CHAPTER 9

2123 Words
Nakahiga ako ngayon sa sahig at parang tangang nakatingin sa kisame, parang nawala lahat ng lakas ko dahil sa ginawa ko. Aanhin ko ba 'yon? Wala namana akong pakialam. Tumagilid ako at humawak sa paa ng aking kama, bakit ko naman 'yun sinabi sakanya? Mabilis akong napahawak sa aking ulo dahil sa mga naiisip ko. Ano ba 'yan! Huwag ka nang assumera Tala, para survey lang 'yon. Baliw ka! Napabalikwas ako ng bangon nang marinig kong tumunog ang aking laptop, mabilis ko itong tiningnan at naupo agad pabalik. Nakaopen pa pala 'yung article tungkol sa mga Scorpio, umiling nalang ako. Bakit ko ba nilalagyan ng malisya ang simpleng pagbigay lang ng birthday ko, malay ko ba baka bibigyan niya ako ng regalo 'di ba? Hays naman! Nakayuko ako sa harapan ng aking laptop, alas nuyebe na ng gabi pero wala paring tawag si Yosi sa'kin. Ano na kayang nangyari sakanya at doon sa babaeng nililigawan niya? Sinagot na kaya siya? Naiinis narin ako ah, idol ko pa naman 'yung girl pero magagalit din ako sakanya kapag sinaktan niya si Yosi ko. "Thank you po ng marami Miss Soul, pasensiya na po talaga sa nangyari." type ko sa aking cellphone, nakapag-text na si Miss Soul sa'kin na okay na raw ang mga kailangan namin sa auditorium. Huwag na raw akong mag-aalala lalo na kay Miss Kaluluwa. Tinanong ko naman siya na Kung pwede bang tumawag para makahingi ako ng sorry in sincere. At para naman kapani-paniwala 'yung pag-uusap namin pero ayaw niya dahil nasira raw 'yung speaker ng cellphone niya. "Siya lang talaga 'yung Dean namin na walang pampa-ayos ng cellphone." natatawa ako dahil sa sariling tugon ko. Peace Miss Soul, sorry. Nawala ako sa aking pag-iisip nang tumunog bigla ang aking cellphone. Mr. Bukol ["Okay na raw 'yung kanina."] Basa ko sa chat ni Chazzé. Napailing nalang ako ay ibinagsak ang aking katawan sa aking kama. Salamat naman! Mabilis akong napanganga nang makita ang aking sarili sa salamin. "Tala! Ano ba't ang tagal mo diyan?! Halika na!" rinig kong tawag sa'kin ni mama sa baba. Tudo bura ako sa aking labi na ngayon ay nilalagyan ko nung tint na binili ko kahapon. "Ang kapal naman nito!" dabog ko at mabilis na inilapag ang isang tissue na ginamit ko pangpunas. Maliit lang naman 'yon pero bakit ganito? Kagabi maayos naman 'yong pagkalagay ko. "Paano ba kasi gawin 'to?" sabay kuha nung larawan ng nililigawan ni Yosi. Ang ganda niya talaga, hindi naman ipagkakaila dahil sa kulay palang ng balat niya ang puti-puti at sure ako na makinis ang balat nito, flawless. "Paano niya kaya mina-maintain ang ganyang kinis ng katawan niya?" Kaya naman pala siguro hinabol-habol at malaki ang gustong chance na makuha ni Yosi sakanya dahil maganda siya. Maputi rin naman ako pero hindi nga lang kasing ganda niya. Inis kong binitawan ang aking dalang tint at tumingin sa salamin. "Tala kakain na tayo, baka ma-late ka pa sa klase niyan!" Atat naman ni mama oh, alam niyang may ginagawa pa ako, tudo ratrat naman siya. Sumagot ako sa tawag ni mama sabing 'pababa na ako.' "At kailan pa kapag mag-aalas otso na ng umaga?!" "Mama naman eh," sagot ko sakanya nang makababa, bitbit ko ang aking bag at inilagay ito sa upuan katabi ng bag ni Glen. "Mama nasa trabaho na po si papa?" tanong ko kay mama nang makaupo ako sa tabi ni Glen, hindi man lang ako pinansin ng kapatid ko at nasa notebook niya lang tingin. "Hoy, ano 'yan?" tanong ko sakanya. "Nag-aaral ako sa mga rules at regulations ng basketball, dahil beginner palang ako pero marami naman akong experience pero hindi 'yung professional ang dating." natatawang tugon niya kaya napairap ako, may informal at formal ba sa paglalaro?. Akala ko pa naman ay busy siya sa nalalapit na exam nila pero sa laro niya pala, napakabait na bata talaga! Nang matapos kaming kumain ay nagpatulong ako kay mama na magpalagay nung tint sa labi, "Hindi kasi ako marunong ma." tugon ko sakanya. Maalam si mama sa kung paano maglagay-lagay ng mga makeup dahil may beauty and salon spa siyang pinapalakad doon sa sentro. Kaso nga lang kailangan ko pang magmakaawa sakanya ng tudo dahil minsan lang kung tumulong sa'kin, ayaw niya kasi na maglagay kami ng ganito dahil bata pa raw at wala pa sa legal na edad. At dahil matigas ang ulo ko, hindi ako sumunod dahil gusto ko ring maging katulad nung babaeng gusto ni Yosi. "Siya nga pala mama, may balita po ba kayo tungkol doon sa babaeng nililigawan ni Yosi? Hindi po kasi siya tumawag sa'kin at hindi rin po ako tumawag sakanya dahil busy po ako." pagsisinungaling ko sakanya. Ayaw kong sabihin kay mama kung ano'ng nangyari kahapon sa auditorium dahil alam kung mapapagalitan at mag-aalala lang siya. Okay na rin naman 'yon. "Wala, si papa mo nagkausap sila dahil may gusto raw siyang malaman.. basta 'yun," sabi ni mama kaya tumango lang ako. "Oh, siya okay na 'yan, long lasting naman 'yang nabili mo kaya huwag kang lagay ng lagay dahil isa hindi ka marunong." panglalait ni mama sa'kin kaya napayuko ako. "Mama paano pag-iinom ako ng tubig?" talagang mawawala 'yon. "Huwag kang uminom." seryosong sagot niya at tumawa rin kalaunan. Joker! Hindi naman benta ang jokes. Mabilis akong gumanti sa yakap ni mama nang mahigpit, ramdam ko ang paghalik niya sa aking ulo kaya napangiti ako. "Baka pag-uwi mo dito ay may boyfriend kana." "Wala ah!" sagot ko. "Meron na 'yan mama," rinig kong sambit ni Glen kaya mabilis kong natapon sakanya 'yung dala kong tsinelas. "Oh, basta ganyang mga galawan ay talagang meron.. oh huwag ka kasing mambato." tugon niya nang itinaas ko ang isa pang tsinelas. "Hi po Tita!" bungad ni Sunny sa'min nang makalabas kami ng bahay. Nagulat ako dahil sa pagpunta niya, minsan lang naman siyang pumupunta dito at kung pupunta man siya ay nagte-text siya. "Hindi ka nag-text?" tanong ko sakanya at isinuot ang aking bag. "Surprise nga 'di ba!" natatawang tugon niya, kumaway kaming tatlo kay mama nang pumasok na siya sa bahay. "Hindi kasi kita masasamahan pauwi kaya sasamahan nalang kita papunta ng campus. Sorry ka na talaga neng kailangan ko kasing magpractice ng magpractice dahil hindi talaga ako marunong." natatawang tugon niya at tumango lang ako. "Saan ka pupunta?!" sigaw ko kay Glen nang tumawid ito sa kabilang lane. "Una na ako ate, late na ako eh!" paalam niya at mabilis na tumakbo. Ang sabihin niya ay nahihiya siya na kasama kami dahil marami na namang magsasabi na bakla siya. "Oh siya, share mo sa'kin kung ano'ng nangyari sayo kahapon. Nakauwi ka ba ng maayos ha? Wala bang nanakit sayo? Ha?" bahang tanong niya sa'kin. Napatawa nalang ako at tumango para sabihing okay lang. "At siya nga pala ay okay na kami ni Miss Kaluluwa, napagsabihan narin kasi siya ni Miss Soul na aksidente lang 'yung nangyari at bumili narin sila ng bagong gamit para sa pagkukulay." "Ayos! Si Miss Soul lang naman pala ang katapat ni Miss Kaluluwa eh." natatawang tugon niya kaya napatango ako. "Sinabi mo pa!" pagsang-ayon ako sakanya. "Siya nga pala, hoy! Si Chazzé ano'ng sabi niya?" tanong niya sa'kin nang nasa tapat na kami ng gate. "Ano'ng Chazzé?" tanong ko sakanya. "Ano'ng ano?" tanong niya pabalik. "Ewan ko sayo!" bawi niya at mabilis akong hinila papasok ng gate. Baliw baliw talaga 'tong babaeng 'to. Nang makarating ako sa building namin ay agad kong binuksan ang pintuan, wala na ang mga kaklase ko at paniguradong nasa auditorium na silang lahat. Inilagay ko ang bag ko sa aking upuan at mabilis na pumunta sa CR para magbihis. "Ano?!" rinig kong sigaw sa labas kaya mabilis kong naisuot ang aking damit. "Sino kaya ang mga 'yun?" takang tanong ko nang makalabas ng CR. Grabi na talaga ang mga tao ngayon. Hindi ba sila aware na nasa paaralan sila? Agad akong napalingon sa upuan ni Chazzé hindi kaya siya pumasok? Wala kasi 'yung bag niya. Napailing nalang ako at naisipang lumabas ng classroom, agad kong inilock ang pintuan at inilagay ang susi sa aking bulsa. "Good morning Miss Mai," bati ko kay Miss Mai. Agad akong napairap nang hindi man lang ako pinansin, siya na nga 'yung binati tapos ayaw pa akong pansinin, parang celebrity ang peg. Asahan mo hindi rin kita sasagutin sa pa-oral mo. Che! Humawak ako sa railings habang pababa ng hagdan. Napatangin ako sa bandang court nang may nakita akong kumakaway-kaway dito sa banda ko. Agad naman akong napalingon sa aking likuran, wala namang tao, tinuro ko ang sarili ko siguro hindi niya nakita ang gawang pagturo ko kaya kumaway na rin ako pabalik. Alam kong hindi si Sunny ang kumakaway-kaway eh, alam ko kung paano siya kumaway at hindi ko rin feel na siya nga 'yun. Kita ko ang paghinto niya at mabilis na umupo sa bench, nanunuod sila ng basketball ngayon. Agad akong napatakip sa aking bibig, baka umandar na naman 'yung pagiging assumera ko. Napailing nalang ako at sabay na tumawa, para akong baliw dito, "Excuse me?" agad akong napahinto at mabilis na napahawak sa grills nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Chazzé. Napakagat ako ng aking dila at lumingon sakanya, "Hey! Yoh! Watsup!" bati ko. Pero wala naman siya sa likuran ko kanina ah, agad kong binalik ang aking tingin sa court, kumakaway-kaway na naman 'yung babae at ang nakatatawa ay may kasama na siyang iba pa. Nagagandahan siguro sila sa'kin, liptint lang po ang dahilan nito. Kinikilig tuloy ako! Alam ko namang hindi nila type 'tong si Chazzé dahil nananakit ito eh at tatapunan niya lang ng bola ang kanyang mga fans. "Hey! Hi, sa inyo!" pagkaway ko sakanila at ngumiti pa ng malaki. First time ko 'to! Tudo talon pa sila nang marinig ang boses ko, natatawa ako sabay sabi, "Anue ba akue lang 'to---" napahinto ako dahil sa gawang paglingon ko kay Chazzé. Kumakaway-kaway siya at nagpigil pa ng tawa, binalik ko ang aking tingin sa court at balik sakanya, pabalik balik ko 'yung ginawa. Sakanya ang mga fans na 'yun? Mabilis akong napahawak ng mahigpit sa aking kamay. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig na may isang truck ng ice dahil sa pagkahiya ko. "Ano ba ako lang 'to," rinig kong tugon niya kaya mabilis akong napatingin sakanya ng masama. "Okay lang namang mangarap." pigil tawa niyang tugon. Mabilis akong tumawa para hindi naman maging awkward at masita niyang nahihiya ako. "Ako naman talaga 'yung kinakawayan nila talagang pa-epal ka lang talaga." "Sino ba sa'tin ang may blue band?" turo niya sa badge na nasa ulo niya. "Wala akong pakialam, meron din ako oh?" turo ko sa tali ng aking buhok, "Oh, ngayon mo sabihin kung sino sa'tin?" tapang Kong hamon sakanya. "Dakilang assumera," kumukulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. "Dakilang mambubukol!" natatawang sagot ko sakanya, wala sa dictionary ko ang magpatalo. "Ano!?" tanong niya kaya napailing ako. "Hindi ako mambubukol at talagang lampa lang kayo." "Ano'ng hindi ka mambubukol? Sabi sa'kin ni Miss Soul nung nakaraang araw na may palaging report siyang natatanggap dahil binubukulan mo raw sila ng malaki at huwag mong e-deny 'yun dahil may malakas na ebidensya ako. Kasali nga ako doon sa mga listahan mo eh, pero hindi ako nagsumbong." daldal ko at umirap pa sakanya. "Mga assumera lang naman 'yung nabubukol eh," tanong niya kaya napatawa ako sakanya. "...mga assumerang mang-aagaw ng fans at nagpapansin sa'kin. Baka isa ka sa mga 'yun kaya ka nagkaroon ng bukol code ko." patuloy niya "Houy! Kahit kailan hindi ako nagpapansin sayo! Ikaw lang naman 'yan!" sigaw ko sakanya "Bakit ka sumisigaw?" tanong niya. "Guilty?" tanong niya kaya napakamot ako ng ulo, papansin talaga. "Assumero!" sigaw ko sakanya. "Ikaw." tugon niya at tumayo ng maayos. Matalim lang akong nakatingin sakanya at pati na siya. Sige samaan mo lang ako ng tingin dahil talagang pagsisihan mo. "Miss Pogon?" sabay kaming napalingon kay Miss Kaluluwa at umayos ng tayo. Dalawa namin kami pero bakit apelyido ko lang ang tinawag niya? Nanginginig ako dahil sa gawang pagtingin ni Miss sa'min, parang sa tingin niya ay may something kami, at hindi naman mangyayari 'yan. "Ano'ng ginagawa niyo dito Mr. Salpo? All of your classmates ay nasa auditorium at kayo? Date date lang?" mabilis kaming napailing sa tanong ni Miss. Kita namin ang pagtaas ng kanyang kilay, ramdam ko ang pagkulo ng mga kalamnan ko dahil sa mala-tarsier na mata ni Miss na galit na galit na nakatingin sa'min. "Pumunta na kayo sa auditorium at simulan niyo na ang inyong parehong mga trabaho." "Po?!" sabay naming tugon ni Chazzé. Parehong trabaho? Wala akong kapareho! Masama akong napalingon kay Chazzé at gano'n din siya. "Bakit may angal kayo!? Kayong dalawa ang bagong assign sa pader dahil tanga-tanga kayo kahapon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD