CHAPTER 12

2166 Words
"Tala sa wakas ay maalam na ako!" malakas na tili ni Sunny nang makita ako sa classroom. "Alam ko na kung paano sumayaw na walang palya sa mga kahoy na 'yun." yugyog niya sa'kin. "Magandang balita 'yan, ibig sabihin...." hinto ko at hinintay ang kanyang sagot. "Ibig sabihin... sabay na tayong uuwi!" sabay talon at tumawa ng malakas. Parang baliw lang. "Ang lakas ng bunganga mo Sunny daig mo pa ang ingay sa EDSA." saway ni Quicky sakanya. "Mamatay ka na sana!" nang matapos niyang sabihin 'yun ay agad kong nahagip ang kanyang paningin kay Lion. "Guwapo 'di ba?" tanong niya at parang tangang tumili pa. Mabilis kong hinampas ang kanyang noo, "Illusion ka, may Quicky ka na. Ganyan 'din 'yung sinabi mo kay Quicky noong nagtransfer siya eh." "Hindi kami ni Quicky no! Asa naman siya, 'di ba Fat?" biglang tanong niya sa lutang na Fat na ngayon ay malayang nakakapaglampungan kay Lolli. "Mas bagay kayo ni Quicky, Sunny." tugon ni Fat at tumango tango naman si Lolli. "Oo nga," sang-ayon ko kay Fat. Kita ko ang masamang pagtingin niya sa'kin kaya napanguso ako. "Nakakainis kayo ha! Mabulunan sana kayo!" irap niya at tumawa lang din kalaunan. "Ewan ko ba! Ganito kasi kapag maganda." "Ewan," sagot ko at umupo na. Mabilis kaming tumayo matapos mag announce ni Miss Every tungkol sa mga magiging takbo ng week namin next week. Excited na tuloy ako! Tumango ako habang nakikinig kay Miss. "Enjoy your weekend and God bless everyone!" sabay ngiti niya. Napangiti narin ako at mabilis na bitbitin ang aking bag. Agad na nahagip ng aking mata ang mukha ni Chazzé na ngayon ay nakangisi sa mukha ni Lion. Nagkibit balikat ako, "Tara," hila ko kay Sunny, dahil gusto pang makipag-away kay Quicky. Hindi na bago sakanila ang ganyan. Bago pa man ako makahakbang sa harap ay agad na tumulapon ang aking noo sa likuran ng aking kaklase. Hindi kasi madala sa paliwanag 'tong mga kaklase ko at gusto pang makipagtulakan. Napa-angat ako ng tingin nang makitang si Chazzé ang nasa harapan ko. Kita ko ang pagtawa niya nang makitang hawak-hawak ko ang aking noo. "I told you, lumayo ka rin minsan sa'kin dahil hindi ko talaga maiipangako na hindi ka masasaktan." tawang tugon niya, parang playboy lang. Hindi naman. "Feeling ka!" agad kaming natauhan nang makita ang mala-tsismosang mukha ng aking mga kaklase. Talagang hindi pa sila lumabas para makinig sa'min. "Hi, ano ba ako lang 'to!" mabilis kong saway para mawala ang tensyon sa loob ng silid. "Section Iron please watch yourself, makakalabas naman kayo. Dahan-dahan naman para walang sakitan." rinig kong tugon ni Miss kaya napatigil ang lahat. Isa-isang nagsi labasan ang lahat hanggang humupa na ang bagyo sa loob, nanatili akong nakadikit sa pader dahil hindi ako pinapaalis ni Sunny. Wala na rin naman sila Chazzé at wala na rin si Miss, kaya malaya na akong makapaglock ng pinto. "Ano'ng point mo?" tanong ko kay Sunny nang tanungin niya ako kay Chazzé gamit ang nanliliit niyang mata. "Wala ba talaga, akala ko ba magkaaway lang kayo?" tanong niya at mabilis ko siya hinila palabas. "May benefits na pala." dagdag niya "Oo nga, ano bang iniisip mo? Na, magiging ka-ibigan ko 'yun, mahuhulog ako at ano... Yuck!" inis kong tampal nung lock kaya napatigil ako sa sakit. "Wee? Baka crush mo na 'yun, okay nga 'yan para makalimutan mo na 'yung asungot na Yosi na na'yun na walang ginawa kundi ang paiyakin at saktan ka." singhap niya pa at inilagay sa kanyang braso ang aking kamay. "Update mo lang ako ah, support naman ako." patuloy niya kaya napataw ako. "Ang baliw mo, hindi nga mangyayari 'yan. Classmate at enemy kami, okay?" pagalit kong sabi. "Puntahan kaya natin sila sa court, paniguradong napapawisan na 'yun at kailangan na nun ng tigpunas at cheerleader niya." sabay kilabit niya sa gilid ko. "Ikaw nalang," malamig na tugon ko. "Wala akong gana ngayon, pagod ako. Wala naman si Glen sa practice." "Baliw ka, si Chazzé ang e-cheer -cheer mo." saway niya sa'kin. "Ikaw nalang." lamyang sagot ko. "Talagang pupunta ako. Gusto kong masilayan si Lion sa huling pagkakataon ng araw na 'to dahil Sabado na bukas at may practice ako." ang pangit naman ng kaibigan ko, talagang para-paraan din. Nang makarating kami sa court ay agad na nahagip ng aking mata si Chazzé na nakasuot ng blue na jersey at katulad ng numero niya noon ay 16 padin. Hindi siya nakatingin dito dahil busy siya sa pagdri-dribble. Inis akong nakatingin sa kaibigan kong makapal ang mukhang chini-cheer na si Lion. Kita ko ang pagkaway niya kay Sunny kaya para itong jelly na gumigiling. "Galingan mo Lion ko!" sabay talon ni Sunny. Yuck! Marami na ring mga taong nakatingin kay Sunny at ang iba naman ay masamang nakatingin sakanya. Siguro mga fan at may crush ito kay Lion kaya galit. Hindi parin nagpatinag si Sunny, kahit ano'ng tawag ko sakanya mula sa likuran ay hindi siya lumilingon sa'kin. Nakakainis talaga ang babaeng 'to nakakahiya. Dahil hindi ko na carry ang hiya at agad akong pumunta sa isang grupo ng babae, makiki-grupo ako sakanila. Ayaw ko ng lumapit kay Sunny baka masali pa ako sa kalandian niya, nakakahiya. "Lion go! Ibagsak mo 'yang si Chazzé!" agad akong napabulwak ng tawa nang marinig ang sigaw niya. Paano'ng bagsak eh magkakampi sila? "May lovelife na 'yan kaya ibagsak mo na!" Agad na nag-iba ang tingin ng mga tao at ang iba ay napahinto sa pagche-cheer dahil sa sinabi ni Sunny. Kita ko ang masamang tingin ni Chazzé sakanya at agad namang napatawa. Ang cute niya sa paraang pagtawa niya habang nakatingin kay Sunny pero wala parin akong pakialam. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Sunny at hinila ito paalis. "Daig mo pa ang lasing kung makasigaw ka kanina." saway ko kay Sunny nang sumubo ng fishball. "Iyon lang naman kasi 'yung maaring tulong ko sayo para maging malapit kayo ni Chazzé at huwag ka ng umasa pa kay Yosi." napaubo dahil sa sinabi niya. "Ayaw mo nu'n, may kaibigan kang makapal para maging daan at gabay mo sa magiging love story mo." sabay subo niya. "Seryoso!? Ang baliw mo, kay Yosi lang talaga ako." "Basta may time rin," Ano'ng sinasabing time nito? Parang ewan. "Hindi ko na alam kung ano'ng sasabihin ko kay Lion kapag magtanong siya, nahihiya rin ako." natatawang sabi niya kaya napatawa na rin ako. Agad akong nagmano kay papa nang makita siyang nagdidilig sa labas. Napasinghap ko dahil sa paggulo ni Glen sa aking buhok. "Sarap mong patayin!" sigaw ko kay Glen nang makapasok ako ng bahay. "Away na naman?" pambabanta ni mama sa'min mula sa kusina. "Tala, masamang pumatay." alam ko mama, pwede kong legal ang pumatay unahin ko si Glenarios. Mabilis akong napalapit kay mama at nagmano, "Alam ko po," sabi ko at umupo sa lamesa. Bago ako umupo ay kinuha ko ang Nutella at sandwich sa refrigerator dahil nagugutom ako. "Mama may kanin po ba?" tanong ko at sinubo ang aking gawang sandwich. "Meron, bakit?" "Mama kakain po ako." subo ko ulit ng sandwich, mabilis ko itong inilayo Kay Glen nang akmang kukuha siya. Agad naman siyang nagsumbong kay mama kaya wala akong choice. "Maglaba ka doon Glen, yung mga labahin mo ang dami na. Kasing laki na ng bundok ang mga 'yun." natawa ako dahil sa sinabi ni mama. "Mama naman eh, bukas na po." mabilis siyang tumakbo at hindi ko man lang alam na kinuha na niya ang pagkain ko. "Blehh!" mabilis na kumulo ang dugo ko dahil sa p*****a niya. Tatakbo na sana ako papunta sa kwarto ni Glen nang bigla akong tawagin ni mama para tawagin si papa dahil may trabaho pa raw siya sa estasyon. Isang propesyonal si papa, siya ay isang pulis sa katunayan ay kaka-promote niya lang nung last year kaya mas naging komplikado rin ang schedule niya. Madalas ay hindi siya nakauwi dahil sa mga iba't-ibang kailangang ayusin at tapusin. Pero kahit ganyan ang situation ni papa ay hindi parin naman siya nawawalan ng oras sa'min lalo na sa mga bulaklak niya sa labas. Sa halip na matulog siya pagkauwi ay mas piliin niyang makipag-kwentuhan sa'min o minsan naman ay kumakain kami sa labas. Sarap lang pagmasdan at pakinggan na wala kaming isang katiting na issue dahil mabait ang mga nagulang ko. Isang licensed dermatologist si mama pero mas pinili niyang magpatayo ng salon dahil doon daw siya masaya. Inakbayan ako ni papa nang pumasok sa bahay, papalubog narin ang araw. Matagal kaming nakapasok pareho ni papa dahil pumunta pa siya sa bahay nila Yosi at ako naman at naghintay lang sakanya. "Talaga po pa!?" gulat kong tanong nang sinabi niyang bibilhan niya raw ako ng isang set ng pintura ang at canvas. "Salamat po!" "Ano na naman 'yan?" sabi ni mama sabay saling yakap sa'min. "Bakit tuwang tuwa ang dalaga?" "Mama bibilhin ako ng canvas at pangdrawing ni papa." sagot ko sakanya. "Akala ko ba mga libro ang ipapabili mo sa papa mo?" takang tanong ni mama. Agad na nabasa ni mama ang aking tingin kaya napatawa sila. "Ang wais ng bata!" sabi niya at binuksan ang TV. "Sige na mama, ikaw nalang po ang bumili sa'kin ng libro. Natapos ko na pong basahin lahat ng libro sa taas kailangan ko na ng bago." ngusong sabi at umupo sa sofa sa harap ng TV. "Ako rin po mama, huwag po kayong favoritism!" maktol ni Glen at napatawa kaming tatlo. "Ang easy lang naman kasi ng hinihingi mo bakla kaya ako na mauna." sabi ko kaya napaupo siya sa tabi ko. Mabilis niya akong sinipa kaya kinalmot ko ang paa niya. Hindi man lang siya nasaktan sa ginawa ko. "Bakit ano bang gusto ng juniora ko?" tanong ni Papa. "Papa gusto ko po ng isang set ng personal computer dahil malapit nang masira ang isa ko dahil sa luma na rin ito." ngusong tugon niya at hinintay ang oo nila papa't mama. Noon ay ang gusto niya lang hingin parati ay isang malakas na internet connection para sa paglalaro niya ng league of legends, hindi ako maalam sa mga ganyan kaya okay narin dahil mas bongga pa ang akin. "Oo naman," sabay na tugon nila mama kaya para akong isang punching bag dito dahil sa halos patayin na ako ng kapatid ko dahil sa tuwa. Pasadong alas otso ay pumasok na ako sa aking kwarto, si Glen ang naghugas ng mga pinagkainan namin dahil siya 'yung nahuling kumain. Agad akong lumapit sa bintana habang hinihintay ang tawag ni Yosi. Napalingon ako sa aking cellphone nang tumunog ito, nalungkot ako nang makitang ang group chat lang namin. Nagback-read ako para hindi ako maging out sa topic at chismis. Nagpla-plano pala sila na pumunta ng school bukas dahil hindi paraw tapos ang kanilang trabaho. [Me: Huwag kang pumunta bukas sa school dahil hindi ako pupunta, baka magsumbong ka kay Miss at mapagalitan ako, for sure 75 na naman ang grade ko sakanya.>.] Napakunot ang aking noo dahil sa sagot niya sa'kin. So, pupunta siya sa school bukas, bawal kasi ako bukas dahil tutulungan ko si mama sa salon at may lakad kami sa hapon. Nakakainis naman! Me: [Huwag ka nalang pumunta dahil wala nga ako.] Inis ko itong inenter at sent. Hindi matagal ay nagreply din siya. Mr. Bukol: [Bakit kita susundin?] Ay talagang sinasagad ako ng lalaking 'to. Me: [Sumunod ka sa'kin dahil team tayo, gago ka?] Me: [Kaya huwag!] Natatawa ako sa chat ko pero enter ko parin! Mr. Bukol: [Mas gago 'yung hindi piliin.] Namemersonal na siya, kumirot tuloy ang dibdib ko. Mabilis akong nagtype. Me: [Asahan mong ikaw rin.] Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil nasaktan ako nang maalala ko ulit si Yosi. Naiimagine ko kasing magkasama sila nung babae habang tumatawa, holding hands while walking, bulungan at lambingan. Hindi ko kayang hindi mag-isip sakanila. Zzz.. Tinalian ko ang buhok ko dahil sasama ako kay mama ngayon sa salon. Para naman makahingi ako ng pera para pambayad kay Chazzé, may pera naman ako pero takot akong gastusin 'yun dahil nag-iipon ako para makabili ng album ng Twice 'yung kpop dahil idol namin 'yun ni Sunny -- simula noong una palang sila. Ereregalo ko rin sakanya ang isa. Sinubo ko ang hotdog habang kumukuha ng tubig sa ref. Hindi sumabay si Glen dahil as usual maagang natulog 'yun. Agad kong kinuha ang aking cellphone na nakacharge sa tabi ng TV nang tumawag si Sunny. "Hindi ako sasama Sunny dahil tutulong ako sa salon at may lakad kami mamaya." tanging oo lang ni Sunny ang narinig ko at sinabihan ko siya ng mag-ingat siya at gano'n din siya. Inilipat ko ang aking atensyon nang nagpop-up ang chat head ni Chazzé, "Okay lang..." hindi ko natapos basahin ito nang tawagin ako ni mama. Nang maibalik ang tingin ay mas nagtaka ako, nacurios tuloy ako dahil sa nabasa ko. Chazzé Mr. Bukol unsent a message.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD