CHAPTER 8

2144 Words
Napayakap ako sa aking tuhod at pilit na ngumiti. Nakatingin lang ako sa mga pintura sa sahig at agad na tumango aking sarili para sabihing 'kaya ko', sanay na naman akong ganituhin ni Miss. At alam ko namang kasalanan ko, hindi naman siya magagalit sa'kin kung hindi ako nagtanga-tangahan kanina. Bakit naman kasi napaka bobo ko?. Kinuha ko ang mop sa likod ng stage at nagdala ng dalawang balde na may lamang tubig, kumuha na din ako ng isa pang balde na walang lamang tubig para gawing container sa mga duming masasalang sa mop. Ginawa kong headband ang bigay na panyo sa'kin ni Chazzé para maiwasang hindi tumakip sa aking mukha ang aking mga buhok, at para hindi maiwasang tumulo ang pawis ko sa aking noo. Mabilis ko naman itong naitali sa aking likuran ng aking ulo, at inayos rin ang ibang mga hibla ng aking buhok. May silbi naman pala ang panyo niya. Huminga ako ng malalim bago nagsimulang mag-mop. "Tala!" agad naman akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Sunny. Mabilis kong itinapon sa gilid ang mop at yumakap sakanya. "Okay ka lang ba? Narinig kong pinagalitan ka ni Miss." "Okay lang ako, ano ka ba!" saway ko sakanya at yumakap ng mahigpit. "Talaga bang okay ka lang?" tanong niya at tumango lang ako. "Gusto mo bang kumain?" napangiti ako sa tanong niya at mabilis na tumango. Maghapon din akong naglinis dito sa stage, kahit papaano ay naging magaan naman ang aking trabaho dahil tinulungan ako nila Sunny, Fat, at Lolli. Agad rin namang nagpaalam sila Lolli dahil may kailangan daw sakanila si Miss Kaluluwa, pati na rin si Sunny, naiintindihan ko naman siya dahil alam kong magiging busy na siya sa troupe niya ngayon. Malapit na rin kasi at ilang kembot nalang ay araw na ng buwan ng wika. Mabilis kong kinuha ang aking dalang tubig nang matapos ako. Wala ng nagkalat sa sahig, napangiti nalang ako at umupo saglit. Nang matapos ay agad din naman akong pumasok sa backstage para magbihis ng damit, wala naman na ang mga kaklase ko dito kaya ayos lang at malaya lang akong makapagbihis. Tinanggal ko ang aking towalya na nasa aking likuran pati na rin ang aking damit dahil alam kung puno na ito ng pawis kanina. Kinuha ko ang aking body and face powder at mabilis na nilagyan ng marami ang aking likuran, nang matapos ay balik kong sinuot ang aking uniporme, inayos ko ang aking blazer nang matapos kong isuot ang puting pang-ilalim nito. Mabilis kong pinagpagan ang aking skirt nang matapos kong masuot ang aking sapatos. Isinuot ko na rin sa aking likuran ang aking backpack, lumabas ako sa backstage at nagpalinga-linga sa paligid. Wala nang mga tao, napagdesisyunan kong maglugay nalang nang buhok para mas maging maganda ako tingnan. Nilagyan ko ng hair spray na avocado scent ang aking buhok para mabango naman ito. Napawi ang aking ngiti nang makita ko ang panyong hawak ko, mahigpit ko itong hinawakan. Napatango nalang ako nang maalala ko ang sinabi ni Miss sa'kin, tama rin naman si Miss kung hindi siguro ako nasalo o napuntahan ni Chazzé agad ay malamang ay nasa hospital bed akong nakatunganga ngayon at idagdag niyo pa ang ratrat ni mama sa'kin. Para naman akong celebrity o prinsesa dahil sa nangyari, ang sama ko dahil nagalit pa ako sakanya. Napagsalitaan ko pa siya ng masama. Hindi kami tinuruan ng mga magulang namin na maging maldita. "Kailangan kong humingi ng tawad sakanya, kailangan ko siyang hanapin. Pero saan naman?" tanong ko at mabilis na lumabas ng auditorium. Inilock ko agad ang pinto at inilagay sa loob ng bag ang susi. Quater to five na ng hapon, tapos ko nang puntahan ang dating section nila Chazzé pero wala siya doon, sa classroom namin ay wala rin siya. Ensaktong pagkababa ko sa ground mula sa 4th floor ng aming building ay laking pasalamat ko nang makita si Lion, "Lion!" tawag ko sakanya at agad na pumunta sa kanyang gawi. "Oh, Tala, okay ka lang ba? Narinig ko 'yung nangyari sayo, may masakit pa ba sayo?" bahang tanong niya kaya napangiti ako. "Nakita mo ba si Chazzé?" tanong ko sakanya. Napalingon siya sa paligid at mabilis na umiling, "Parang nakauwi na ata 'yun hanggang alas singko lang kasi ang practice ng kanilang league." sabi niya kaya napatango ako. Hindi ba sila team? "Gano'n ba?" tanong ko. "May nasabi ba siya tungkol sa'kin o galit ba siya nang magkita kayo?" tanong ko sakanya kaya napangiti siya. "Hindi naman galit si master at sa katunayan ay malungkot siya, kaya ayun palaging hindi nakaka-shoot sa practice nila at palaging napapagalitan ni Coach Z. Ewan ko ba sa lalaking 'yun heartbroken ata!" napayuko ako dahil sa sinabi niya. Siguro ako ang dahilan ng pag-alala niya at pagiging malungkot. Pero heartbroken daw eh, so may possibilidad na hindi ako ang dahilan. "Bakit may nangyari ba sa inyo?" nanliit na matang tanong niya sa'kin. Mabilis akong napailing dahil sa tanong niya. "Wala! Ano'ng klaseng tanong ba 'yan! May gusto lang kasi akong sabihin sakanya kaya ko siya hinahanap." ma-isssue din 'tong lalaking 'to ha. "Pasensiya na Tala, Hindi ko talaga alam eh, baka nga nakauwi na 'yun." napatango nalang ako at kumaway sakanya nang magpaalam na siya. Nag-text narin naman ako kay Glen an mauna na siyang umuwi dahil may pupuntahan pa akong importante. Alam na naman nila mama at papa kung ano'ng bibilhin ko, sandali rin akong nanunuod kay Sunny sa court bago naisipang umalis na nga ng university. Talagang mag-isa lang akong pupunta ng Watson dahil hindi talaga pwedeng umalis ni Sunny dahil hindi niya pa raw niya kabisado ang mga galawan at paano tumalon, sumayaw sa gitna ng dalawang bamboo. Napangiti nalang ako dahil sa naging reaksyon niya kanina habang nagsasalita, tinikling daw kasi 'yung nabunot ng kanilang grupo kaya kailangan nilang magsanay ng bonggang bongga. Hindi masyadong matao sa Watson, may iilang estudyante ring nandito. Hindi ko sila pinansin pa at nagsimulang pumili ng iba't-ibang klase ng tint. Kinuha ko ang isang kulay baby pinkish at mabilis na naglagay ng maliit sa aking kamay. Bagay naman ata 'to sa'kin dahil maputi naman ako at baby ang dating ng kulay niya. Cute naman ako bunos pa ang pagiging maganda. Iyon nga lang hindi ko alam kung paano 'to gamitin, pero may maraming videos naman sa YouTube kaya okay lang. Mabilis akong lumabas ng Watson at inilagay sa loob ng bag ang aking nabili. Excited na akong gamitin 'yung tint na 'yun bukas. Naglagay kasi ako ng maliit kanina sa lips ko, maliit lang siya pero Kita kong sakto nga siya sa'kin. "Uuwi na ako mama, huwag ka na pong mag-alala nabili ko na rin naman kasi 'yung kailangan ko." sagot ko kay mama sa phone at mabilis na pinatay ito nang matapos siyang magpaalam. Napahinto ako sa aking paglalakad nang makita ko ang isang lalaking naglalakad dala ang kanyang bola. Papasok siya sa isang bookstore, kaya hindi na ako nagdadalawang isip pa at mabilis na "Chazzé!" malakas na sigaw ko. Alam kong siya 'yon dahil nakahood siya kanina sa school. Hindi ko alam pero masaya ako dahil nakita ko siya. Napalingon siya sa'kin kaya tumakbo ako papunta sakanya, "Chazzé!" hingal kong tawag nang makalapit sakanya. "Bakit hindi ka pa umuwi? Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya kaya napangiti ako sakanya. Palinga-linga siya sa paligid bago ibinalik ang tingin sa'kin. "Ikaw lang?" "Oo," tango ko. "Gabi na." alalang tanong niya. Ang OA ikaw na nga 'yong pinuntahan, pa echos pa. "Nandito kasi ako dahil--" putol na sabi ko nang inilahad niya sa'kin ang kanyang tubig. Tumango lang ako sakanya at mabilis itong ininom. "Salamat!" pagsirado ko sa tubig at inilahad pabalik sakanya. "Tala,.. tungkol pala sa nangyari kanina ay--" putol ko sakanya. "Sorry!" yukong sabi ko. "Sorry dahil sa inasta ko alam kong mali ako kaya sorry." tugon ko. "Nasaktan ka ba?" tanong ko sakanya. "Ha?" takang tanong niya. "Nasaktan ka ba?" pag-ulit ko kaya napangiti siya. "Saan?" bobo ka bro? "Sa sinabi ko, pasensiya ka na talaga. Hindi na mauulit 'yon." masyado ka kasing papansin sa'kin. "Bakit naman ako masasaktan?" tanong niya kaya napailing ako. "Tungkol kanina, tutulungan nalang kita doon," sambit niya at napailing ako. Nakakahiya naman kapag tumulong pa siya sa'kin, pero okay nga! "Okay lang Chazzé huwag ka ng mag-abala dahil may practice ka pa eh." tugon ko kaya napatingin siya sa'kin. Hindi ipagkaila na guwapo talaga siya, pero may gusto na akong iba. Mabilis akong napakurap nang hawakan niya ang balikat ko at mabilis na inilagay sa kanyang likuran, napadilat nalang ako dahil sa nangyari. "Huwag kang masyadong concern," rinig kong bulong niya kaya napako ako sa aking kinatatayuan. Mabilis rin naman siyang tumalikod sa'kin at tinulungan akong tumayo. "Ang kapal naman ng driver na 'yun alam niyang may tubig sa daan ay sinadya niya pa talagang dumaan." pang-iiba ko. "Ihahatid na kita, mag-gagabi na rin baka mapa'no kapang dugyot ka." tugon ni Chazzé kaya mabilis na kumulo ang dugo ko. Tama bang humingi ako ng tawad sakanya? "Opo," tugon niya doon sa lalaki na sa tingin ko ay kasing edad lang ni papa. "Papa mo ba 'yon?" tanong ko sakanya habang naglalakad. "Oo," "Sa inyo ba 'yung bookstore na 'yun?" manghang tanong ko. "Oo," "Ang galing ah! Pwede bang manghingi ng libro doon?" birong tanong ko dahil puro oo nalang kasi 'yung sagot niya. "Hindi," nagpigil tawa niyang sagot sa'kin. "Bakit?" tanong ko sakanya. "Dahil baka malugi kayo? Ah alam ko na, pwede bang magstay nalang ako doon every weekend para magbasa siguro may mga lumang libro na kayong hindi niya pinapalabas at nasa storage lang." tugon ko at bumuntong hinga lang siya. "Ingat!" saway niya sa'kin nang tumalon ako. Agad akong napatawa dahil sa sinabi niya, kahit ano'ng gawin ko ay hindi talaga siya nagsasalita ng mahaba. "Nandito na tayo," tugon niya nang sa wakas ay nakarating na kami ng bahay. Bakit niya alam ang bahay namin? "S-salamat," takang tanong ko nang makita kong hinahawakan niya pala ako sa pulso habang papauwi. "Salamat!" pag-ulit ko. Kita ko ang pagtango niya mabilis na binitawan ang aking kamay. "Huwag kang assuming," tugon niya nang mag-iba ang mukha ko. "Huwag ka ring assuming!" sabi ko sakanya kaya napangisi siya, "Ano bang zodiac sign mo?" tanong ko sakanya. "Scorpio," maikling tugon niya kaya napatango ako. "Bakit ano'ng meron?" takang tanong niya. "Wala, umalis kana, babye! Good night Mr. Salpo!" tugon ko sakanya bago pumasok sa loob ng bahay. Kaya naman pala ang yabang, mapang-asar at kasing liit ng langgam ang kanyang sagot dahil Scorpio pala siya. Mas nainis pa nga ako lalo sakanya dahil sa pagngiti ngiti niya sa'kin. Weakness ko pa naman 'yon! Hindi ko alam kung bakit ako naging curious sa Scorpio kaya nagsearch ako sa net tungkol dito. "Scorpio: October 23 to November 21," panimulang tugon ko. Kailan kaya siya pinanganak? Wala namang masama kung magtatanong ako. Mabilis akong pumunta sa group chat ng aming section at mabilis na pumunta sa kanyang account, "Hindi kami friends!" sambit ko, mabilis akong nagclick sa request para kung sakaling makita niya ay friends na kami. Habang naghihintay ay nasa Scorpio article lang ang tingin ko, nagulantang ako nang marinig ang notification ring sa aking cellphone. Napangiti ako nang makitang 'friend request is accepted', online siya! Kaya kailangan ko siyang tanungin para sa kanyang birthday. Nagsimula na sana akong magtype nung tanong nang makita ko ang kanyang message, mabilis akong napalingon sa labas ng bintana dahil sa gulat ko. Nag message siya sa'kin ano naman kaya... ["Kailan birthday mo?] pagbasa ko sa message niya kaya napatawa ako ng malakas. "Lakas ng tama mo brother!" natatawang sabi ko. Nang maka-isip ako ng magandang nickname ay agad kong isinet ang parehong palayaw niya. Me: "Bakit ko naman sasabihin?" reply ko sakanya. Mr. Bukol ["Sasabihin mo dahil kailangan ko."] Me: "Bakit nga!}:‑)" Natatawa ako dahil sa mga message niya. Mr. Bukol ["Dahil sasabihin ko rin sayo 'kung kailan ang birthday ko.^_^:] Ang kapal talaga ng lalaking 'to! Me: "Assuming ka brother!" Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang nagrereply sakanya. Mabilis ding napawi ang aking ngiti nang agad siyang magreply. Mr. Bukol [Joke para sa survey lang 'to. Assuming ka masyado."] reply niya kaya napasinghap ako. Me: "Baliw!" enter! Ilang segundo rin ay nagreply na siya. Mr. Bukol ["October 25, 1999,"] napatulala ako nang makita ang message niya. Ang kapal talaga ng mukha niya sobra, hindi ipagkaila na kampon talaga siya ng mga Scorpion. Napatingin ako sa kisame. Me: "August 25, 2000," mabilis kong type at pinindot ang enter. Napatakip ako ng aking bibig nang makita ang sinulat ko, ang tanga ko talaga! Baka ano'ng isipin niya! Baka akala niya yuck! Mabilis akong nagcross finger nang humina ang net, "hindi ka dapat ma send!" takip ko sa aking mata. Ilang sandali ay dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay na nakatakip sa aking mata. Message sent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD