CHAPTER 3

2218 Words
Napakuyom ko ang aking isang kamay. "Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong dugyot! Akala niya ba sobrang ganda ng pagmumukha niya, magkatulad lang naman kaming dugyot ah!" inis kong tugon habang hawak ang icebag na nasa aking noo. Ramdam ko ang pagtahimik ni Sunny at tumingin sa'kin ng malalim. Napailing ako sabay bawi, "Oo na! Sige na, lamang lang siya ng isang ligo sa'kin." irap ko. Wala man lang akong narinig na tawa mula sakanya. Ano na namang nangyari sa bruhang 'to? "Akala ko pa naman gentle loving care 'yung lalaking 'yun, pero hindi pala. Like what the? Ang sama naman pala ng budhi niya. Hindi ko na tuloy siya bet ngayon!" mabilis akong napalingon dahil sa sinabi niya. Grabe naman ang pagka-affected ng batang ito. Gano'n nalang ang gulat ko nang makitang padabog dabog siyang naglakad. Gusto ko mang matawa sa ginagawa niya pero ayaw ko, wala ako sa mood para humagalpak ng tawa dahil masakit na masakit ang noo ko. Habang naglalakad ay panay lang ang hawak ko sa aking noo. "At napaka judgemental pa ng lalaking 'yon," patuloy ko sa sinabi niya kanina, at tumango tango lang siya. "Hindi kayo bagay nu'n, asa lang siya." "Oo nga," natatawang sambit niya at humawak sa aking kamay. "Ay! oo nga pala!" sabay alis niya doon sa kanyang kamay at mabilis na kinain ang kanyang isang pagkain na natira. "Kain," ngiting tugon niya. "Pahingi ako ah." Ensaktong pagkarating namin sa bahay agad na bumungad sa'min si papa. "Hi po tito!" bati ni Sunny kay papa na ngayon ay nagdidilig ng mga halaman. "Hello Sunny, uuwi ka na ba? Dito kana maghapunan hija." sabay lahad ng kanyang kamay para makapagmano kami. "Tala, bless you anak." napangiti ako nang haplusin niya ang ulo ko. "Hindi na po tito, sa bahay na po ako dahil siguro pong may hinanda na si lolong tinola sa bahay." natatawang sabi niya kaya napangiti ako sakanya. Talagang mahal na mahal siya ng Lolo niya.  "Pakisabi nalang po kay tita na dumaan po ako." sabi niya at ngumiti sa'kin. "Babye, Tala!" paalam niya bago siya makaalis. "Oh Tala, kamusta? May nangyari ba?" tanong ni papa sa'kin at tinulungan akong buhatin ang aking bag. "Wala naman po papa, okay naman po ako." sabay takip nung dala kong icebag at sa aking noo. "Maganda po ang naging araw namin lalo pa't sabi ni Miss Soul na may bagong kaklase raw kami bukas. Hindi ko nga po alam kung sino sila, pero excited po kaming lahat." daldal ko habang inaayos ang hose ng faucet. "Ahh gano'n ba? Sigurado akong magkakasundo kayo ng mga bago niyong kaklase." tangong tugon ni papa. Sana nga papa. "Oh siya magbihis kana doon dahil may sasabihin daw 'yung mama mo sayo. Kanina ka pa hinihintay nu'n." "Okay po." Agad kong kinuha ang aking bag na inilagay ni papa sa maliit na upuan. Pumasok ako sa bahay habang nakatakip ang aking mga buhok sa aking noo. Para akong isang 'jeje' nito dahil sa porma ng aking buhok. Pero bahala na ang importante ay hindi nila makita, dahil alam kong raratrat na naman 'yung si mama. Napaka overacting pa naman nu'n, magsama sila ng kapatid kong kulilat. "Ate!" bungad ng kapatid ko habang nakawide open arms. "You want me to hug you?" pag english ko sakanya. "Ayaw, ang pangit mo kaya para yumakap sa'kin HAHA," natatawang sabi niya kaya mabilis kong nabagsak ang aking dalang bag. "Ate, easy lang, alam mo namang mana tayo kay papa." pinipilit niya talaga na ngumiti ako. Sa mga oras na ito ay ang tangi ko lang naiisip ay kung paano niya ako kausapin sa phone kanina at pagtawanan. Para akong isang tanga na naghihintay sakanya doon sa campus, kung siguro hindi ko siya hinintay ay hindi ako magkakaroon ng malaking bukol na ito. "Pero mas bongga nga lang 'yung namana ko." dagdag niya kaya mas kumulo pa lalo ang dugo ko. Itinagilid ko ang aking ulo at hinubad ang aking blazer. "Glenarios!" tawag ko sakanya. "Tala!" tawag niya rin sa'kin. "Okay lang, okay lang naman 'yung pangalan ko kaysa pangalan mong mabaho!" natatawang tugon ko. "Pangalan mong pang old school," panay ang pang-iinis ko sakanya dahil naiinis na talaga ako! "Okay lang gwapo naman ako." natatawang sagot niya. "Totoo ba? Sino'ng may sabi? Ikaw lang naman. Pangalan pa lang mabaho na, paano na kaya 'yang mukha mo." sabi ko sakanya kaya lumapit siya sa'kin. "Sige ano'ng gagawin mo?! Hihilahin mo ang mga buhok ko? Talagang bakla ka talaga!" "Ikaw ang bakla, hindi ka crush ni kuya Yosi!" sigaw niya kaya napatawa ako. Bakit niya alam, putang kapatid ito! "Ako hindi? Baka ikaw. Crush ko ba 'yun? Ikaw lang naman may alam, masyado kang mapapel. Wala namang sulat." malakas na sabi ko sakanya. Gano'n nalang ang mabilis kong pagsigaw nang hilahin niya sa buhok ko. "A-aray!" sigaw ko. "T-talagang bakla ka Glenarios!" "Masakit ba?" tanong niya kaya inabot ko rin ang kanyang buhok. "Mama!" sigaw niya. "Bakla ka pala eh! Alam mong galit ako sayo!" sigaw ko sakanya. "Mama!" "Tawagin mo si mama dahil isusumbong naman kita." sabi ko sabay hila sakanyang damit para bumagsak siya. Napatawa ako ng malakas dahil sa pagbagsak niya sa sahig at napaiyak. "Bitawan mo buhok ko! A-aray, G-glenarios!" ramdam ko ang mahigpit niya pang paghila kaya mahigpit ko rin siyang hinila. "Ano ba 'yan!" rinig kong sigaw ni mama kaya mabilis naming nabitawan ang isa't-isa, napatayo kami ng maayos. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" galit na tanong ni mama. "Siya po!" sabay naming sabi ni Glen at tinuro ang isa't-isa. "Ikaw!" pag-ulit namin. "Ganyan na ba talaga kayo kabastos at pati sa harap ko ay magsisigawan kayo?" tanong ni mama kaya napailing kami. "Matapang na kayo!?" tanong niya sabay iling. "Dahil diyan sige sandali lang.." Kinakabahan ako dahil sa gawang pagpunta ni mama sa kusina. Siniko ako ni Glen kaya napairap ako sakanya. "Bakla!" bulong ko sabay ngisi. Gano'n nalang ang paglaki ng mata ko nang bumalik si mama na galit na galit. Napayuko lang ako para makaiwas ng  sakanya . "Oh, kutsilyo! Sige magpatayan kayo!" lahad niya sa dalawang kutsilyo. Naiinis tuloy ako kay mama. "Tala!? Ikaw wala kanang galang,.. kayo ni Glen!. Lumalaki nga kayo pero pati ulo niyo naman! Kunin niyo ang kutsilyo o ayaw niyong paluin ko kayo nito!" galit na sigaw ni mama sa'min. "Ma," sabay naming tawag ni mama. "Ano'ng nangyari dito? B-bakit... para saan ang mga kutsilyo?!" takang tanong ni papa nang makitang hawak ni mama ang dalawang kutsilyo. "Away ng away ang mga anak mo, gusto nilang magpatayan kaya hayan! binigyan ko na ng gamit para masaya naman sila." sabi ni mama ng naiinis.  "Tala, ano 'to? Nag-aaway na naman kayo? Hindi na kayo mga bata, Tala, Glen. Marami nang nagkakacrush sa inyo tapos away parin kayo ng away." napairap ako dahil sa sinabi ni papa. Wala namang nagkaka-crush sa'kin, kaya aawayin ko ang kapatid ko. "Hindi ba kayo nahihiya?" "Si ate kasi 'yung nauna eh." tugon ni Glen kaya masama akong napalingon sakanya. "Ano'ng ako? Ikaw kaya!" sagot ko kaya napasigaw si papa. "Pa, si Glen naman po kasi 'yung nauna eh. Sabi niyo 'di ba, sabay kaming uuwi ng bahay tapos hinintay ko siya doon sa court at wala naman siya. Kaya dahil din sakanya nagkabukol ako at galit ako sakanya." irap na paliwanag ko kaya napayuko si Glen. "Ayaw ko po kasing sumama kay ate pa. Nagseselos po kasi 'yung crush ko kay ate eh." ngusong tugon ni Glen kaya napatawa kaming tatlo. "Mama..," parang batang tugon niya kay mama. "Aba'y baliw naman pala 'yang crush mo eh! Ako sayo huwag mo nang ligawan 'yan dahil ang babaw ng utak." inis na sabi ni mama at umupo. "Mama," tawag ko kay mama kaya napatawa siya sa mukha ni Glen. "Okay lang, alam ko namang binata ka na eh. Pero baby parin kita, halikan dito." tawag ko kay Glen at lumapit. Agad siyang tumakbo at tumabi kay Mama. "Kanina lang ay gusto mong yumakap sa'kin tapos ngayon ayaw mo na?" panunuyong tanong ko sakanya kaya napailing siya at napatawa sa gilid ni mama. "Itong icebag," lahad ni papa sa'kin. "Pa mayroon po ako nasa bag ko po," sagot ko sakanya kaya napatikhim si mama. "Huwag na 'yun paniguradong naging tubig na 'yun. Akin na 'yan, honey." sambit ni mama at kinuha ang icebag galing kay papa. "Umupo ka dito," tugon ni mama kaya napailing ako. Wala akong tiwala sa mukha ni mama eh, scammer siya. "Upo dali, o baka gusto mong magalit pa ako sa'yo." Wala akong ibang choice kundi ang umupo sa harapan niya. "Ang laki pa naman nito, parang sinuntok na ato 'to ng mga masamang elemento eh." "Mama, naniniwala ka pa sa mga diyan?" tanong ko sakanya kaya napatango lang siya. "Hindi naman totoo 'yan." dagdag ko kaya idinikit pa lalo ni mama ang icebag. Masama akong napatingin sakanya, nakakainis! "Mayroon pa naman 'yan ngayon ate ah." sabat ni Glen habang nasa cellphone ang kanyang tingin. "Yung kaklase ko nga eh, may namuong pasa sa kanyang hita. Akala namin sinuntok ng kaaway niya sa room pero hindi pala, 'yung mga pasa niya pala ay tinampal ng isang duwende doon sa likod ng bahay nila dahil maingay daw ito kapag naliligo." natatawa niya pang daldal. Napailing nalang ako at lumayo ng kunti dahil sa paglagay ni mama nung ice sa noo ko. "Mama naman eh." saway ko sakanya. "Honey sa kapitbahay muna ako, balik ako dito kapag hapunan na." paalam ni papa at tumango lang si mama. "I love you, honey!" Matagal nang mag-asawa sila mama 18years na sila kaya hindi malabong mawala ang sweetness nila sa isa't-isa. "Sana all." rinig kong sambit ni Glen at pumasok sakanyang kwarto. "Sana all." paggaya ko kaya nahampas ako ni mama sa aking braso. "Aray.." ngusong tugon ko. "Nakikipag-away ka siguro Tala no? Sinasabi ko sayo, huwag mo akong galitin." napailing ako at sinabi lahat kay mama ang nangyari kanina. "Gusto mo bang pagalitan ko 'yung Salpo na 'yun?" tanong ni mama sa'kin. "Huwag na mama, okay lang naman ako." "Hindi ka okay anak! At hindi rin ako magiging okay sa ginawa niya sa'yo." "Okay lang mama, hindi niya lang po sinasadya 'yon." pangpakalma ko sakanya. "Pero siya magluluto pa ako, ikaw na bahala." sabay lahad niya nung icebag sa'kin. "Magbihis ka Tala dahil tumawag si Yosi sa'kin kanina hinahanap ka niya. Nagkausap ba kayo?" tanong niya mula sa kusina. "Opo!" sagot ko at mabilis na umakyat sa aking kwarto. Mahigit isang oras din ang lumipas. Nang tumawag si Chaos. Mabilis ko naman itong sinagot at agad naman na tumayo para magtago, wala pa kasi akong ayos. Matagal narin kaming hindi nagkikita ni Chaos kaya talagang parati, araw-araw akong maninibago sakanya. Virtual call and chat is not that enough lalo pa't bestfriend ko siya. Namimiss ko narin siya eh, at higit pa doon. ["Tala, video call 'to kaya magpakita ka."] Rinig ko ang tawag niya mula sa screen ng aking laptop. "Nagbihis pa ako!" nilikasan ko ang aking boses para marinig niya. Mabilis kong pinunasan ang aking luha sa aking pisngi at sinuot ang aking headband. Para naman akong tanga! "Hey!" bati ko sakanya nang makaupo ako sa harap ng laptop. ["Ang tagal mo, saang planeta ka ba nagbihis?"] "Mais ka!" sagot ko sakanya. Dapat maging masaya ako dahil nakita ko ang mukha niya ngayon pero bakit ako nasasaktan? ["Ah by the way, wala pang nakakaalam nito, ikaw palang Tala. Dahil sa lahat ng desisyon na gagawin ko ay ipapaalam ko una sayo."] Napangiti ako dahil sa gawang pagngiti niya. Miss ko na ang malalim niyang dimple. "Ano naman 'yun?" tanong ko sakanya. ["Isn't okay?"] 'WILL YOU BE MY GIRL' pagbasa ko sa isang malaking papel sa kanyang likuran. Mabilis na kumalabog ang aking puso dahil sa nabasa ko. "Ano'ng ibig sabihin mo?" tanong ko sakanya kaya napatawa siya. ["I am courting my crush Tala. Magaan ang loob ko sakanya at matagal tagal narin kaming nasa getting to know each other kaya I have decided na gagawin ko ang bagay na ito bukas.] Akala ko pa naman ay para sa'kin ang tanong na 'yon. "Are you sure?" wala sa tono kong tanong dahil nasasaktan ako. ["Yes, ikaw ba? Are you okay sa naging desisyon ko?"] "Hindi ako okay," sagot ko kaya napayuko ako. ["What? What do you mean?"] Patay ako nito! Wala akong lakas na loob para sabihin sakanya ang totoo. "I mean, hoy! Hindi ako okay sa gawang pasurprise mo. Kailangan mo nang bonggang bongga para mapa-oo mo siya." sagot ko nang nakangiti. Kita ko ang pagtango niya at ang kanyang masayang pagtawa. ["Tama, magandang idea. Salamat Tala, babalitaan nalang kita bukas ha?"] Excited na excited siya para bukas, dahil sa mukha palang niya kitang kita na mahal na mahal niya ang babaeng 'yun. Pero kung sino man siya, masaya din ako para sakanya dahil pinili siya ni Chaos kaysa sa'kin na naghihintay lang sakanya. "Sige," pilit na ngiti kong tugon. ["Ikaw ba may sasabihin ka ba sa'kin? Kamusta ang araw mo?"] "Okay naman ako, pero tawagan mo ako bukas ah, dahil may gagawin pa kasi ako eh." pagsisinungaling ko sakanya. ["Okay, babye Tala. Good night, kumain ka ng marami ha? Para tumangkad ka."] "Sige," napatawa ako bago isinirado ang aking laptop. Mas mabuti nang friends kayo Tala para iwas sakit na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD