CHAPTER 10

2070 Words
Napaupo ako sa sahig at mabilis na binuksan ang isang lata ng pintura, napatingin ako ng masama kay Chazzé at gano'n din siya sa'kin. Akala niya siguro ay ginagahan akong makasama siya. "Pwe!" anas ko at ibinalik sa pintura ang aking tingin. "Pasalamat kayo at agad na nag-order si Madam Soul ng mga gamit na gagamitin niyo. Wala na nga kayong ambag dito sa event na 'to ay tatanga tanga pa kayo pareho." panimula ni Miss. "Kaya ako sainyo pagbutihin niyo ng mabuti 'yang mga ginagawa niyo o hindi 70 ang magiging average niyo sa asignatura ko." daldal ni Miss Kaluluwa. Kung makapangaral naman siya sa'min eh parang hindi rin siya nagpakatanga ah. Palibhasa wala siyang jowa, sino naman kasing magkakagusto sa katulad ni Miss na nakatalikod palang ay alam mo na kung ano'ng kulo niya. Nakatingin lang ako ngayon kay Miss na papababa ng stage, gusto ko mang sumpain na mahulog nalang siya at gumulong sa hagdan pero huwag na dahil baka sa'kin pa maibalik ng tadhana. "Oh, bakit?" tanong ko kay Chazzé nang matalim siyang tumingin sa'kin. "May laro ako eh," bahala niya at napalingon kay Miss na ngayon ay nasa upuan na parang reyna kung makaupo ng taas noo. "Ano'ng pakialam ko sa laro mo? Gusto mo bang buhatin pa kita papunta doon o e-cheer?" sermon ko. "Sorry pero ayaw kong gawin ang bagay na 'yan." iling kong tugon at kinuha ang kanyang binuksan na puting pintura. "At lalong hindi ko naman kailangan ng cheer galing sayo," rinig kong tugon niya. "Sinabi ko ngang ayaw 'di ba?" pabalik kong tanong, bobo talaga. Ay! Ako lang pala 'yung bobo, peace nalang. "At tsaka wala naman akong pakialam kung umalis ka man kahit kailan mo gustohin dahil kaya ko naman 'to." "Kailangan ko nga ng tulong mo," sabi niya kaya mabilis akong napalingon sakanya. "Kailangan ko ng tulong mo para makapag-practice ako." "Asa ka!" natatawang sambit ko at ibinalik ang atensyon sa paghalo nung pintura. "Feeling close ka rin no? Hindi kita friend para tulungan kita at tsaka, enemy tayo! Kaya away lang tayo walang tulong-tulong." "Ahh alam ko na, ayaw mo akong tulungan kasi gusto mong kasama ako, ah okay! Okay lang 'yun!" mabilis ko siyang nahampas dahil sa sinabi niya, "Arayy ah!" sabay tawa. "Talagang aray!" turo ko sakanya nung kahoy na ginamit ko panghalo. "Kung magsasalita ka pa ng ganyan ay ipapakain ko 'to sayo." Akala niya naman siguro ay kung sinong sobrang gwapo, lamang lang naman siya ng isang ligo kay Yosi pero kay Yosi parin titibok 'tong puso ko. "Yosi lang malakas sa'kin!" Kita ko ang mabilis na pagtakip niya ng kanyang bibig dahil sa sinabi ko, bakit kung makapagreact siya ay sobrang wild. May masama ba? "Yosi? Nagyoyosi ka?!" tanong niya kaya napabuga ako ng inis. "Ah, alam ko na kasi naman--" napahinto siya dahil mabilis kong idinikit ang kahoy sa kanyang mukha. "Bonakid!" Natatawang tugon ko nang makita ang kanyang mukha na may guhit ng puting pintura. "So nagyoyosi ka nga?" balik niyang tanong. "Ano'ng brand naman? Hindi mo alam na nakakasama sa lungs 'yan at tsaka babaeng tao ka." "Mas gugustohin ko pang makasama 'yung Chazzé na cold kaysa mahilig mang-asar, 'yun nga papuntahim mo dito. Naiinis na ako sayo eh, baka iligo ko sayo 'tong isang lata ng pintura." pigil ko ng inis. "Hindi ako cold at tsaka huwag mong ibahin ang usapan, ano'ng yosi nga?" pamimilit niya. "Tumahimik ka! Tao 'yung Yosi hindi yosi na nilalaklak mo!" sigaw ko at ang naging dahilan ng pagkatahimik ng auditorium. "Tao 'yun!" "Miss Pogon?!" tawag ni Miss sa'kin. "Ano bang ginagawa niyo? Gusto niyo bang kayong dalawa nalang ang magtrabaho ng buong silid na 'to!?" malakas at galit na sabi ni Miss. Hindi ko na gusto pang makasama ang lalaking 'to parang mamatay ako sa inis. "Siya po kasi Miss," "Ano Mr. Salpo?!" tawag niya kay Chazzé pero wala man lang siyang imik at tumayo. "Ano'ng nangyayari, bakit nagyoyosi ba kayo? Ang batang bata niyo pa ah,!" Echos, chismosa din 'tong si Miss ah, paraparaan para malaman 'yung topic namin. "Wala po Miss, Yosi raw po kasi 'yung pinsan ni Tala. 'Yung may crush daw po sayo." napuno ng tilian at hiyawan ang buong sild dahil sa sinabi ni Chazzé. Maliban sa'kin ay mabilis kong napakuyom ang aking kamao, ano'ng crush?! Akin 'yon! "Bilisan niyong mga trabaho ninyo!" parang kinilig pa si Miss, naiinis ako sa hitsura niya at pati na kay Chazzé. "Miss!" hindi ko mapigilang tawagin si Miss dahil sa inis ko. Agad rin naman akong natauhan nang sumagot siya sa'kin, kita ko ang pagbago ng mukha ni Chazzé na ngayon ay nag-aalala sa mga pwedeng mangyari. Iniisip niya siguro na magre-wrestling kami ni Miss at si Miss ang magiging talo. Strong ako eh! Gusto ko mang matawa sa mga naiisip ko pero kailangan kong itaboy itong si Chazzé para magkaroon naman ako ng peace of mind habang nagtratrabaho. "Miss, gusto raw pong umalis ni Chazzé sa trabaho dahil may training daw po siya sa basketball." sabi ko. "Hoy!" tawag niya sa likuran ko. Pakunwaring ayaw na pero kung makahingi ng tulong ko kanina ay sobrang wagas. "Kung matapos niyo 'yang trabaho niyo ay pwede na kayong umalis, kahit pa na kayong dalawa ang umalis at maglaro ng magdamag sa court ay wala akong pakialam." napayuko ako dahil sa sagot ni Miss. "Pero Mis--" akmang sabat ni Chazzé nang patahimikin siya ni Miss para bumalik sa kanyang ginagawang trabaho. Isang balik na brush, dalawang halo ng mga pintura, akyat ng hagdan, at irapan sa isa't-isa ang ginagawa namin habang nagtratrabaho - pabalik-balil lang. Dahil naiinis rin ako sakanya at mas lalo pa, dahil nang-iinis din siya sa'kin. Talagang papansin siya, pero di bali na, hindi ko bet. Agad akong bumaba ng hagdan nang marinig ko ang malakas na tunog ng bell hudyat ng recess. Mabilis kong pinagpagan ang aking kamay nang maibalik sa lalagyan ng mga brush ang aking ginamit na paintbrush. Gano'n din ang ginawa ni Chazzé at mabilis na lumapit sa kanyang bag para uminom ng tubig. Napailing ako nang makita ang sarili na nakatitig sakanya, mabilis akong tumungo sa aking bag. Dahil nauuhaw at nagugutom na rin ako, nakakapagod magpintura lalo na't ang panget ng kasama mo. Hinalukay ko ng hinalukay ang aking bag nang makitang wala sa aking lalagyan ang aking wallet. Napatingin ako sandali sa aking harapan para mag-isip kung nasaan na 'yun, pero, wala talaga. Kahit saang sulok ng bag at nang mundo ay hindi ko makita kahit pa na gumamit ako ng microscope ay hindi ko mahahanap. Napatayo ako at ensaktong tumunog ang aking tiyan. Kita ko ang pagtingin ni Chazzé sa'kin at agad na tumayo. "Bakit?" tanong niya. Umiling ako bilang pagsagot, walang imik siyang tumalikod sa'kin at binitbit ang kanyang bag. "Pa recess ka na?" hindi ko mapigilang hindi magtanong sakanya dahil nagugutom at nauuhaw na talaga ako. "Bakit? Kung inaasahan mong sasama ako sayo pa recess ay hindi." mabilis na pagsagot niya, advance rin siyang mag-isip. "Nagtatanong ako ng maayos eh, at bakit sa tingin mo ba ay makikipag-recess ako kasama ka? Baka madura ko lang lahat ng kinakain ko." hindi ako magpapatalo noh. Pero chill dapat ako, kailangan kong makipag-friends sakanya dahil kailangan ko ng mga makakain. At kung pupunta naman ako sa kapatid ko ay klarong-klaro na itataboy lang ako nun. Walang awa 'yon, parang hindi ako kadugo. "Bakit nga?" inis niyang tanong sa'kin. "Bakit mo'ko tinatanong ng mga bagay na 'yan?" "Bawal ba?" tanong ko pabalik sakanya, siguro naiinis na rin siya sa'kin kaya nilagpasan nalang niya ako. "Chazzé!" tawag ko ulit. "May kasama ka bang mag-recess?" ngiting tanong ko sakanya. "Hindi ko kailangan," at nagsimulang maglakad ulit. Ang sama niya! "Hoy! May pera ka ba?" tanong ko kaya napalingon siya sa'kin. "May pera ka ba? Naiwan ko kasi 'yung wallet ko sa bahay kaya kailangan kong humiram ng pera sa'yo. May pera ka ba?" ulit ko. "Bakit manlilimos ka ba?" napasinghap ako dahil sa tanong niya. Gano'n na ba talaga ako ka-dugyot at ka-dungis para magmukha akong pulubi? "...dahil kung oo ay bibigyan kita, magkano ba ang gusto mo?" natatawang tugon niya sa'kin. Mabulunan ka sanang demonyo ka! "Hindi ako manlilimos, magpapalibre lang ako. Dahil... ayaw mo naman akong pahiramin at lalong hindi rin ako isang pulubi para bigyan mo ng pera. Ganda ko naman para maging isang ganyan." rinig ko ang pagtawa niya at mabilis na umalis. Wala talaga siyang awa sa'kin? Wala ba siyang kapatid, sabagay mukha palang niya ay hindi na sweet lalo pa kaya sa iba. Hawak ko ang aking tiyan nang tuluyang makalabas ng auditorium. Iginala ko ang aking mata pero wala na ang kaluluwa ni Chazzé, kailangan kong mahanap siya at mag-isip. Napangiti ako nang makita ang kaibigan niyang si Lion na ngayon ay buhat-buhat ang kanyang bola. Siguro galing pa siya sa kanilang laro dahil pawis na pawis pa siya. "Lion!" sabay takbo ko sa gawi niya. "Oh, Tala!" bati niya sa'kin at pinunasan ang kanyang noo. "Ano'ng atin?" sabay ngiti sa'kin. "Nakita mo ba si Chazzé?" tanong ko sakanya nang maka-isip ako ng maganda at effective na paraan. "Hindi eh, kakagaling ko lang sa court. Bakit?" Napakamot ako ng aking ulo bago nagsalita, "Inutusan kasi ako ni Chazzé," hinto ko. "...m-may pera ka ba o marami ka bang p-pera?" "Mayro'n naman, may malaking extra pa naman ako dito. Bakit daw?" mukhang mabait itong si Lion kaya mapapakinabangan ko 'to. "Kasi.... inutusan nga ako ni Chazzé uutang raw siya." gusto ko nang matawa sa sinabi ko pero huwag. "Hindi naman uutang si Chazzé sa'kin," iling niya "Mayaman 'yun Tala at kuripot pa. Hindi mo lang alam maraming pera 'yon." "Iba na kasi ang panahon ngayon, Lion." Kaya masanay ka na dahil kasalanan rin ng kaibigan mo 'to eh, ayaw niya akong e-libre kaya mangungutang nalang ako. Siya rin naman ang magbabayad. "Oo nga pala, iba na nga pala ang panahon ngayon." pagsang-ayon ni Lion at pinagpagan ang kanyang bola. "Hindi ko alam pero hindi nga nangungutang si Chazzé?" tanong ko ulit at tumango naman siya sa'kin. Para akong sirang plaka. Paulit-ulit nalang. "Baka kailangan niya lang talaga ngayon." dagdag ko. "Parang ngayon lang siya mangungutang sa'kin. Sa tagal na naming magkaibigan, hindi nga lang halata pero matagal na. Ngayon lang talaga sa araw na 'to." "Gano'n ba?" pagtango ko. "Magkano raw?" napakurap ako. "Singkwenta!" mabilis kong sagot, walang pagdadalawang isip ay agad rin naman siyang humugot ng singkwenta sa kanyang wallet. "Akala ko malaki," natatawang sabi niya. Dapat nga magpasalamat ka dahil hindi malaki ang inutang ko, diet ako eh. "Sige Tala una na ako!" paalam niya. Napatalon ako sa tuwa habang bitbit ang crispy bagong-bagong plantsa na singkwenta. Galing banko pa siguro ito. Dumiretso agad ako sa canteen at bumili ng pwede kong kainin. Napatingin ako sa labas habang kinakain ang aking biniling sandwich, transparent kasi 'yung canteen namin kaya makikita at makikita ko ang mga taong nasa labas. Habang iniinom ang aking biniling fresh juice ay palinga-linga ako sa paligid, "Nasaan kaya 'yung Chazzé na 'yun?" bulong ko. Nang matapos ay agad rin akong umalis dahil wala na akong pera baka ano pang makain ko. Wala na akong pambayad. "Hey!" tawag ko kay Chazzé nang makasalubong ko siya sa hallway. "Yosi, amoy araw ka saan ka galing?" tanong niya. "Si Tala ako at hindi Yosi." Si Yosi crush ko 'yun. "Pakialam mo kung ano'ng tawag ko?" talagang nagmataas pa siya. "Siya nga pala," pagkapit ko sakanyang bag para mapahinto siya sa paglalakad. Ang taas kasi ng biyas kaya hindi ko siya maabot. Talagang ang OA niya, pinagpagan niya pa ang kanyang bag nang inalis ko ang aking kamay. "Ano?" inis niyang tanong. Kailangan ko bang ma-guilty dahil nangutang ako gamit ang pangalan niya? "Ah wala," natatawang sabi, ayaw kong sabihin baka makatay pa niya ako. "Papansin ka talaga." sabay lakad niya. "Sino'ng may sabi?" "Ako, papansin ka kasi sa'kin." tugon niya at agad ko siyang hinabol. Napayuko ako nang makarating sa kanyang harapan, "Ang lakas mo namang maglak---" napanganga ako nang makita ang kanyang inilahad sa ere. "A-ano 'to?" utal kong tanong at agad na napahawak sa librong lahad niya. "Edi libro ano pa ba?" ngisi niyang tugon. Sarcastic! Alam ko pero bakit? Hindi naman ako nanghingi sakanya. Napatingin ako sakanya ng masama at agad na napahawak sa aking ilong nang mabilis niyang idinikit sa aking mukha ang libro. "Basahin mo 'yan dugyot." sabay lagpas niya sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD