CHAPTER 6

2114 Words
"Okay ka lang ba?" tanong ni Sunny sa'kin nang matapos siyang pumerma sa papel. Inayos niya ang aking buhok at mabilis na hinampas ako sa aking braso dahilan ng napatingin ako sakanya. "Ano'ng nangyari? Parang hinihingal ka yata." Napahawak ako sa kanyang braso para umalis na. "Nadapa kasi ako," sabi ko dahilan ng pagtawa niya. "At tinulungan ako ni Salpo. Pero hindi ako naniniwala na aksidente lang 'yung pagkakadapa ko kanina, alam kong sinadya ng Salpo na 'yun ang nangyari para maasar at magpapansin sa'kin." powerful ang instinct ko kaya maniniwala ako sakanya. "Ang haba ng hair mo ah!" saway niya sa'kin. "Salpo magpa papansin sa'yo?" "Aba! Totoo naman ah, alam ko na ang mga galawan ng mga lalaki na 'yan" taas noo kong sambit. "Paano mo naman nasabi?" tanong niya kaya tumahimik ako. "Ewan.." "Hinahanap ko sa Google at f******k si Salpo at doon nalaman ko na isa pala siyang estudyante mula sa section A, at alam mo kung ano'ng mas pinamangha ko?" tanong niya sa'kin at umiling lang ako. "Matalino siya! At base sa research ko alam kong wala 'yung hilig sa mga babae at pag-ibig na 'yan dahil..." "Dahil?" patuloy ko sakanya. "Basta, guts ko lang." "Hindi ka sure noh, pati nga mga elementary ngayon may jowa na siya pa kaya." not interested, mukha niya. Mabilis akong napalingon sakanya, "Paano nga kung study first siya?" panunuksong tanong niya sa'kin. "Pakialam ko!?" inis kong tanong. Wala naman akong pakialam sa Salpo na 'yun, wala siyang vibes. "Talaga?" asar pa lalo ni Sunny sa'kin. Hindi naman talaga ako magkaka-crush ng iba dahil si Chaos palang sapat na siya sa'kin. Matagal ko na siyang crush at ang problema ay hindi niya lang alam. Simula noon at hanggang noon ay siya lang, pero kahit na wala man akong pag-asa sakanya ay hindi ako tumigil. Malakas parin kasi ang loob ko sakanya, wala lang nga akong fighting spirit para mag first move pero bahala na. Conservative ako at nasanay na rin naman na ako. Mabilis kaming napahinto sa pintuan ng aming classroom nang pinandilatan kami ng mata ni Miss Kaluluwa dahil na-late kami ng dating. "Pwede namang gawin niyo ang bagay na 'yan kapag break time noh? Bakit ngayon sa oras ng klase ko?" tanong niya sabay kuha nung stick niya. Sinabi na namin lahat sakanya anh paliwanag namin pero wala man lang space na pwedeng pagsidlan ang utak niya. Full storage na ata ang utak ni Miss. Satsat parin siya ng satsat, ayaw maniwala sa mga paliwanag namin. Iba raw kasi siguro ang pinuntahan namin kaya na late kami. Nakakagigil lang. "Ma'am, sorry we're late may we come in." sabay naming sabi ni Sunny habang nakayuko. Wala naman siyang karapatan na hindi kami papasukin, classroom namin 'to at subject teacher lang siya. Mabalis kaming napatayo ng maayos nang hinampas niya ang kanyang dalang stick sa lamesa. Napanganga ako nang makita ang pagdiin ng stick sa lamesa. Palaging makapal ang mukha ni Miss Kaluluwa. Kami ang palaging napapagalitan ni Miss Every, ang teacher namin. Parati kasing nasisira ang malaking lamesa niya, isang araw pa niyang napaayos ay nasira na naman. Si Miss Kaluluwa lang namang 'yung may kasalanan, pabigat ka peg?. "What happened?" rinig kong tanong ni Miss Soul sa aming likuran. "Miss Kaluluwa?" tawag niya. Mabilis na napailing si Miss Kaluluwa bago nagsalita, "Nothing, get inside girls." nakahanap rin kami ng kakampi. Nagpigil ako ng tawa nang makaupo sa aking upuan, mabilis kong ginantihan ang pakiki-high five ni Lolli at Fat sa aking likuran. "Mabuti naman at nandito na kayong muli," natatawang sabi ko at ibinalik ang tingin sa harapan. Inilagay ko ang aking bag sa bakanteng upuan na nasa aking gilid. Sa lahat ng kaklase ko ay ako lang 'yung walang katabi, minsan ay tumatabi si Sunny sa'kin, pero kapag oras ni Miss Kaluluwa ay hindi kami pwedeng magkatabi dahil mainit ang dugo ni Miss sa'min gano'n kasi kapag maganda. Kay Miss Soul lang ang aking tingin habang nagsasalita siya tungkol sa aming bagong kaklase. Sumulyap ako sandali kay Miss Kaluluwa na ngayon ay nakahilig malapit sa bintana at naghihintay lang kung kailan matatapos si Miss Soul. "Are you excited for your new classmates?" tanong ni Miss Soul sa'min, hindi ako sumagot gano'n narin ang mga classmates ko kundi sabay napayuko ang lahat. Siguro natakot din sila kung sino ang mga magiging bagong classmates namin at mas nakakakaba pa lalo dahil galing silang dalawa sa section A. Nang mag-angat ako nag tingin ay sabay ng pagtaas ni Miss Soul sa dalawang hawak niyag envelope. Kinakabahan ako nang makita ang pamilyar na envelope, parang nakita ko na ang envelope na 'yan pero hindi ko alam kung saang lugar. Nailipat ko ang aking tingin sa labas kasabay ni Miss Soul. Malagkit akong napatingin sa isang lalaking nakatalikod sa labas, tama, dalawang lalaki sila. Nagcross finger ako para lumingon silang dalawa, dahil kakaiba ang kaba ko sa isang lalaki, feeling ko si... "Mr. Chazzé L. Salpo." tawag ni Miss Soul kaya mabilis akong napanganga at dali-daling yumuko. Bakit siya?! "And, Mr. Lion King." tawag ni Miss Kaluluwa sa isang lalaki. Agad naman na nagtilian ang aking mga kaklase dahil kay Chazzé at Lion. Mabilis kong ibinalik ang aking tingin kay Chazzé nang may maalala ko ang nangyari sa Dean's office. Siya pala si Mr. Bukol, bakit kaya nagkakaroon ng bukol ang mga tao kapag nakakasalamuha siya? Siguro kagaya nung ginawa niya sa'kin ay tinatapon niya ng bola sa noo o hindi naman kaya ay, binablock niya sa paa para bumagsak sa sahig, kagaya rin lang ng ginawa niya sa'kin kanina. Ang kapal din ng mukha niya eh, at siguro, baka naman ay lumipat siya dito dahil nakita na niya ang kanyang panibagong target?! At ako 'yon? Malaking red flag! Wala na tuloy akong lakas para gantihan siya sa ginawa niya sa'kin. Bahala na 'yon, naitapon kk narin naman 'yong nangyari. Mahigpit kong hinawakan ang aking ballpen sa ilalim ng mesa dahil sa naiisip ko. Huminga ako at ibinalik ang tingin sakanya, gano'n nalang ang pagkataka ko nang makita kong nakatingin siya sa'kin. "And lastly, ayaw ko nang mga assumerang tao. Lalo pa't may kakilala akong ganyan, at naiirita ako kapag nakakasalamuha ko siya pero paano ko siya iiwasan, eh, palagi siyang sumunod at lumalapit sa'kin." sabi niya at nakatingin lang sa'kin. Napakuyom ko ang aking kamay at nagpigil ng inis. Kahit naman ayaw niyang sabihin sa'kin ay alam kong ako 'yung sinasabihan niya. "Ang kapal talaga ng mukha!" Sino bang lumipat ng section para maka-klase ako? Sino'ng bumangga sa'kin para nagkabukol ako? Sino'ng nag-block sa'kin para mahawakan lang ang kamay ko? Ang kapal talaga. Nang mag-angat ako ng tingin ay mabilis akong napatakip sa aking bibig nang makitang nagsilipatan ang kanilang tingin sa'kin. Narinig nila? "Gaya nga ng sinabi ko, ayaw ko ng assumera. Thats it!" agad naman na bumalik kay Chazzé ang tinginan ng aking mga kaklase. Muntik na 'yun ah! "Nandito ba 'yung sinasabihan mo ng bagay na 'yan Chazzé?" tanong nung sipsip kong kaklase kaya napatingin ako sakanya. Sabunutan ko 'tong sipsip na 'to eh. Rinig ko ang pagtawa ni Chazzé at sandaling tumingin sa'kin. "Sabi ko, ayaw ko ng mga assuming, pero kung kinukutuban kayo, sainyo nalang 'yun. Wala naman akong pakialam." sagot niya at ibinalik kay Miss Soul. "Okay thats it! So alam niyo na ang mga bagay na gusto at hindi gusto ni Mr. Salpo." tugon ni Miss kaya nagtaka ako, kanina lang pala siya nagsasalita? "Okay class, section Iron, welcome Mr. Salpo and Mr. King as your new classmates for today and the rest of the school year." tugon ni ma'am at pumalakpak naman ang lahat, except sa'kin bitter ako ngayon. "Miss Kaluluwa will do the assignment kung saan kayo uupo, dahil may meeting pa akong kailangang puntahan." tugon ni Miss Soul bago nagmamadaling lumabas ng classroom. "Okay class, listen!" sabay sabay ang lahat na napaayos ng upo dahil sa biglang paghampas ni Miss Kaluluwa nung stick na hawak niya. "Welcome to section Iron, Mr. Salpo and King, parang may magiging representative narin ang section na ito, sa wakas!" tugon niya kaya napangisi ako. "Ano'ng dream profession niyo Mister?" tanong ni Miss sakanila. "Chemist," sagot ni Lion kaya napamangha ang lahat. Chemist?! Ang ganda! "Wow! Oh, section Iron? May gusto bang maging chemist dito?" tanong niya, akmang iisa na sana ng kamay si Sunny nang bawiin niya ang tanong. "..Sigurado akong wala dahil kulang kayo dito." sabay turo niya sa kanyang ulo at tumatawang napatingin kay Chazzé. Kahit kailan talaga! "Ikaw ba ano'ng gusto mo?" "Gusto ko na pong umupo," sagot niya kaya nagulantang ang lahat. Patay siya ni Miss Kaluluwa, hindi gano'n ang sagot na gusto ni Miss. "Gusto ko na pong umupo Miss, dahil pagod na po akong tumayo." "Oh sige, umupo na kayo. Hindi ko man gusto na itabi kayo sa mga katulad nila pero wala na tayong ibang pagpipilian pa eh noh? Ayos lang ba 'yon sa inyo?." Tanong niya.. Napayuko nalang ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko simula kanina, ang liit lang talaga ng tingin ni Miss Kaluluwa sa'min. "Ikaw Chazzé umupo ka sa tabi ni Tala," sabi ni Miss kaya napa 'o' ang aking bibig. "M-miss?" sabay na takang tanong namin ni Chazzé kay Miss Kaluluwa. "Miss may katabi na po ako dito, si Fat!" lingon ko kay Fat sa aking likuran. "Ano'ng ako?" gulat na tanong ni Fat sa'kin at tiningnan ko lang siya ng masama. "Opo ma'am, katabi po kami." pagsang-ayon niya. Nakangiti akong tumingin kay Chazzé sa harap. "Okay Mr. Salpo, umupo ka sa tabi ni Lolli." sabi ni Miss at tumungo naman siya. "Babye brother," mangiyak-ngiyak na sabi ni Fat kay Lolli. Akala mo naman ang layo nila sa isa't-isa, eh ang lapit lang naman. "Hi!" bati ni Lolli kay Chazzé nang makaupo ito sa likuran ni Fat. Pwede namang lumipat si Lolli 'di ba para hindi ko makita ang mukha ni Chazzé kung sakaling lumingon man ako sa aking likuran, diagonal ang pwesto namin. Aba! Bakit naman ako lilingon 'di ba? "Gusto mo ba ng lollipop? Marami ako dito sa bag at maramingng flavors na pagpipilian." lahad niya kay Chazzé. "Salamat nalang, hindi ako mahilig." sagot ni Chazzé sakanya, kunwari pa siyang hindi pero ang totoo naman siguro niyan ay mahilig siya. "Okay Mr. Lion saan mo ba gustong umupo?" tanong ni Miss kay Lion. "Alam ko na, Lolli, umalis ka diyan sa pwesto mo at diyan uupo si Lion." iling akong napalingon kay Lolli. Sinasadya ba talaga ni Miss ang paghiwalayin at asarin kaming lahat ngayon? "Huwag na po Miss, ako nalang po 'yung maghahanap." sagot ni Lion at kumindat sa aking banda. "Okay lang po." Matapos ang gano'ng paligid sa loob ng klase at nagpasalamat na rin ako nang makalabas na kami. Napaupo nalang ako nang makita ang napakalaking pader ng auditorium. Ako ang naatasang magkulay ng pader at ang grupo naman nila Leo ang gagawa ng desinyo. Sinadya raw ni Miss Kaluluwa ang piliin ako dahil mahilig at magaling daw akong magkulay at may mga pamamaraan daw ako. Oo inaamin ko mahilig akong magkulay kulay ng ano-ano pero natatakot ako baka hindi ko magawa ng mahusay at tsaka nakakasasalay ang marka ng lahat dito. Napalingon ako sa aking gilid, masayang nakikipag-usap si Miss Kaluluwa sakanila ni Chazzé, ano? Exempted ba ang dalawang 'yan? Dahil hindi ako papayag! Mabilis kong ibinalik ang aking tingin sa pader nang maramdaman ko ang gawang pagtingin ni Chazzé sa'kin. Malalim akong huminga at tumayo. Tinalian ko ang aking buhok at ginawang ponytail ito, hindi ko man gustong tinatalian ang aking buhok pero no choice. Agad kong pinagpagan ang aking kamay nang matapos kong hilahin ang itim na pintura. Wala si Sunny ngayon dahil nasa kanyang practice siya, sana nga eh sumali nalang ako sa sayawan para hindi ko makasama ang mga tao na 'to. Wala na tuloy akong kasamang magpintura. "Tala!" tawag ni Lolli sa'kin nang makuha ko sa isang cartoon ng isang malaking paint brush. Tumango lang ako sakanya at umupo sa sahig, iniligay ko sa isang lalagyan ang puting pintura at hinaluan ng pula. "Gusto mo ba ng lollipop?" tanong niya kaya napangiti lang ako. "Ito grapes, paborito mong flavor." napangiti ako at mabilis na binuksan ang lollipop at kinain ito. "Okay ka lang ba?" tanong ko kay Lolli nang makitang umupo siya at nakasimangot pa. "Ano'ng nangyari?" "Wala, naawa lang ako sayo Tala. Tulungan na kita diyan," sabi niya at hinaplos ko lang siya sa kanyang balikat. "Kaya ko 'to, maalam naman ako sa pagkukulay eh, kaya huwag kang mangamba." sagot ko kaya napatawa siya. Hinugot ko ang aking lollipop at inilagay ang aking mga labi sa linya, "Ang laki nga! Hindi ko carry.." mangiyak-ngiyak kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD