CHAPTER 2

2113 Words
"M-miss?" utal kong tanong. Tagos hanggang kaluluwa ko ang kaba at hiya dahil sa pagtawag niya ng apelyido ko. Bakit niya ako tinawag? Wala naman akong ginawang masama ah. At in fact, hindi naman ako ang nag-ingay kanina. Ang magaling na kaibigan ko lang naman 'yon at isama niya pa ang kanyang haliparot na kalove team. "Bakit?, Bakit ka nauutal?" ngiting tanong niya sa'kin kaya nagtaka ako. Bakit daw ako nauutal? Aba! Syempre, kinakabahan ako Miss! Napatingin ako sa aking gilid dahil sa aking naisip. Agad naman na nahagip ng aking paningin si Leo, nagkibit balikat siya nang maramdaman niyang tumingin ako sakanya. Napangiti naman ako sa ginawa niya at ibinalik ang tingin kay Miss. "Ano'ng nangyari sayo?" pahabol niyang tanong sa'kin. "W-wala po Miss." ngiting sagot ko at umiling. "Okay, nakita ko kasing may kausap ka kanina kaya lumapit ako dito. Well, nevermind that thing." hinto niya at nagsimulang naglakad papunta sa aming likuran. Hindi ako lumingon kay Miss Soul na nasa likuran namin. Nanatili lang ang aking tingin sa harapan hinihintay lang kung ano mang sabihin niya. Talagang terror si Miss Soul sa loob ng klase pero kapag nasa labas naman kami ay hindi naman siya ganito kasama sa'min, pumapansin at ngumingiti siya kapag nasa labas na kami. At talagang magkaiba sila ni Miss Kaluluwa, dahil masamang masama talaga ang budhi nu'n. "Listen class!," sabay hampas ni Miss nung makapal na stick nang makapunta sa harapan namin. Agad akong napahawak ng mahigpit sa aking kamay dahil sa gulat ko. Mabilis akong nagpigil, bakit naman kasi puro hampas sila nung stick? Pwede namang chill lang. Makikinig naman kami ah, kaya walang rason para maghampas hampas, nakakaloka sa brain eh. Ang kapal pa naman ng stick na 'yon. Kita ko ang pag-iling ni Miss Soul kaya mariin akong napatingin sakanya. "Ano'ng meron?" rinig kong bulong sa'kin ni Sunny sa aking gilid. Nagkibit balikat ako, "Hindi ko rin alam, hindi ako manghuhula." "Mais ka!" inis na tugon niya kaya napatakip ako sa aking bibig. "So, by tomorrow morning, there will be two students from section A na magtra-transfer dito." napahinto si Miss dahil sa naging reaksyon ng mga kaklase ko. Pati ako ay nagulat din kaya napalingon ako kay Sunny. "Listen up! Alam na ng adviser niyo ito kaya bilang school chairman and coordinator, I want you to welcome your new classmates with wide open arms tomorrow morning." ngiting tugon ni Miss. "Bakit ba sila nagtransfer dito ma'am, bobo din po ba sila?" tanong ni Leo kaya napatawa ang lahat. "Because of some cases, Mister Arlan." tanging sagot ni Miss at inayos ang kanyang suot na blazer. "That's all for today and I am expecting news,.. a good news from all of you tommorow. Miss President, kindly handle your classmates well." Ngumisi ako dahil sa utos ni Miss Soul bago siya makalabas ng classroom. May bagong kaklase kami at sino naman kaya 'yun? "Guys, join me if gusto niyong malaman kong ano'ng chika ko!" rinig kong sigaw ni Sunny kaya nagsilapitan sakanya ang lahat. "Uwian na!" natatawang tugon niya kaya nahampas ko ang braso niya. Akala ko makakatulong sa tanong ko ang kanyang sasabihin. "Kayo ha, puro tsismis lang nasa utak niyo." tawang tugon niya. "Gaga talaga 'tong si Sunny araw-araw," biro sakanya ni Quicky. "Hoy, ikaw! Alagaan mo 'yang kaibigan mo dahil parang nabalian eh. Sinaktan mo ba 'yan?" tanong ni Sunny sakanya. Mabilis naman na napunta ang aking paningin kay Leo na ngayon ay inayos ang mga libro papunta sakanyang bag. "Mais ka!" sigaw ni Leo kay Sunny. Huminga ako saglit matapos maayos at maisabit ang aking backpack. Lumapit ako sa upuan ni Leo at ngiting tinulungan siya sa kanyang mga gamit. "Okay lang Tala, ano ka ba." natatawang sabi niya nang kinuha ko ang isang libro. "Okay lang, kaibigan naman kita eh." sambit ko at inilagay sa kanyang bag ang panghuling libro. "Ahh salamat," tugon niya at ngumiti. "Okay ka lang naman 'di ba?" tanong ko sakanya nang maayos niya ang kanyang bag sa kanyang likuran. "Oo naman, ikaw ba?" "Okay naman ako at pasensiya kana kanina," talagang sincere ako sa paghingi ko ng tawad sakanya dahil alam kong nasaktan ko talaga siya at ngayon ay takot ako sa magiging relasyon namin lalo pa't magkaklase kami. Ayaw ko ng mga awkward moments dito sa loob ng classroom dahil mababaliw talaga ako. "Pasensiya ka na talaga." "Hindi okay lang 'yun, naiintindihan ko naman eh." ngiting tugon niya at ngumiti. "Friends?" lahad niya sa kanyang kamay. "Parang tanga naman. Syempre, friends!" pagtanggap ko sakanyang kamay at gumanti ng ngiti. "May bagong lovebirds na sana tayo kapag sinagot mo si Leo." natatawang tugon ni Quicky nang makalabas kami ng classroom. "Hindi ganyan! Talagang hindi kami tinadhana para sa isa't-isa, talagang hanggang kaibigan lang talaga kami." paliwanag ni Leo nang makahakbang kami pababa ng hagdan. "Wow! Bagong CEO ng talaga?" tanong ni Sunny kaya natahimik kaming lahat. Kahit saan pa ilagay ang mga jokes ni Sunny ay talagang walang nakakatawa kahit man lang isa. "Okay," tugon niya kaya napatawa kaming tatlo maliban sakanya. "OA mo ah," sagot ko kay Sunny kaya napatawa siya ng malakas. "Baliw!" "Sila Lolli 'yun 'di ba?" tanong ni Leo kaya napahinto kami kami at napatingin sa dulo na tinuro niya. "Ang dalawang 'yan, patay 'yan sa'kin!" "Bakit bro?" tanong ni Quicky sakanya. "May utang ba sayo?" "Oo nga," pagsang-ayon ko. "Wala, miss ko lang kasi ang dalawang 'yan." sagot ni Leo at naunang bumaba ng hagdan. "Dalian mo bro!" tawag ni Leo kay Quicky. "Wait lang!" tugon niya at bumaba ng hagdan. "Sunny, Tala, una na muna kami, babye!" paalam niya sa'min bago tumakbo. "Ang sabihin mo eh, ayaw mo lang talagang sumama pauwi kay Tala dahil nasasaktan ka." rinig kong tugon ni Sunny. Sino'ng kausap ng gagang 'to? "Ano'ng pinagsasabi mo?" natatawang tanong ko. Lumingon ako sa aking likuran nang makababa sa ground. Inayos ko ang aking bag at humawak kay Sunny para makapaglakad na. "Bakit naman hindi mo siya sinagot Tala? Okay naman si Leo ah, at tsaka mabait, matalino at marunong pang kumanta." daldal niya habang kumakain ng kanyang paboritong fishball. "Oo nga," sang-ayon ko at kumuha ng isang piraso sa kanyang kinakain. "Eh--" "Eh, bakit hindi mo siya sinagot? Ideal man mo 'yung mga marunong kumanta 'di ba?." tanong niya at tumango lang ako. Uminom ako nung juice niya at tumingin ulit sakanya. "Bakit nga hindi ang sinagot mo?" "Kasi alam mo naman kung sino 'yung crush na crush ko 'di ba?" tanong ko sakanya at pinainom sakanya ang kanyang juice. "At tsaka, hindi dahil magaling siyang kumanta ay sasagutin ko na siya. Ang gusto ko lang na sagutin ay 'yung taong mahal ko. Ang gusto kong maging boyfriend.. unang maging boyfriend ay 'yung mahal ko talaga." paliwanag ko sakanya at tumango tango lang siya. "Alam ko naman 'yun. Pero matagal mo nang crush 'yang childhood friend mo na alam naman natin pareho na kahit isang tuldok ay wala kayong pag-asa." tugon niya kaya masama akong tumingin sakanya. "Makapagsalita ka, akala mo naman crush ka rin ng crush mo." ngumiwi lang siya sa'kin. "Pero kahit gano'n ay hindi mawawala 'yung feelings ko sakanya. Talagang crush ko siya eh." ngiting tugon ko at kinuha ang aking cellphone. "Sabi niya tatawag daw siya sa'kin bago mag alas singko ng hapon." "Hayssss!" buntong hinga ni Sunny sa aking gilid. "Speaking," sambit niya ng tumawag si Chaos. "Hi Yosi!" tawag ko sakanya. ["Saan ka na? Nakauwi ka na ba?"] "Wala pa nasa campus pa ako hinihintay ko pa kapatid ko, pero uuwi na rin ako mamaya." paliwanag ko. ["Video call mo ako mamaya may sasabihin ako sayo."] "Oo naman!" advance na kumirot saglit 'yung dibdib ko sa sasabihin niya mamaya. ["Sige sige, call me. Babye, Tala!] "Yun na yun?" disappointed ang mukha ni Sunny. "Wala man lang 'i love you, tala!' ang pangit naman. Ang hina naman!" Dahan dahan kong ibinaba ang aking cellphone at malungkot na tumingin kay Sunny. "Yun lang," mahinahon kong sagot at tumingin sa gilid. "Gano'n lang naman talaga eh." "Hayy," buntong hinga niya ulit. "Bahala na nga," sagot ko at umupo sa bench. Mabilis kong sinagot ang aking telepono nang maramdaman ko ulit ang pag-vibrate nito. "Hello?!" galit kong tugon nang malamang kapatid ko ang nasa kabila ng linya. ["Ate, nasaan ka na raw? Galit na si mama, nasa bahay na ako."] Bigla akong napatayo at napasinghot sa galit at inis. "Baliw ka ba?! Hinihintay kita dito tapos nasa bahay ka na pala! Baliw ka pala eh!" ["Bakit kasalanan ko? Inutusan ba kitang hintayin ako? Wala naman ah, HAHAHA."] Naiinis ako sa tawa niya. "Hintayin mo lang ako Glenarios at talagang makikita mo na kung saan ka patungo!" pigil kong huwag sumigaw. ["Waiting here, ate. Babye!"] nang-iiritang boses pa. "Wala na raw siya?" tanong ni Sunny at tumango lang ako. "Aba'y! Balian mo ng buto 'yang kapatid mo ha? Nanggigigil din ako eh." sabi ni Sunny kaya napatawa ako. "Naiinis ako eh, wala akong magagawa kundi ang dumaldal." Mabilis na nanliit ang aking tingin sa court, "Bago ba sila dito sa university?" tanong ko kay Sunny habang nasa court parin ang tingin. "Parang, hindi ko rin alam. Pero bet ko 'yung nakajersey ng number 16 ah." natatawang tugon ni Sunny at huminto pa. Bilib din ako dito sa kaibigan ko eh."Asan diyan?" tanong ko. "Nasa malapit sa ring, yung nakabend." paliwanag niya at nagpalinga-linga naman ako. "Si Salpo," bulong niya kaya napatingin ako sakanya. "Kilala mo?" "Binasa ko 'yung apelyido na nasa kanyang jersey HAHA, hindi ko kilala eh." natatawang tugon niya at umiling lang ako. Malamang! Nacurios na din ako kaya hinanap ko si Salpo na sinasabi ni Sunny. Napatingin ako sa loob ng court at agad na tumingin sa nasabing ring. Nanliit ang aking mata at agad na umiwas ng tingin makitang nakatingin siya sa banda namin. Akala niya naman siguro stalkers or fans niya kami. Che! Kahit kailan hindi mangyayari 'yun, asa siya ng marami. Ibinalik ko muli ang aking tingin doon sa lugar na saan nakatayo si Salpo, pero wala na siya doon. Ang kapal naman na siguro niya noh, kapag iniisip niya 'yung inisip ko kanina. Mabilis kong nailipat ang aking tingin sa bola nang hawakan ako ni Sunny sa aking likod. Lumaki ang aking mata nang makita ang mala-slow motion ng bola na lumilipad sa ere. Saang banda babagsak 'to? Hindi pa naman ako marunong mag estimate. Heto ako ngayon, parang baliw na nakatayo lang at hindi ko man lang mai-galaw ang aking katawan dahil sa nag-panic narin lahat Ng mga kalamnan ko. Sa mabilis na pangyayari ay mabilis din na nagland sa aking noo ang bola. Mabilis akong umiling at napaupo sa sementong sahig. Muntik ko nang makita ang panginoon doon sa nangyari, mabuti at five star lang 'yon. Napahawak ako sa aking noo at pumikit, "A-aray.." sambit ko nang mahawakan ang aking noo. Malaki na 'yung bukol ko kanina pero ito na naman ngayon... nadagdagan pa. "Neng! Nako, okay ka lang ba!?" tawag ni Sunny sa'kin at humawak sa aking noo. "Mukhang okay ba ako? Ginawa mo lang naman akong pangharang sa bola na dapat sa mukha mo mapunta." inis na inis kong sagot sakanya. Minsan nalang din ay napapaisip ako kung mahal ba talaga ako ng kaibigan ko.. Dahil kapag may mga pangyayaring ganito ay ako agad ang napapahamak dahil sakanya, hindi naman ako ang shield ni Captain America. "Pasensiya na neng, love naman kita eh. HHAHA pero kailangan kong gawin 'yun. Sayang ang remedies ko sa mukha." natatawang tugon niya at tinulungan akong tumayo. "Halika ka nga," sabay linis niya sa skirt ko. Hindi ako tumingin sakanya dahil naiinis ako. "Tala, si Salpo nandito." bulong ni Sunny sa'kin nang makitang papalapit ang lalaking walang awang sinadya na itapon sa'kin ang bolang hawak niya. "I'm getting my ball, excuse me." masama akong napatingin sakanya nang dumaan pa ito sa gitna namin. Ang kapal! Tumango ako nang lumingon kay Sunny. Hinawakan niya ako sa aking braso upang pigilan. "Hoy! At sino ka ba ha? Alam mo bang dahil sayo, nabukulan ako ng malaki!?" sigaw ko sakanya. Malaki pa sa bulkang mayon. Kita ko ang pagbagsak ng kanyang bola at lumingon sa'min. "Kita ko nga, pero ano'ng pakialam ko?." tugon niya at kumindat pa sa kanyang mga kasamahan. Nang-aasar siya. "Akala mo naman sobrang gwapo mo, para ka namang palaka, pa echos ka pa! Ano'ng akala mo uurungan kita ha?" pilit kong tinatanggal ang kamay ni Sunny na nakahawak sa'kin. "Hoy, ano!? Ang kapal mo naman ata!" Nakakuyom ang aking kamay dahil sa paglapit niya sa'kin. "Miss, please... I don't hang with girls like you.," sabay tulak niya sa noo ko. "Hindi bagay sayo ang ganyang style, dugyot."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD