CHAPTER 11

2186 Words
"May bayad ba 'yun dahil babayaran ko." nakatingin ako sa taas habang naghahalo nung mga pintura. Nasa bag ko na ang librong bigay ni Chazzé, pero hindi ako nag-expect na ibibigay niya ng libre 'yun-- ampanget kaya ng ugali niya. "Malamang bayaran mo, ano'ng akala mo free 'yun?" agad na sagot niya kaya napatango. Speaking, agad kong nabuksan ng mabilis ang kahel na pintura dahil sa inis ko sakanya. "Akala ko ba pinaglumaan na 'yun ng bookstore niyo?" tanong ko. "Bakit? dahil ba kapag luma na ang isang bagay ay wala ng bayad?" tanong niya galing sa taas. "May value din sila, mahal kaya 'yong mga 'yun." dagdag niya. Mabilis kong sinipa ng mahina ang kanyang hagdang ginamit. "Kapag mahulog ba ako dito ay sasaluin mo 'ko?" "Asa ka!" agad kong sagot. Gaya ng recess ay wala akong makain sa lunch, kailangan ko namang hanapin si Chazzé ngayon at makikisalo. Umuwi ng bahay ang aking magaling na kapatid at hindi ko alam kung ano'ng dahilan niya, baliw kasi 'yun. At ayaw ko namang pumunta kay Sunny dahil baka mapagalitan na naman ako, kaninang recess nga pinaalis ako dahil bawal raw. Para akong asong walang may-ari sa nangyari dahil sa gawang pagtaboy nila sa'kin, ang kapal ng mga mukha. E-che-cheer ko lang naman sana 'yong friend ko. At lalong wala na akong lakas ng loob para hanapin at umutang na naman kay Lion. Dahil alam kong sa mga oras na 'to ay pinagtatawan na nila ako ni Chazzé, pero walang may pakialam. "Wala ka bang kasama?" tanong ko kay Chazzé nang makita ko siya sa canteen. Para akong pulubi dahil sa kakapalan ng mukha ko. "Bakit ka ba sumusunod sa'kin?" tanong niya kaya mabilis akong napaupo sa isang bakanteng upuan na nasa harap niya. "Doon ka!" pagtaboy niya sa'kin. "Makikikain lang, ang damot mo naman." ngiting tugon ko at kinuha ang kanyang hotdog. "Kumakain ka pala ng hotdog? Talagang kumain ka nito dahil masarap 'to at tsaka hinay-hinay rin minsan dahil nakakamatay rin 'tong hotdog na 'to." daldal ko. "Maliit nga 'to pero maraming sakit ang maiidulot nito lalo na sayo." sabay subo nung hotdog niya. "Wala naman akong virus o kahit ano pa dahil naghugas na rin naman ako ng kamay. Ang sarap 'di ba?" dagdag ko sabay takip ng aking bibig habang nginunguya ang pagkain. Taas kilay siyang nakatingin sa'kin. Sige lang magtaas ka lang dahil kakain lang ako. "Ano bang gusto mo?" taas kilay niya. "Hotdog mo," para akong mabunutan ng tinik dahil sa naging sagot ko. Ano ba 'yon Tala! Shunga ma talaga! "H-hindi 'yun!.... Siguro.. o hindi 'yun.. basta hotdog gusto ko." utal ko. Mabilis naman siyang napatawa dahil sa sinabi ko, kaya sumabay narin ako. Tawanan to the max! Lord please, e-save niyo po ako sa lalaking 'to. Mabilis kong kinuha ang kanyang biniling juice at ininom ito, muntik na akong mamatay sa kakatawa nang kamapit ang hotdog sa lalamunan ko. Kita ko ang paglaki ng kanyang mata at mabilis na binawi ito sa'kin. "Damot mo naman," tugon ko, akala mo naman masarap, hindi naman. "God! Ginamit ko na ang straw na 'to!" pasigaw niyang tugon kaya napatawa ako. Nahihiya na ako, hindi ko na alam kung saang bahagi ng aking katawan ko ang pwede kong pagsidlan ng hiya. "Okay lang 'yan!" tanging sagot ko kaya nasapo niya ang kanyang noo. "Ang OA mo naman!" "Malay ko ba, baka may sakit ka at mahawa pa ako!" "Wala akong sakit!" inis kong sagot. "Meron! Iyang pagiging assumera, papansin at patay gutom mo ang sakit mo." tumango lang ako sakanya at mabilis na kinuha ang isa niya pang hotdog. Corny! Wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. Agad kong pinunasan ang aking bibig ng tissue nang maramdaman ko sa aking bulsa ang gawang pag-vibrate ng cellphone ko. "Hello?" malaki ang aking ngiti nang sinagot ang tawag ni Yosi. Pero naiinis rin ako sakanya dahil hindi siya tumawag sa'kin kagabi, pero ngayon ay okay na ang lahat. Apology accepted! ["Nag-lunch ka na?"] "Nag-lunch na, ikaw ba? Huwag kang magpagutom ah!" Kita ko ang matalim na pagtingin ni Chazzé sa'kin at umiling. "Kumain ka na?" pag-ulit ko. ["Don't worry about me Tala kakain rin naman ako. Hindi ka tumawag sa'kin kagabi ahh, may ginagawa ka ba? Hinintay pa naman kita."] Napayuko ako at mabilis na binitawan ang dalang tinidor, gusto kong tumili dahil sa sinabi niya. Kilig to the bones! "Busy kasi ako eh, naghihintay rin naman ako sayo pero hindi ka rin tumawag." kunwaring nanlumong tugon ko kaya napasubo ng mabilis si Chazzé. Wala naman akong pakialam sa lalaking 'to kaya maiinggit nalang siya. ["Busy rin kasi ako eh, HAHA. Pero free ako bukas hanggang weekend."] Mabilis akong napangiti, "Tumawag ka sa'kin ah! Siya nga pala 'yung babaeng nililigawan mo, kamusta siya?" kahit sakit sa loob ay tinanong ko parin sakanya, ang tamang gawin ko nalang siguro ngayon ay ang sumuporta at tanggapin ang aming tadhana--- kahit na nakakainis! ["Okay naman kami! Nagdate nga kami kagabi eh, kaya nga rin hinintay ko 'yung tawag mo dahil gusto kitang ipakilala sakanya."] Date? Okay lang naman 'yun. Sinabi niya rin na masaya siya dahil sa gawang pagsagot nung babae sakanya. Hindi rin naman daw mahigpit sakanya ang babae kaya okay na rin sa'kin. Sila na pala! Congratulations! Napahinto ako nang napatikhim siya sa kabilang linya. ["Ikaw huwag ka munang magbo-boyfriend ha, dahil bata ka pa, hindi mo alam kung paano masaktan."] Napatawa ako, ang hindi niya alam na kahit hindi pa ako nagkaka-boyfriend ay nasaktan na ako ng sobra. Sobra pa sa sobra! "Oo naman!" natatawang tugon ko. Hindi na rin naman ako bata, magse-seventeen na ako ngayong sunod na huwebes kaya normal lang sigurong masaktan na ako. ["Tala kailangan ko ng e-off 'to dahil nandyan na si professor eh. Bye!"] Bagsak kong inilapag ang aking cellphone nang mapatay na ang tawag. Tumingin ako ng masama kay Chazzé. "Brokenhearted?" tanong niya kaya mabilis akong napatayo. Mabilis kong tinahak ang hallway at pumunta sa likod ng library. Umupo ako sa ilalim ng acacia at agad na huminga, sila na kaya ng babaeng 'yun? Sila na ba talaga? Sinagot na daw kasi siya eh! Ibig sabihin, sila na talaga! Hindi niya man lang ako binigyan ng update ng mas maaga, ngayon pa talaga. Gusto ko sanang sumigaw pero huwag na, hindi ko deserve ang mawalan ng boses. "Ahh!..." malakas na sigaw ko at napaupo. "Sinabi ko nang ayaw kong sumigaw eh!" ngusong kong tugon at mabilis na tumawa ng malakas. Para akong isang babaeng tanga-tanga habang naglalakad sa hallway patungo sa saang lugar. Rinig ko ang paghilab at pagkulo ng aking tiyan dahil wala akong kinain. Hotdog lang kasi 'yon at nakulangan pa ako. Tumawag sa'kin si mama kanina pero sinabihan ko lang siyang kumain na ako, nawalan ako ng gana dahil sa sinabi ni Yosi sa'kin. Naiinis ako dahil agad niya akong binabaan, pwede naman siyang lumabas ng classroom nila para makausap ako pero hindi-- hindi nga man lang siya nagfollow up text.m sa'kin. Bago makarating sa auditorium ay nakasalubong ko pa si Miss Mai, hindi raw siya papasok sa'min dahil alam niyang marami kaming ginagawa kaya nagbigay nalang siya ng worksheet na kailangan kong i-distribute para bukas ng discussion. Naka-excuse kasi kami ngayong araw na 'to kaya nasa auditorium lang kami buong maghapon. Napatingin ako sa gawa namin ni Chazzé, in fairness maganda ang nagawa namin. Ang kaso marami pa kaming hindi napipintahan. Ewan ko ba kong makakagawa ako ng maganda ngayon, broken ako eh. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay agad akong napakanta ng mahina, busy naman 'yung ibang kaklase ko sa mga ginagawa nila kaya walang epal sa'kin. "Nadadama ang lungkot at puot hinagpis at ang pagkabigo at pasakit, Ngunit gaano ka man kalayo saking puso palagi ka ditong malapit," mahinang pag-rap ko. Gusto ko nang matawa dahil sa maling pag-rap, matagal rin naman kasi kaming nagmagkaibigan ni Leo, sakanya ko natutunan kung paano mag-rap ng wala sa tono. Pero nagbago at nawala din ang lahat simula ng umamin siya sa'kin. "Inisip ko kung bakit ganito ang langit, Nilayo ako sayo," gusto ko nang bumirit ng malakas pero nakakahiya. Magaling naman akong kumanta pero 'di nila knows, tanging pamilya ko lang at ang si Sunny lang ang may alam ng pinakatatagong talento ko. Sila nalang kasi 'yung natirang hindi judgemental sa mundo, pero excuse ang kapatid ko doon dahil isang dakilang demonyong epal 'yun. "Hindi ko matanggap mahirap magpanggap, Na ako'y hindi bigo ngunit di ko rin inaasahang mangyayari to, Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako," mabilis kong ibinaba ang aking dalang brush at huminga. "Ang tagal naman ng kegwa na 'yun." saad ko nang wala pa si Chazzé. Nasaan kaya 'yon, hindi ako nag-aksaya ng ilang segundo para lumingon sa aking likuran. Kung ayaw niyang pumunta at tumulong ay wala akong pakialam. Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan nang maramdaman ang laking kamay na humawak sa aking balikat. "May nangyari ba?" tanong niya sa'kin at umiling lang ako. Kegwang Chazzé! "Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa pabigla-biglang pagsulpot mo!" hampas ko ng brush sakanya. "Bakit ka naman aatakihin? Puwera nalang kung may ginawa kang masama laban sa'kin." Ibang klase 'din siyang mag-isip, pero natatakot ako dahil baka kanina lang siya sa likuran ko. At baka ay narinig niya ang boses ko, napaka-swerte niya naman kung gano'n. "W-wala, kanina ka lang ba?" tanong ko. "Kita mo namang bago lang ako dito 'di ba?" pilosopo! "Pero gano'n ba talaga ang magiging epekto kapag masaktan, iiwan nalang ako habang kumakain?" tanong niya kaya napairap ako. "Wala akong pakialam sayo, kaya huwag kang masyadong assuming na sasamahan kita hanggang sa matapos kang kumain." nagutom tuloy ako. Nakakainis! "Oh," Ngunit bago paman ako makalingon sakanya ay agad na nahagip ng aking mata ang isang malaking lunch box na may laman ng maraming pagkain. Natakam ako kaya napalunok ako. "Kainin mo 'yan, dahil ikaw lang marunong magpintura sa'tin at baka maging responsibilidad pa kita." dagdag niya "O-okay lang naman ako." kunwaring ayaw ko. "Ayaw mo?" paghawi niya. "Sino'ng may sabi?" mabilis kuha ko nung lunch box. "Mainit pa ah, saan mo nakuha 'to? Malinis ba 'to?" "Makikita natin pag tapos ka na." biro niya. Ang bastos! "Baka may lason 'to ah o baka naman ay.... isang gayuma." birong tugon ko sakanya. "Huwag kang assumera dahil hindi ako magkaka-interest sayo," diin at bigat na sabi niya. Ouch naman! "Hindi tayo bagay, hindi kita bet. Bakit kita gagayumahin?" patuloy niya. Aray to the bones! Nang matapos niyang sabihin 'yun ay hindi na niya ako pinansin. Pumunta siya sa gawi ko kanina at nagsimulang ihalo ang mga pinturang sinimulan ko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil wala naman akong pakialam, Yosi lang talaga ako. Pero masakit lang, baka gano'n din ang nasa isip ni Yosi sa'kin. Napayuko ako at tumingin sa laman ng box, may dalawang fried chicken, caldereta at may mga carrot and black beans din ito. "Ang yaman naman ng pagkain na 'to." bulong ko at nagsimulang sumubo nung isang carrot. Ang sarap! Binilisan ko ang aking pagkain at dali-daling uminom ng tubig ng maramdaman kong palapit na akong mabulunan dahil sa dali kong pagsubo. Ramdam ko ang pagtingin ni Chazzé sa'kin kaya napangiti ako sakanya. "Salamat! Ang sarap ng pagkain mo!" Nagtaas lang siya ng kanyang kaliwang kamay at hindi na ulit ako pinansin. Hanggang sa matapos ako sa pagkain ay nagpatuloy kami sa trabaho namin. Blurp! Kaya mabilis akong napatakip ng aking bibig. Pero agad din naman akong kinabahan nang sumulpot si Miss Kaluluwa. Pareho kaming nakatayo sa harap niya, nanginginig ako sa bawat galaw ng kanyang mata. Pinagmamasdan niya ang aming gawa, okay naman na ang ginawa namin. Malapit na rin itong matapos kaya siguradong akong masisiyahan siya diyan. "Okay, nice. You can go home." huminga ako at mabilis na lumingon kay Chazzé. Makikipaghigh-five na sana ako nang makalimutan kong hindi kami close. Sa araw na ito ay parang feel na feel ko, dapat nga akong mahiya sakanya. Napaka feeling close ko sakanya. "High five!" mabilis na agaw niya sa kamay ko nang mabitbit ko ang aking bag. "Eh... papansin!" saway ko sakanya at mabilis na hinawi ang aking kamay mula sa hawak niya. "Yuck!" parang baliw na tugon niya! Nang matapos kong maayos ang aking kwelyo ay agad inilugay ang aking buhok. Mas komportable ako kapag nakalugay ang lahat Ng hibla ng buhok ko. "Gusto ko kasing nakalugay ang aking buhok kapag naka-uniporme ako." tugon ko kay Chazzé nang mailagay sa loob ng bag ang aking pantali. Nakatitig lang siya sa'kin, parang hihigopin niya ako dahil sa kakaibang tingin niya. Hindi man lang ako sinagot ng mukong. "Huy! Share ko lang!" tapik ko sakanyang braso. Napailing siya, "W-walang may pakialam," sagot niya at nilagpasan ako. "Pero kung makatitig ka sa'kin, akala mo big fan mo ako." natatawang sabi ko. "Asa kang assumera ka!" sigaw niya. "Sa'kin nalang 'yung libro mo ha, regalo mo nalang sa birthday ko!" sigaw ko. Parang hindi niya yata narinig 'yun dahil nasa taas na siya palabas. "Mahulog ka sana sa hagdan." bulong ko. "Bilisan mo diyan!" rinig kong tawag niya at tumungo lang ako. _____________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD