CHAPTER 5

1937 Words
Rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya kaya nagpigil ako ng tawa. Huwag dapat akong makita sa mga tao na nagpapanggap lang ako dahil talagang mapapalpak ang plano pinaghirapan namin. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang paghawak niya sa aking beywang, tanga tanga naman pala 'tong lalaki na 'to eh, gusto niya siguro na palagi lang akong nakatayo at nakahiga sa dibdib niya, ano bang iniisip nito? "Mr. Salpo, kargahin mo ako, huwag ang beywang ko ang hawakan mo." tugon ko sakanya kaya napalunok siya. Agad kong itinumba pa lalo ang aking katawan para sabihing kargahin niya na ako. Mas nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan ko nang maramdaman na naka laylay na ang aking kamay sa ere, kinarga niya na ako, salamat naman!. "E-excuse me, kailangan niyang madala sa clinic. Nag collapse siya! Excuse me, mas importante pa ito kaysa sa mga lintik na ID na 'yan! " rinig kong sagot ni Salpo kay guard. Pwede ng maging actor ang lalaking 'to, pero mas magaling pa rin ako. Sa wakas ay nakahanap rin ng katapat ang mala pekeng may-ari ng school na 'to. "Okay go! Bilisan niyo!" panic na tugon ni guard sakanya kaya mabilis na nakapaglakad si Salpo palayo at pumunta malapit sa clinic. Akala mo guard ah, ang kapal rin naman kasi ng mukha mo palagi eh. "A-ano'ng n-nangyari sakanya?" rinig kong mangiyak-ngiyak na tugon ni Sunny nang makita akong karga ni Salpo. Ang OA. "Bakit mo siya karga? Inaway mo naman ba siya? O baka naman nilumpo mo na talaga siya?! Ano ka ba dong, wala ka na bang makagawa sa buhay mo!?" "Wala akong ginawa sakanya, at tsaka tinulungan ko lang itong kaibigan mo. Huwag kang satsat ng satsat dahil baka ikaw ang lumpuhin ko." rinig kong sagot ni Salpo kaya mabilis na nakapagpigil si Sunny. "Nandito na tayo," baba niya sa'kin at agad naman akong bumaba. "Hoy!--" mabilis na napatakip ng kanyang bibig si Sunny dahil sa biglang pagtalon ko papunta sakanya. "Ano'ng ginawa mo?" takang tanong niya sa'kin. Inayos ko sa sakto ang aking uniform at pinagpagan ang aking blazer. "Gumagawa lang naman ako ng paraan para makapasok at wala naman akong ginawang masama. Pero nasa inyo na 'yon kung 'yon 'yung gusto niyong paniwalaan." inosenteng tugon ko at tumingin kay Salpo. "What?" tanong niya at umiling lang ako. "Well, bye." malamig na tugon niya at tumalikod na. Ang cute! Pero mas cute pa si Yosi. "Grabi talaga siya ha?" inis na tugon ni Sunny nang makaalis siya. "Paano mo nakumbinse ang lalaki na 'yun? Paano ka niya tinulungan? Hindi ba galit ka do'n dahil kahapon?" bahang tanong niya. "Hindi na ako galit dahil tinulungan niya ako eh, at tsaka maliit na bagay lang naman 'to para magdamdam siya. Quits na kami!" sabay ayos ko sa aking nagulong buhok. "Tama nga, pero okay lang 'yun dahil tinulungan ka niya, siguro kaibigan na kayo nu'n at bagay kayo ah." panunukso niya. Ininsert pa talaga ka landian. Mabilis akong umiling dahil sa sinabi niya. "Hindi mangyayari," sagot ko at mabilis siyang hinila patungo sa aming building. "Sasali ba kayo sa dance troupe ngayong buwan ng wika? Naghahanap kasi ng bagong miyembro ang team ni Miss Kaluluwa dahil nagback-out daw 'yung dalawang kasama, may sakit raw kasi ang mga ito." agad na bungad ng kaklase namin nang makapasok kami sa loob ng classroom. Nagkibit balikat ako nang lingunin ako ni Sunny, wala rin naman akong planong sumali sa mga sayaw na 'yan dahil simula't sapol hindi ako marunong kahit giling man lang. "Ikaw ba Tala sasali ka ba? Tuturuan naman kayo ni Miss Kaluluwa eh." dagdag pa nito. Mabilis lang akong napailing bilang pagsagot. Baka maging clown lang ako sa stage. "Wala akong hilig sa mga ganyan Liza eh, kahit pa na turuan ako ng turuan mapapagod lang kayo dahil sa mali-maling hataw ko." natatawang sagot ko. Isama niyo pa si Miss Kaluluwa na kasing liit ng monggo ang dalang pasensiya, baka nga baliin pa nu'n ang boto ko at mapa'no pa ako. "Ako nalang ang sasali!" mabilis na volunteer ni Sunny kaya napalingon ako sakanya. "Oo, sasali ako. Tutal magaling naman akong gumaling eh, ano bang sasayawin natin? Haypa? Spaghetti? O ano ba.... 'yung sikat na Kpop ngayon 'yung Like Ohh-Ahh?" sabay sayaw niya nung steppings nung grupo, napangiti nalang ako sakanya dahil sa mga tanong niya. "Bakit hindi ba gano'n?" napahinto siya nang umiling sina Liza. "Baliw ka ba? May ohh-ahh ba sa buwan ng wika? Baka biglang bumangon si Dr. Jose Rizal at masapak ka sa mukha." pagbibiro ko sakanya kaya napatawa nalang sila ni Liza. "Oo alam ko, alam ko naman paano sayawin 'yan eh, 'di ka katulad mo." pagbibiro niya sa'kin kaya napairap lang ako. "Siya nga pala, kailangan ko pa bang magbayad ng entrance fee or hindi na?" tanong niya. "Hanapin mo lang si Ate Aye doon sa covered court at magpalista, mabilis mo lang naman siyang mahahanap dahil may malaking nunal siya sa kanyang noo." sabay kaming napatango ni Sunny bilang pagsagot. "Good morning Tala!" bati ni Leo sa'kin nang makita ko siyang papasok. "Good morning din," bati ko at sumabay sakanya papunta sa likuran, dahil sa mga sinasabi niyang nangyari sakanila ni Lolli at Fat ay patango- tango akong naglalakad patungo sa aking upuan at mabilis na inilapag ang aking bag doon. "Gano'n ba? Papasok na ba sila ngayon dahil minsan lang pumasok 'yung dalawa na 'yun, daig pa ang multo kung magparamdam." dada ko. "Parang 'di ka na nasanay... gano'n naman talaga 'yung dalawang mukong na 'yun." natatawang tugon niya kaya napatango nalang ako. Parang puro tango nalang ako sakanya ah, feeling ko kasi awkward ang ganitong pag-uusap lalo pa't may nangyari kahapon. "Ano ka ba, 'huwag mo nang isipin 'yun at tsaka may bago kasi akong babaeng naibigan." share niya kaya napahinga ako. Ang bilis naman niyang makahanap ng bago, pero okay na 'yun para hindi man lang ako ma-guilty kung sakaling tatanda siya ng binata. "Maganda 'yan, balitaan mo 'ko ha?" tugon ko sakanya nang hilahin ako ni Sunny palabas ng classroom. Kita ko ang pagtango niya kaya mabilis kong nailipat kay Sunny ang aking paningin. "May bago na raw siyang nililigawan ngayon kaya tumigil ka." sabi ko sakanya nang makitang nanliit ang kanyang mga mata. "Sabi mo." sagot niya. Palinga linga ako habang naglalakad pababa ng aming building. Bakit pa ba sa lahat ng floor ng building na 'to ay nasa pang-apat kami? Hindi kaya namin carry ang maglakad baba at taas ng building, may elevator nga pero out of service naman. Ganda ganda sana ng university na 'to pero parang ako lang naman 'yung bobo at nagrereklamo pa. Pero ano'ng pakialam ng iba 'di ba, okay lang naman 'yun. Natatawa nalang ako sa naiisip ko, mabilis kong inirapan 'yung babaeng nakahilig sa railings ng hagdanan. Akala niya naman ang astig niya doon, hindi naman. Kung makatingin sa'kin halos patayin na ako ng tingin. "Napaka judgemental mo talaga," bulong ni Sunny sa'kin. Hindi naman ako nag-judge ah, nagsasabi lang naman ako ng totoo at hindi naman alam ng babae eh, peace lang kami. Siya rin naman ang nauna. Mabilis na nalipad ng hangin ang aking buhok nang makababa kami sa ground. Kitang kita ko ang ibang mga estudyanteng may dala ng malalaking arc, mga iba't-ibang kulay ng pintura at iba pang mga gamit na pwedeng gamitin sa pagdedesinyo. Naghahanda talaga ang lahat para sa buwan ng wika. Sa lahat nga ng mga event na mangyayari sa bawat taon ng klase ay ang buwan ng wika talaga ang pinakagusto ko sa lahat, syempre it's my day!. Idol ko lahat ng bayani at ang lahat ng mga makata. Hindi nga lang ako isang manunulat pero naaappreciate ko naman sila dahil hindi mababuo ang isang libro at drama na paborito ko kung wala sila. Minsan nga ay naisipan kong bumuo ng kwento pero hindi kaya ng braincells ko, ewan ko ba. Ibinalik ko ang aking mga atensyon sa mga estudyante, sino kayang nag-utos sakanila ng mga gamit na 'yun? Sure akong mabigat at hindi kaya ng isang araw ang pagdedesinyo na 'yan ah. Nauna nang maglakad si Sunny sa'kin dahil tinawag siya ng pinsan niya. Hindi ako sumunod sakanya dahil hindi kami close ng kanyang pinsan at inaabangan ko rin naman kung sino'ng teacher ang nagutos sa mga estudyante dahil kapag si Miss Kaluluwa 'yun ay talagang... "M-miss K-kaluluwa?" utal kong tugon nang makita si Miss na tumatawa habang may kausap sa kanyang telepono, nagbigay pa siya cue sa mga estudyante para sabihing dalhin sa loob. "Hell," tugon ko at mabilis na sumunod kay Sunny sa covered court. Breathe in dahil mamaya hindi na kami makakahinga. Baka nga eh ako pa ang pakargahin ng mga bagay na 'yon. Hindi na bago kay Miss Kaluluwa na pahirapan ako. "Tala!" rinig kong tawag ni Sunny. Hindi man lang ako hinintay ng bruha at nauna pa siya. Mabilis akong napatakbo nang makarating malapit sa court. Hindi ko na pinansin ang aking nasirang sintas ng sapatos at nagpatuloy sa pagtakbo. Alam ko namang hindi ako mapapahamak nito dahil alam ko naman ko paano ito gamitin. "I'm a pro," sabi ko at binilisan pa ang takbo. Hindi ko alam kung ano'ng mga nangyari dahil sa bilis nang pagkatumba ko. Wala man lang tumulong sa'kin kahit isa eh. Nag-angat ako ng tingin nang makita ulit pamilyar na sapatos. Napatingin ako sakanya ng mariin nang inilahad niya ang kanyang kamay sa'kin. Ang isa niyang kamay ay may hawak na envelope, idinikit ko ang aking tingin doon at binasa ang nakasulat. "Section A - Barium," basa ko at ibinalik sakanya ang tingin. Ang talino pala ng lalaki na 'to. Mabilis akong humawak doon sa kanyang kamay at tumayo. Pinagpagan ko ang aking palda at nakangiting tumingin sakanya. Siguro pangarap niyang maging isang astronaut, scientist, chemist or botanist dahil alam kong sa pangalan palang ng section niya ay ang bongga na. "Salamat," tanging nasabi ko nang pinagpagan niya ang kanyang kamay. Ang OA din niya, hindi naman gwapo, napalunok ako nang makitang lumipad ang kanyang buhok dahil sa hangin. Para siyang Lee Min Ho dahil sa dating niya, ang astig! "Wala akong pakialam, dugyot." sagot niya at inayos ang kanyang buhok. "Hindi ako dugyot dahil may pangalan ako. Ang kapal din ng mukha mo 'no, feeling close ka sa'kin." sabi ko kaya napatawa siya. "Ikaw kaya 'tong feeling close at papansin sa'kin." mabilis akong napalingon sakanya at nagpigil ng galit. Nakatingin lang ako sakanya, ang lahat ng butas na nasa aking katawan ay ramdam ko ang pagbuga ng mga maiinit na hangin dahil sa kakapalan ng mukha niya. "Remember?" tanong niya kaya napangisi ako. "Ano'ng ako? Ikaw ang papansin sa'kin dahil tingnan mo, pafeeling hero ka at hindi naman kita kailangan." sagot ko sakanya. Tsk! "Hindi mo 'ko kailangan?" tanong niya kaya mabilis akong tumango. "Okay, tatawagan ko ang guard na may nakapasok na----" paghinto ko sakanya at ngumiti. "Hindi ka naman mabiro Salpo, okay lang. Kahit magpapansin ka sa'kin, tatanggapin ko pero huwag ka lang magkamali dahil may crush na kasi ako eh." hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at mabilis na umalis papunta kay Sunny. "Saan ka ba galing?" tanong niya habang sinusulat ang kanyang pangalan sa isang papel. Hindi ko siya pinansin at na kay Salpo lang ang aking paningin. Kita ko ang pag-iling at pagngiti niya bago umalis ng court. Napalunok nalang ako nang maramdaman ko parin ang paghawak niya sa aking kamay. Ano'ng ngiti 'yon?! Agad akong napahawak sa aking dibdib at huminga ng malalim, basta ang alam ko hindi kami magkaibigan at hindi kami magkakakilala. Kung magkakakilala man kami, hindi mangyayari 'yun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD