CHAPTER 4

2588 Words
"Tawagin mo nga papa mo doon Glen!" sigaw ni mama nang makababa ako mula sa taas. "Glenarios!" malakas na sigaw niyang muli. "Hoy, Glen! Tawag ka!" katok ko sa sa pintuan ng kwarto ni Glen. Tudo LOL na naman siguro 'to. "Bingi-bingihan effect din ang gago." dagdag ko sakanya nang makalabas sa kanyang lungga. "Alam ko! Dinig ko!." irap at malamig na tugon niya sa'kin. Napatawa nalang ako nang dabog siyang nagpalit ng kanyang tsinelas. "Kayo nalang kaya tumawag doon, alam niyong may ginagawa 'yung tao eh. Nakakabulabog kayo sa'kin." pagsagot niya at mabilis na tumayo. "Aba ano'ng sabi mo?! Gusto mo bang ihagis ko 'tong sandok sa bunganga mo Glenarios?!" galit na sigaw ni mama mula sa kusina. Ang layo na ng kusina pero rinig parin ni mama ang mga usapan mula dito. Ngumiti lang ang bakla at lumabas na ng bahay. Palibhasa palaging natatalo sa kanyang laro, kaya palaging mainit ang ulo kapag gabi na. Napaka loser kasi. "Umalis na ang kapatid mo?" tumango lang ako kay mama at dumiretso sa refrigerator para kunin ang natirang isang bote ng fresh pineapple juice. "Wala na bang iba nito ma?" tanong ko at kumuha ng baso. "Isa pa lang 'yung nainom ko nito kahapon eh, ang sarap pa naman sana nito." Siguro si Glen na naman ang umubos nito, papatayin ko talaga 'yung baklang 'yun. Mahal pa naman ng inumin na 'to. "Ang alin ba?" tanong niya habang nasa kanin ang tingin. Agad ko namang tinuro sakanya ang juice at umiling lang siya. "Ginawang inumin ng papa mo sa inuman nila kanina, ang kapal ng mga mukha! Akala siguro nila ang mura lang ng inumin na 'yan, jusko! Hindi tayo makakabili ng dalawang peso nayan sa sentro." ratrat ni mama at inayos ang mga kubyertos. "Pero huwag mong ubusin niyan baka hanapin rin ng kapatid mo, tirahan mo siya." napadabog ako at tumango sa sinabi ni mama. Bakit pa kasi ako nagkaroon ng kapatid! "Hoy! Ate, hindi pa ako nakainom niyan eh. Tinago ko 'yan diyan sa refrigerator tapos ikaw lang iinom." agaw ni Glen sa'kin nung baso. Muntikan pa akong magkalat dahil sa gawang pagbawi niya! "Ang kapal," dagdag nito kaya napasinghap ako. "Oh, laklakin mo lahat. Mabulunan ka sana!." sumpa ko sakanya sabay upo sa tabi ni papa. "Oh siya tama na 'yan Glen, kumain ka muna. Sobrang acidic ng juice na 'yan kumain ka muna." sabi ni papa sakanya kaya ibinalik niya ito sa loob ng refrigerator. Inirapan ako ni Glen at mabilis na umupo sa tabi ni mama. Pinapagalit talaga ako ng baklang 'to eh, mabilis ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa at tumawa ng malakas. "Ano ba 'yan!" saway ni papa sa'min kaya ibinalik kong muli ang aking atensyon sa pagkain. Habang kumakain ay hindi tudo pa-cute at paawa effect ang bakla. Habang nakikinig sakanya ay hindi ko magawang mag-isip. Ano na naman kayang league ito? Liga sa basketbol or league of legends? "Hindi papa, mura lang naman po 'yung entrance fee sa league eh." pangsusuyo ni Glen habang kumakain. Gusto niya raw kasing sumali sa team ng mga Libran, ang tanyag na manlalaro sa university namin. Naghahanap raw kasi si Coach Z ng mga bagong miyembro dahil 'yung iba ay malapit ng ga-graduate. "At papa kung sakaling magaling nga ako, may posibilidad na maging isa ako sa mga varsity. Malilibre ang tuition ko!,." taas noo niyang tugon kaya napatawa kami ni mama. Asa! "Libre lang namang mangarap." sabay subo ko nung manok at matalim na tumingin sa kapatid ko. "Inggit ang ate," sambit ni mama kaya napailing ako. Akala ko ba ka-teammate ko si mama, team bakla pala siya. "Magkano ba ang entrance fee ng league na 'yan?" seryosong tanong ni papa kaya napangiti si Glen. "Ano!?" gulat na tanong ni papa kaya napatawa si mama. "Ano honey?" tanong ni papa kay mama. Nagkibit balikat ako at tumingin sa nakangusong mukha ni Glen. "Mura lang naman 'yun ah." sabi ko kaya natahimik ang lahat. "Nako Tala, akala mo ba gano'n lang kamura 'yang isang libong piso?! Mahirap na ngang makakuha ng piso, libo pa kaya? Jusko!" sabi ni mama kaya napasubo ako ng kanin. "Pero oh siya, sige magpalista ka agad ngayon na, e text mo lahat ng admin o mga coaches niyo diyan baka hindi ka masali." anas ni mama kaya napangiti ng malaki si Glen. Kita ko ang pagtawa ni papa at agad ko namang ginantihan ang pakikipag-high five ni Glen. Kunwari pa ang mama. "Oo nga pala Tala, nagkausap ba kayo ni Chaos? Balita ko eh may nililigawan na raw 'yung batang 'yun." tumango ako nang hindi tumingin kay papa, nanatili sa baso ang aking tingin. "Hindi nga? Parang hindi ako makapaniwala, may pagkabakla naman 'yung anak ng kumpare mo." natatawang tugon ni mama at bumalik sakanyang pagkakaupo galing sa ref.. "Paano mo naman nasabi 'yun ma? Lalaking lalaki kaya si Yosi mula taas at baba." natatawang tugon ko at uminom ng tubig. "At tsaka, totoo ngang may nililigawan siya." tangong sabi ko, ako sana 'yon. Pero bitter si cupid hinanapan pa talaga ng ibang babae. "Ah, kung gano'n, magandang balita 'yan." mabilis at inis kong inilapag ang baso sa lamesa dahil sa sinabi ni papa. Sakanila maganda ang balitang may nililigawan na nga si Yosi pero sa'kin, nakakasakit sa damdamin. "Ano'ng nangyari sayo uy?" kilabit sa'kin ni papa at umiling lang ako. Mabilis akong napalingon kay Glen nang tumawa siya ng malakas. Si mama ay nasa kanyang telepono dahil may tumawag, at si papa nalang ang nandito. Tumayo ako at pinagpagan ang aking sarili. "Okay na po ako pa," sabi ko at tumango lang si papa. "Ayaw mo ba nitong saging?" lahad niya at umiling lang ako. "Ate!" napahinto ako sa aking paglalakad nang tinawag ako ni Glen. "Maghugas ka!" mabilis akong umirap sakanya at sinundan 'yon ng malakas na paglakad. "Trabaho mo 'yan!" sigaw ko bago pa makapasok sa aking kwarto. Nang makapasok ay agad na bumungad sa'kin ang aming masasayang mga larawan ni Chaos na nakadikit sa aking pader. Inilock ko ang aking pintuan at naglakad patungo sa aking study table. "Hay..." buntong hinga ko. Dagdag dumi sa pader. Bakit pa ba ako mag-aaral kung bobo naman ako? Hindi naman required 'yon. Bakit pa ako nagkacrush sakanya eh alam ko namang friends lang talaga kami?Napailing ako at mabilis na ibinagsak ang aking sarili sa kama. "Nakakainis naman eh!" gigil ko. Hanggang alas dyes ng gabi ay nakatunganga parin ako. Hawak ko ang aking ballpen at notebook sa mathematics. Pinupunasan ko rin ang aking mga malalaking luha na mabilis na nagsituluan sa aking pisngi, waterfalls lang ang peg niya. Maraming luha akong nasayang. Sayang na sayang na rin pati ang mga mamahaling braincells ko, baka maubos 'to wala na akong brain stock. Agad kong nasapo ang aking noo, hindi ko alam kung paano hanapin ang x sa problem. "Bakit ba ang bobo ng tanong, wala ng value 'yan." nangiyak-ngiyak kong tanong. "Bakit hindi si apple nalang ang maghanap sa x niya total siya itong may problema. Dinamay-damay pa ako." parang akong tanga pero nagpursige parin ako. -2 2 -6 -10 -1 "Tanga eh!" sabi ko sa aking sarili at mabilis na ngumiti. "Ang dali lang naman pala nito eh!," natatawang tugon ko nang masagot ang lahat ng assignments ko. I immediately flipped my hair. "Parang kalevel ko na si Albert Einstein nito ah," palakpak ko sa aking sarili at pinunasan ang aking sipon na tumulo. Yuck! Napalingon ako sa aking salamin na nasa aking gilid. Tiningnan ko ang aking sarili at ngumiti. "Ang cute ko, mas cute pa ako kaysa sa nililigawan ni Yosi." sabay lingon sa screen nang aking cellphone. Ibinigay kasi ni Yosi ang larawan ng kanyang crush kanina, ngayon ko lang din naman napansin kaya mabilis kong ikinumpara ang mga mukha namin. "Pero, oo na nga!" hinto ko. Alam kong hindi kampi si mother Venus sa sinabi ko, baka sumpain ako at tuluyan ng maging pangit. "...lamang lang siya ng isang ligo sa'kin." dagdag ko. Alam kung makeup lang naman ang mayroon sa mukha niya pero, paano ba kasi gamitin ang mga bagay na 'yan? Parang ako nalang yata ang walang alam paano gagana ang mga makeup. "Sige na mama, isa lang naman po at kailangan ko na po kasi 'yan ngayon... lalo pa't dalaga narin ako." pamimilit ko ni mama sa sala. "Mama, sige na po, isa lang naman po." "Ano ba kasi 'yan? Baka masira ang mukha mo niyan." sambit ni mama habang inaayos ang aming mga sapatos para makaalis na. OA naman kung makareact. Siya naman noong kaedad ko ang sure akong gamit niya rin ang gano'ng bagay tulad ng tint. Dermatologist will always be beautiful. Ika nga. "Glen ano ka ba, magbihis ka na diyan! Sabay kayo ng ate mo!" sigaw niya kay Glen at ibinalik sa'kin ang tingin, ngumuso at kaya napalingon siya kay papa. "Honey, tingnan mo nga 'tong anak mo, may pinabibili siyang lipst--... liptint daw." sumbong niya kay papa. "Papa," tawag ko. "Isa lang naman po papa, nainggit po kasi ako sa ibang mga dalaga eh, magaganda sila tapos ako hindi." paliwanag ko kaya napailing siya. "Bata ka pa anak para maglagay ng mga makeup diyan sa mukha mo at maaring maisara ang mukha mo sa mga bagay bagay na 'yan." sagot ni papa sa'kin kaya tumango nalang ako. Okay lang naman dahil alam kong nandiyan naman si mama para e-guide ako. "Ano ba Glen, bilisan mo diyan!" tawag ni mama kay. Epal naman ng kapatid ko! Hindi tuloy makapag-focus si mama sa'kin. "Ito na," sagot ni Glen at mabilis na isinuot ang kanyang sapatos. "Ang linis naman nito mama." agad na lumapit si Glen sa'kin at pinalo ako sa braso. "Ano'ng nangyari sis?" tanong niya sa'kin ng nakangiti. "Iba talaga kapag may crush na nag-aantay eh noh?" tanong ko sakanya at mabilis siyang napayuko.. "Oh bakit, ano'ng nangyari?" "May jowa na siya ate," sagot niya kaya napatawa ako ng malakas. "Pero akala niya naman siya lang 'yung babae sa mundo." "Alam ba nila papa?" mabilis siyang napailing at sinabihan akong tahimik lang. Mabilis ko siyang niyakap. "Okay lang yan brother, may para sayo din." Baka nga eh, wala na! Humiwalay agad ako sakanya nang lumapit si mama sa'min. "Ito 'yung fee mo sa league ha?" bigay niya kay Glen. "At Tala, bilhin mo 'yung kailangan mo." Mabilis akong napalingon kay nang inilahad ang pera, sinundan ko naman 'yon ng talon. "Oh siya sumabay na kayo sa papa niyo, baka malate pa kayo niyan." Mabilis akong humalik sa pisngi ni mama at agad na kumaway nang makalabas kami ng bahay. "Ako malapit sa bintana!" sigaw ko kay Glen nang nasa labas na. "Ate una na po ako sa loob," paalam ni Glen sa'kin nang makababa kami ng sasakyan. Kumaway lang ako sakanya at umalis na ang bakla, hindi man lang na ako pinansin. Hindi man lang nag wave back, assumerong pig akala niya kung sino'ng famous. Humawak ako sa aking bag at kumaway kay papa. "Tala!" mabilis akong napalingon kay Sunny nang marinig ko ang pagtawag niya sa'kin. Nakatayo siya sa labas ng gate kaya lumapit ako sakanya. "Ang tagal mo ah," reklamo niya. "Kapatid ko kasi ang bagal mag bihis," sagot ko at humawak sakanya. Agad kaming pumunta sa linya, Hindi na bago sa'min ang linyahan na 'to dahil ewan ko kung bakit pa naimbento ang ganito. Waste of time lang. Nakatingin lang ako sa aking harapan, pinagmasdan ko ng mabuti ang katawan ng babaeng nasa harapan ko. Agad naman din na nailipat ko sa akin ang aking tingin, may curve naman ako. Pero wala nang tanungan sa hinaharap. Wala ako ng araw nang magpaulan, may lagnat ako kaya nasa bahay lang. Pero kahit ano'ng pilit kong huwag mainggit ay talagang ipinanganak akong inggetera ni mama. Ang ganda ng katawan niya, pang model at Miss Universe ang datingan, siguro college student na siya dahil sa pangangatawan at kisig niya ay talagang malalaman mo eh. "Ang ganda niya kahit nakatalikod?" tanong ni Sunny sa'kin at mabilis akong tumango. Hindi ako nag-iisa, kaibigan ko rin pala. "Sana ganyan din ako kaganda---" napahinto ako sa aking paglalakad at mabilis na humawak sa aking dibdib. "Naiwan ko 'yung identification card ko." kinakabahang tugon ko. "Paano na 'yan?" pagpanic niya. Alam kong nerbyosa ang kaibigan ko pero kailangan ko siyang pakalmahin. "Hindi ka makakapasok sa loob. Ikaw naman kasi bakit mo naman kasi iniwan? Ay nakakainis, alam mo naman na hindi komplete ang araw ko kapag hindi kita kasama." bulong niya kaya napangiti ako. "Tatanungin ko nalang 'yung guard, okay lang naman siguro at alam naman siguro nila na taga dito lang ako dahil sa uniform ko." sabi ko at napatango nalang siya. Bakit ba naman sa lahat ng bagay na pwede kong iwan ay 'yung ID ko pa? Nakakainis! Parang hindi para sa'kin ang araw na 'to. "ID please?" rinig kong tugon nung guard kay Sunny. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay bago ipinakita ang kanyang ID sa guard. "Okay in, next!" Agad kumalabog pa ang aking dibdib dahil sa pagtawag ng guard sa susunod na estudyante, at ako 'yon!. "ID?" paghingi niya. Mabilis akong napailing dahil sa tanong niya. "Naiwan ko po, pero totoong estudyante naman po ako dito eh." Malamang! Napailing lang 'yung guard at sinabihan akong bawal. "Please na po guard kailangan ko pong pumasok at kung papauwiin niyo po ako malayo po 'yung bahay namin walang susundo sa'kin baka mapa'no po ako." sana mag-work! "Sorry pero kailangan nating sumunod sa rules ng school. Next na!" inis niyang tugon. Ano'ng rules ng school, rules mo lang! "Guard," sambit ko at napatingin kay Sunny, basa ko ang pagbulong niya ng okay na ba. Napailing ako bilang pagsagot kaya napadabog siya. [Gumawa ka ng paraan.] Basa ko muli sa kanyang bibig. "Guard please po," tugon ko muli nang maka-isip ako ng paraan. Nanggigigil narin ako sa guard na ito eh, daig niya pa ang may-ari ng school na ito. Siguro hindi niya alam na friend kami ng may-ari ng school. Umirap nalang ako sakanya at mabilis na tumalikod, wala akong choice! Napahinto ako sa aking paglakad nang makita ang familiar na sapatos na nasa aking harapan. Parang nakita ko na ang sapatos na ito eh, pero teka kailan? Dahan dahan kong inangat ang aking tingin. Mabilis kong natakpan ang aking bibig nang makitang si Mr. Salpo, napangiti ako sakanya at tanging taas ng kilay lang ang nakuha kong sagot. Ang bango niya, mula dito. Nakaproper uniform, kaya sobrang gwapo tingnan. Lumipad ang kanyang buhok pero hindi niya ito pinansin. Pa echos din! Gotcha! Ngayon ay nahanap ko narin ang partner ko sa araw na pagpapanggap na ito. "Saluhin mo ako," sabi ko sakanya kaya nagtaka siya. "Baliw!" tugon niya at mabilis kong nahila ang kanyang bag dahil sa pagtalikod niya sa'kin. "Ano ba?" inis niyang tugon at nag peace sign lang ako. "Tulungan mo kasi ako," ngusong sabi ko at hindi man lang siya nakinig. Sige kung ayaw niyang makinig edi okay nga 'yun para hindi halatang scripted ang gagawin namin. Huminga muna ako. 1! 2! 3! Kahit sa ayaw at gusto ng lalaking 'to ay gagawin ko parin ang plano. Mabilis akong napahawak sa aking ulo at nagpanggap na nawalan ng balanse. Gano'n nalang ang pagkagulat ko nang maramdaman ang bisig niya, no choice kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib. Ang bango niya kaya napasinghot muli ako. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko pero kailangan ko itong gawin, kailangan kong makapasok ng campus. "Please, sabayan mo," utos ko sakanya kaya mabilis siyang napahawak sa beywang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD