soul. Bakit naging tigre ka na ngayon? Ibinaba niya ng kunti ang kanyang mukha para mahagip ako. "Miss Pogon?" tawag niya sa apelyido ko kaya napaayos ako ng upo. Me again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD