CHAPTER 7

2005 Words
Nagpatuloy lang ako sa pagbukas nung isang pintura. Nang matapos kong mahalo ang dalawang kulay kanina ay agad ko namang kinuha ang kulay berde at puting kulay para gawing mas lighter ang kulay para sa mga dahon na malapit nang matapos i-drawing nilang Leo. "Pinamukha niya talaga sa'tin na ang bobo natin at hindi niya ba alam na nasasaktan din tayo." daldal ni Fat habang tinutulungan si Lolli sa pag-aayos nung hagdanan para magamit ko sa pagpipintura. Hindi ko lang sila pinapansin at nagpatuloy sa aking ginagawang trabaho, nasanay naman na ako kay Miss Kaluluwa kahit pa na sabihan niya kami ng kung ano-ano. Pero ngayon, awat muna ako sa mga drama kay Miss dahil kailangan ko pang mag-isip ng mga kulay para maging mas maganda ang pader ng aming auditorium. Pinapalitan kasi palagi ng iba't-ibang mga desinyo ang pader dito sa loob at nakadepende lang naman ito sa kung ano'ng occasion at sa tema ng kasalukuyang occasion. Pwede naman through projector ang desinyo pero ayaw ni Miss, napaka yuck! Napaka unfair din talaga ni Miss Kaluluwa pagdating sa'kin, dahil ako 'yung mahilig magpintura-pintura ay ako agad 'yung inutusan niya sa lahat. Kung siguro ay pwede kong padaliin ang aking oras ay gagawin ko! Para isang oras lang ay tapos na ako sa aking ginagawa. "Parang hindi na tama 'to eh." lamyang tugon ko sa aking isipan. Masakit na rin 'yung kamay ko kakahalo nung mga pintura. Breathe in... Breathe out.. Nang matapos kong mahalo ang dalawang kulay ay napatingin ako ulit sa pader. Tumatawa sila Leo, Quicky at ang ibang kasamahan niya habang gumagawa ng iba't-ibang desinyo. Hindi ipagkaila na magaling talaga sina Leo at Quicky sa pagguhit ng iba't-ibang bagay, minsan ay napapaisip ako na sana ay ako din. Ensaktong pagtapos rin nina Fat at Lolli sa pag-aayos nung hagdanan na gagamitin ko ay agad naman silang nagpaalam dahil natatae na raw si Fat. Napailing nalang ako habang tinitingnan sila papalabas ng auditorium. "Ano pa bang magagawa ko?" tanong ko sa aking sarili. Mabilis akong tumayo at nagpalinga-linga sa harapan. Nasa taas kasi ako ng stage ngayon kaya tanging mga upuan at mga kaklase ko lang na nagdedesinyo sa bahagi na 'yun ang aking tanging nakikita. Napalingon ako sa bawat gilid, wala si Miss Kaluluwa siguro lahat na naman ng gawain dito ay nakaatas sa'kin. Wala akong magagawa dahil responsibilidad ko talaga 'yun dahil ako ang ginawang presidente ng mga kaklase kong kinulang sa aruga. Alam kong trip lang nila 'yong election na 'yon pero, puta naman.. hindi ko kaya pala maging presidente. "Tala, tapos na! Magpapahinga lang muna kami." mabilis akong napalingon nang rinig ko si Leo nang makababa galing sa pagdedesinyo sa pader. "Ah, okay!" tangong sagot ko at nanatili sa pader ang aking paningin. Napamangha ako nang makita ang napakagandang pagkasulat nung mga salitang, 'Filipino: Wika ng Karunungan.' "Ang ganda ng pagkakasulat ah," talagang maganda ang kanyang ginawang calligraphy sa tema. "Kulay nalang talaga 'yung kulang para mas maging maganda pa 'yan sa inaakala ng lahat." sabi ni Leo kaya napatingin ako sakanya. Mabilis akong nagthumbs up sakanya at ngumiti ng malaki, "Promise, papagandahin ko pa lalo ang sulat mo para mas maging kaakit akit ito sa mga ibang schoolmates natin na manunuod... ngayong malapit na araw na 'yun." ngiting tugon ko sakanya. Kita ko ang pangiti niya ng malaki at lumapit sa'kin, "Ang cute mo talaga!" tugon niya kaya napatawa ako. "Pagbutihin mo Tala, dahil aalis muna ako, marami pa akong iguguhit sa baba." tugon niya kaya tumango lang ako. Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa makababa siya, huminga ako at nagstretch ng kamay bago lumingon sa pader. Lumapit ako doon habang inaayos ang aking panyo na inilagay ko kanina sa aking likuran. Itinagilid ko ang aking ulo nang makita ang iba pang guhit, lumapit pa ako ng kunti dahil hindi ko makita ito sa malayuan. May nakaguhit na isang guro na may dalang libro sa wikang Filipino kung saan nakasaad doon ang ibang mga bagay bagay na tinataglay ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pagguhit. "Ang ganda!" hanggang ngayon ay manghang mangha ako sa guhit ni Leo. Natatakot tuloy akong pinturahan ito dahil baka masira ko ang desinyo niya at malalagot ako kay Miss. "Pero kaya ko 'to!" tugon ko at mabilis na humawak sa hagdanan. Nagdala ako ng isang container nung isang kulay para simulan ang nakasulat na tema, nasa taas kasi ito nakasulat kaya kailangan ko itong unahin. Napatingin ako sa baba, hindi naman gano'n kataas ang layo ko sa lupa pero nanginginig ang mga tuhod ko. Takot ako sa mga mataas na lugar pero kailangan ko 'tong tapusin. Batman na bahala sa'kin! Kung ayaw ni Batman sa'kin si Spider-Man nalang. Inayos ko ang aking dalang paintbrush at itinutok ito sa letrang F, hindi ko talaga kayang pinturahan dahil nanginginig ako dito sa taas at isa pa, wala man lang isang humawak sa hagdanang tinatapakan ko ngayon. Paano pag nahulog ako? Talagang Wala nang Tala sa earth. Napalingon ako sa aking likuran talagang busy ang lahat pero isa lang 'yung taong nasa isip ko ngayon.. na alam kong nagfefeeling hari ngayon dito sa loob. Ako lang ang pwedeng maging hari dito dahil ako ang may mataas na ranggo. Inis akong lumingon ulit sa pader, inusog ko pa lalo ang katawan ko, wala namang problema dahil kumapit naman ako sa hagdanan. Nakangiti ako nang masimulang lagyan ng kulay ang letrang F, isang usog, dalawang brush at isang singhot ay agad kong naramdaman ang pagmanhid ng tuhod ko. Nagpigil ako sa aking tuhod na huwag man lang itong mawalan ng power dahil talagang babagsak ako sa sahig. "Aray!" napasigaw ako sa manhid nang bigla kong maramdaman na may humawak dito. Dahil sa inis ay agad kong nailipat ang aking tingin doon sa paa ko. Agad ko rin namang iniwas ang tingin nang makitang si Chazzé ang nasa baba, sinasadya niya ba talagang hawakan?! Wala ba siyang magawa sa buhay niya? "Ano ba!? Namamanhid 'yung paa ko, kaya bitawa--" mabilis akong napahinto nang maramdaman ko ang biglang pagbuhat niya sa'kin. Ang bilis nang pangyayari dahil ensaktong pagkurap ko ang siyang rinig kong kaluskos ng mga bagay na natumba mula sa taas. Dapat ba akong magpasalamat sakanya o magalit ng husto dahil sa ginawa niyang pagbuhat sa'kin. Napakurap ako. Bakit naman kasi Lord hindi si Batman ang pinadala niyong sasalo sa'kin? Alam niyo namang ayaw ko sa lalaking papansin na 'to. Mabilis akong nagpumiglas para makababa mula sa kanyang pagkakabuhat nang makita ko ang mukha niyang malapit sa'kin. "Thank you?" tanong niya at mabilis akong ibinaba, ang kapal din nang mukha niya! Agad kong pinagpagan ang aking sarili at napatingin sa mga pintura na nagkalat sa sahig. Mabilis akong napahawak sa aking bibig nang gumulong pa ang container nung isang pintura papunta sa natumbang hagdanan na ginamit ko kanina. Kita ko kung paano nabasa ang mga malalaking cardboard at nabuhos ang mga pintura sa sahig. Hindi ko alam kung sisigaw o iiyak ba ako dahil sa galit ko sakanya. Maraming nasirang gamit dahil sa ginawa niyang pabida, ramdam ko ang panginginig ko mula ulo hanggang paa dahil alam kung mapapagalitan na naman ako ni Miss ngayon. Oo alam Kong tinulungan niya ako pero ang pagalitan na naman ni Miss ay hindi ko na alam. Sana nga ay hindi niya na ako tinulungan. Napaupo ako at mabilis na tumingin sakanya ng masama, "Ano?" inosenteng tanong niya kaya mas nainis pa ako ng tuluyan. Mabilis kong itinuro sakanya ang sahig, bulag ka ba!? "Tingnan mo 'yung ginawa mo," panimula ko kaya napaayos siya ng tayo. "Bakit naman kasi nangingialam ka pa sa'kin!?" Kaya ko naman 'yon! "P-palibhasa hindi mo naman k-kasi alam kung paano magalit at magsalita si M-miss kaya kung makaasta ka ay akala mo ay a-alam mo na ang lahat." dagdag ko. "Ha?" tanong niya kaya napailing ako. "Ha?! Ano?! Hindi mo ba alam kung ano'ng nagawa mo sa'kin? Dahil lang naman sayo nasira 'yung mga bagay na pinagkatiwala nila sa'kin. Alam mo ba 'yun?" galit kong tanong sakanya. "At gusto mo pang magthank you ako sayo dahil sa ginawa mong pangingi-alam sa'kin? Huwag ka nang mag maang maangan pa dahil hindi ka naman talaga nakakatulong sa'kin, simula nung unang araw palang." sabay punas sa aking luha na tumulo sa aking pisngi. Masyado na yata akong emotional pero kailangan ko itong ilabas, minsan lang naman 'to. Napatayo ako at wala man lang akong narinig na salita mula sakanya. "Ahh, Tala," nauutal niya pang tugon nang makatingin ako sakanya, alam kong punong puno ng luha ang aking mga mata kaya pinipigilan kong huwag pumikit. Nakatingin lang ako sakanya bago naisipang tumalikod, wala naman akong mapapala sakanya dahil sino ba naman ako? "Tala!" agad akong napahinto sa aking paglalakad nang malakas niya akong tinawag muli. Kita ko ang pagpunta niya sa aking harapan at may kinuha sa kanyang bulsa, "Kunin mo," lahad niya nung maitim na panyo. "Hindi ko kailangan 'yan." iling ko sakanya at tinakpan ang aking bibig nang akmang sisigopin ko na ang aking sipon. Epal naman kasi 'tong sipon eh. Kita ko ang pagngiti niya kaya mabilis kong ibinaba ang aking kamay. "Nagawa mo pang ngumiti?" taray ko sakanya. Pero cute niya! "Kunin mo na, mahal 'to." ano'ng pakialam ko kung mahal ang panyo niya. "Hindi--" napahinto ako nang kunin niya ang kamay ko. Hindi man lang ako pumiglas, ano 'to kupido! Inirapan ko lang siya at hindi na tumingin sakanya, "Good bye," tugon niya at tumalikod at naglakad pababa ng stage. Napakagat ako ng aking labi at agad na itinapon ang bigay niyang panyo dahil sa inis. Ano, wala man lang siyang pakialam sa mga nasirang bagay, wala man lang siyang katiting na konsensiya para tulungan ako dito? Aalis alis lang siya? Kahit isang sorry man lang mula sakanya ay wala siyang sinabi sa'kin? At tanging walang silbing panyo lang ang ibinigay niya sa'kin, ano'ng akala niya iiyak pa ako lalo dahil sa maling pangingialam niya? Dapat nga ako 'yung mag walkout eh para siya ang maging assign dito. "Tala!" mabilis kong kinuha pabalik ang panyo ni Chazzé na nasa sahig at napatayo ng maayos nang makita si Miss Kaluluwa na nasa aking harapan. Mula sa kinatatayuan ko ay hindi ko nakita ang masamang espiritu sa kanyang likuran. Good mood siya kaya safe ako sa galit niya. "Okay ka lang ba Tala? May masakit ba sayo? Ano'ng nangyari? Kamusta ka?" alalang tanong niya kaya napalunok ako. Nakakapanibago naman si Misa Kaluluwa ngayon, napangiti nalang ako bago sumagot. "O-okay lang naman po ako Miss." nautal kong sagot sakanya. Hindi ako mapaniwala sa inasta ni Miss ngayon pero ala kong hindi ito totoo. "Sigurado ka ba?" tanong niya at napatango lang ako. "Oh!" gulat niya nang makita ang mga pintura na nagkalat sa sahig ng stage. "H-hindi ko po s-sinasadya Miss," yuko kong muli. "Masyado ka kasing dabog kung magtrabaho kaya pati mga maliliit na bagay ay napapahamak ka! Minsan naman ay gamitin mo 'yang utak mo, hindi puro katangahan ang paiiralin! Dahil ganyan ang magiging resulta mo, palaging palpak kapag tanga tanga ka oh kaya naman kapag kulang kulang ka!" diing pangaral niya sa'kin kaya napatango lang ako. "Ano puro paganda nalang ba ang alam mo dito Tala? Ano, wala ka na ba talagang utak na pwedeng gamitin diyan? Scoop mo nga baka meron pa. Alam mo bang inorder ko pa 'yang mga bagay na 'yan dahil gusto ng Dean ay mahal at magaganda ang gamit na gagamitin. Pero ano'ng ginawa mo? Sinayang mo lang, bruha ka!" saway niya sa'kin kaya napaatras ako. Napahawak ako ng mahigpit sa panyo at sinubukang sumagot ng hindi nauutal. "Sorry po...Miss." "At siguro kong hindi ka tinulungan ni Chazzé, ano ay sa hospital ang bagsak mo ngayon, kailangan kasi nating mag-isip din minsan." "Sorry po," "Problema! Problema ka talaga! Alam mo bang mas mahal pa ang mga gamit na 'yan kaysa buhay mo?!" napailing ako dahil sa gawang pagtanong niya. "Nastre-stress ako sayong bata ka! Linisin mo lahat ng kalat na 'yan kung ayaw mong ipasuspend kita." sabay talikod niya kaya napaupo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD