CHAPTER 13

2235 Words
"Glen bangon na! Ang mga labahin mo nasa likod na!" bunganga ni mama mula sa kwarto ni Glen. "Bangon!" pag-ulit niya. Agad kong isinilid sa aking bag ang aking cellphone at napag-isipan na huwag na lang pansinin ang unsent message ni Chazzé. Walang kwenta naman 'yun. "Mama sama din ako sayo," antok na antok na tugon ni Glen. Napalingon ako sakanya at agad na tinapon ang unan na nasa couch. "Ang sakit ah!" saad niya. "Mama ipalaba mo rin sakanya 'yang kumot na ginamit niya sa paggapang sa sahig." agad din siyang napatayo sa sumbong ko at yumakap kay mama. "Huwag kang OA diyan Glenarios, maglaba ka at kumain ka nasa lamesa ang pagkain." paghawi ni mama sakanya at agad naman akong napatawa sakanya. "Ano ba 'yan! At tsaka uuwi naman 'tong ate mo paglunch na." dagdag ni mama habang inaayos ang kanyang bag. Alam ko dahil kailangan kong paglutuan ang baklang Glenarios. "Mag mop ka!" huling tugon ni mama sakanya nang makalabas kami ng bahay. Mamayang hapon pa ang uwi na papa, kaya mag-isa sa bahay si Glen. Minsan ay pumupunta ang mga kaklase niya para maglaro ng basketball, may court kasi sa bandang garden namin kaya malaya silang naglalaro. Gustohin ko mang pagsabihan at pagalitan si Glen tungkol sa mga kaibigan niya pero huwag nalang dahil wala rin naman na siyang ibang kalaro. Naaawa rin ako minsan kay Glen dahil parang ATM siya na palaging niwi-withdrawhan ng mga kaibigang walang ambag. Kaya ayon, palaging ubos ang allowance. Kumaway muna ako sa busangot na mukha ni Glen bago sumakay sa sasakyan. Si mama ang nagdri-drive, malapit lang rin naman ang sentro kaya okay lang. "Nandito parin po ba sa Laguna naka-assign si papa, ma?" tanong ko kay mama at agad naman siyang tumango. Nung huling taon kasi ay nasa Visayas naka-assign si papa bago pa siya napromote. Natatakot rin kami kapag pumupunta ng estasyon si papa kasi hindi maiiwasan ang kaba namin sa dibdib na malalayo siya sa'min, pero tiwala naman kami sakanya. "Ilagay mo sa lang 'yan sa ilalim ng counter," ani mama nang maibigay sa'kin ang kanyang purse bag at agad na akong nagtungo doon. "I-lock mo 'yung cabinet." dagdag niya pa. Nagsidatingan narin ang mga kasamahan ni mama ensaktong pagtapos kong ilock ang cabinet. "Hi Tala!" bati sa'kin ni Lolo Gilbert, ang janitor dito sa salon. "Magandang umaga rin po Lolo! Kumain na po kayo?" tanong ko sakanya kaya napahawak siya sa ulo ko sabay ngiti. "Ang bait na bata, salamat pero tapos na ako." sabay punta sa CR at kinuha ang mop. Isang mabuting katiwala si Lolo Gilbert, alangan naman siya lang naman ang mabuting Lolo ni Sunny. Nasa abroad ang mama ni Sunny at nasa Visayas ang papa niya. Hindi ko lang alam kong saang lupalop ng Visayas dahil Wala namang sinasabi si Sunny sa'kin. Bunsong anak si Sunny kaya panigurado akong mahal siya ng pamilya niya at lalo na ni Lolo Gilbert. Napatingin ako sa gawi ni mama na ngayon ay nakikipag-usap sa isang costumer. Napaupo ako sa high chair, sa counter kasi ako inas-sign ni mama. Patingin-tingin lang ako nagsi-datingang costumer habang tumitingin sa mga costumer at kumakain ako ng chips. Marami kaming costumer kapag weekend at lalong rarami pa ito hanggang hapon. Sa awa ng diyos ay kahit ni isa ay wala namang nakaaway si mama na costumer niya. In fairness mabait ang aking motherland ko, matsismosa at mabunganga nga lang pero kahit gano'n tama naman 'yung nasasagap niyang mga balita. "Tala!" mabilis akong napalingon sa gawi ni mama nang tawagin niya ako. "Bakit na naman?" kanyang tanong ko. "Bilisan mo!" tawag niya. Inis kong inilapag ang aking kinakaing chips at agad na lumapit sakanya. Agad na nahagip ng aking mata ang mama ni Leo, nakangiti siyang pinagmamasdan ako kaya gano'n din ako sakanya. Ano'ng ginagawa ng mama niya dito? Sasabunutan siguro ako? "Hi po, auntie!" bati ko sakanya at nagmano. "Ito na ba si Nathalia!?" gulat niyang tanong habang hawak ang kamay ko. Sabagay, maganda ang naging glow up ko dahil naging maalam na ako kung paano gumamit ng makeup kaya hindi na ako magtataka sa magiging reaksyon nila. Kilig to the bones! Totoong ngayon lang ako nakitang muli ni Auntie Mercedes dahil galing pa kasi siyang Cebu, matagal na rin 'yun para magtrabaho. "Dalagang dalaga kana hija, noon ay pinapalo ka pa sa p***t ng mama mo. Dalaga ka na ba?" Hindi na bago ang ganitong greetings ng mga auntie mo kapag magkikita kayo. "Dalaga na 'yan noong 14 pa." sagot ni mama sakanya. "Ang bata niyang nagdalaga ah, ako ay late ako nun 16 kasi ako nang nagkaroon ako." natatawang sagot niya. "Oo nga eh malaki na nga, dalaga na pero kahit walis ay hindi alam kung paano gawin. Pero kung makatutok sa cellphone at maka-makeup sa mukha ay parang daig pa ang propesyonal." daldal ni mama kaya masam akong tumingin sakanya. Ngayon nga lang ako natutong mag-makeup mama! Sinisira mo ang reputasyon ko sa mama ni Leo. "Gano'n naman talaga pati nga anak ko eh," sumbong niya rin kay mama. Anak ba nila talaga kami, bakit nila kami nilalaglag sa ibang tao? Nakakahiya! "Ilang taon ka na ba hija?" tanong ni Auntie Mercedes. "16 na po ako," ngiting tugon ko sakanya. "Magse-seventeen na ngayong huwebes pero isip bata parin." mama naman! "Kaedad niya lang pala ang anak ko! Pisces kilala mo ba si Leo Arlan?" Tango akong sumagot. "May nililigawan na ba 'yun?" tanong niya sa'kin. "Hindi ko po alam auntie eh." tawang sagot ko. Kung alam mo lang na kasali sa nabusted ko ang anak mo, syempre hindi mo malalaman. "Ang alam ko po ay na-busted po siya pero may bago raw na po siyang nililigawan ngayon." balita ko lang 'yon dahil 'yon naman 'yung sinabi niya sa'kin nung nakaraan. "Ang bilis ng genes ng anak mo mare!" manghang tugon ni mama sakanya. "Halatang ikaw nga ang nagpalaki." kakaibang joke 'yun ah, kung ako 'yun mahuhurt ako. "Ikaw ba Nathalia may boyfriend ka na ba?" Napatawa ako dahil sa tanong ni Auntie. "Paniguradong wala pa dahil strict si mareng Psy." tingin niya kay mama. "Okay lang naman mag boyfriend pero kapag nasa legal na edad na." tawang tugon ni mama at umirap lang ako. Wala naman akong plano. Gustohin ko mang magstay sa salon hanggang hapong uwi ni mama pero ayaw niya talaga dahil baka masunog daw ang bahay lalo pa't tanga-tanga 'yung magluto si Glen. One time ay nagluto siya puro sunog ang inihain sa'min, alam kung katudo dutdot 'yun ng cellphone niya kaya nasunog. Hindi na ako inihatid ni mama at nag-commute nalang pauwi ng bahay. Bente lang naman ang pamasahe kaya okay lang. Okay na sana 'yung nandoon ako, maraming pogi ang nagpapakulay ng kanilang buhok. Pero epal ang mama, talagang pinauwi ako, baka nga 'yon na 'yung chance ko para makahanap at makalimutan si Yosi pero hinaharangan pa ni mama. "Nakarating ka na sa bahay anak?" bungad ni mama sa'kin nang sinagot ko ang tawag niya. "Opo mama," sagot ko sakanya. Umo-o lang siya sa kabilang linya at agad na pinatay ito. Mangiyak-ngiyak kong hiniwa ang onion, inilayo ko medyo ang ulo ko para huwag mapunta sa mata ko ang anghang. Naalala ko pa 'yung estorya ng isang prinsesang palaging tumatawa na ang tanging nagpaiyak lang sakanya ay ang maliit na sibuyas bombay na 'to. Paboritong basahin ko 'yun nung nasa elementarya pa ako, parang tanga-tanga lang. "Tumahimik ka Glen!" agad kong sigaw kay Glen nang maupo siya sa upuan at daldal ng daldal tungkol sa kanyang crush. "Bakit ate, inggit ka?" pang-iinis niya sa'kin. "Bakit naman ako maiinggit? Ni hindi ka nga pinapansin ng babaeng 'yan." sagot ko sabay layo nang tumasil ang mantika. "Kakainis!" bulong ko. "Kaysa naman sayo noh, nakakasama mo nga pero hindi naman naging endgame." mabilis akong napalingon sakanya at binato ng bawang. "Kung makapagsalita ka ah, huwag kang ganyan sa ate mo baka hindi kita lutuan." dabog kong sabi sakanya at ibinalik ang tingin sa niluluto kong adobo. "Tanga ka!" "Pasensiya na po... ate Nathalia." mabagal at parang batang sambit niya. "Huwag mo 'kong tawaging Nathalia!" saway ko sakanya nakakapangilabot kasi lalo na't hindi ka nasanay. Nakakapanibago dahil sana'y lang akong tawaging Pisces at Tala, pero hindi sa malanding second name ko. Nathalia? Ew! Habang nagluluto ay gusto ko ng umiyak ng umiyak. Inaamin ko nasaktan ako sa sinabi ng kapatid, kahit kailan talaga ay panira ang baklang 'yon. Pero hindi ko na inintindi dahil baka mawalan pa ako ng ganang magluto. Nang matapos akong magluto ay tudo daldal parin ang kapatid ko. Ang bobo raw kasi ng mga kalaro niya at gusto niya na raw ng bagong kalaro. "Bakit hindi 'yang crush mo ang gawin mong kalaro? Isasali mo pa ako." sabay lapag ng ulam naming adobo at hotdog. Hindi bagay ang ulam namin pero ito lang kasi ang alam kong lutuin sa ngayon. "Ayaw ko nga, at hindi naman manlalaro 'yun." sabay kuha niya ng juice sa refrigerator. "Taga cheer lang 'yon sa'kin." "Sa tingin mo ako manlalaro?" pabalik kong tanong sakanya nang makaupo siya sa harapan ko. "Wala akong alam sa mga ganyan kaya huwag mo akong isasama sa mga bagay na 'yan." "Pwede ka namang turuan ate at ako naman 'yung magtuturo sayo." sabay lapag ko ng kanin sakanyang plato. "Ang dami naman!" dabog niya nang lagyan ko ng maraming kanin. "Bakit carb diet ka? Tumahimik ka kung ayaw mong isumbong kita kay mama." sabay inom ko ng tubig. "Sige na ate please...." "Ayaw ko nga, hindi ako marunong period." sagot ko kaya natahimik siya. "Kainin mo!" diing sabi ko sakanya nang tangkain niyang ibalik ang ibang kanin sa lalagyan nito. Kita ko ang parang batang pagsubo niya nung pagkain. Matapos magman-man sa kapatid ko ay naubos din naman niya ang mga ito at nag add on pa. Pakunwaring ayaw. Naghugas ako agad ng mga pinagkainan namin at umupo sa harapan ng TV. "Ate?" tawag niya sa'kin kaya inis akong napalingon sakanya. "Pupunta dito ang mga teammates ko ha, nagpaalam na ako sayo." tumango lang ako sa paalam niya at agad naman siyang tumakbo palabas ng bahay. "Ang ganda talaga ni Sana," sabay hikab ko at humiga sa sofa. Magtatatlong minuto rin akong nakaharap sa TV habang nanunuod ng mga music videos ng Twice. Kung nandito sana si Sunny ay talagang tudo hiyaw at tili na 'yon kay Dahyun. Napag-isipan kong huwag nang manuod dahil inaantok na talaga ako, ipagpapatuloy ko nalang bukas. Kailangan kong matulog lalo na't pupunta na naman 'yung mga asungot na mga kaibigan ni Glen dito. Feeling hari pa naman 'yung mga asungot na 'yun. Akala nila sila 'yung may-ari ng bahay sarap katayin. Agad akong napaupo sa aking kama nang makarating sa aking kwarto. Nakanguso akong habang nakatingin sa aking cellphone na nasa study table ko. Hindi man lang ito tumunog kahit isa, sinilip ko ito pero wala ring text galing sakanya. Tanging notification lang ng f******k at tunog ng messenger ang mayroon. Napangiti ako nang makita ang bagong text ni Sunny. Neneng: I lab yow! Sayang wala ka dito, masayang masaya ang naging practice namin lalo na't nandito si Lion. ^~^ Neneng: Pero naiinis rin ako kasi nandito si Quicky. *Insert sad face and pout. Baliw na talaga! Napailing nalang ako sa naging text ni Sunny at umiling. Agad rin na lumilipad ang aking utak kay Yosi kaya napasimangot ako. "Ano kayang ginagawa ni Yosi ngayon sa Paris?" tanong ko sa hangin sabay higa. Gumagala kaya sila ng babaeng 'yon? Kumain na kaya siya o baka hindi na siya kumakain sa tamang oras dahil inaalagaan niya ang babae. Napanguso nalang ako sabay yakap sa aking unan dahil sa mga naiisip ko. "Baka nagsubuan sila? Ako lang ang pwedeng magsubo sakanya!" inis kong tugon. "Ate nandito na ako!" rinig kong sigaw ni Glen sa baba. Agad akong napabalikwas ng bangon at bumaba. "Bakit?" takang tanong niya nang makita ako. "Baliw na!" Humilig ako sa pader sabay tingin sa aking kapatid na nakangiti sa sakanyang cellphone. "Bakit ba sila nandito na naman? Last weekend nandito sila, tapos.. ngayon ay nandito na naman sila? Bakit para makalibre at makalibre ng aircon?" galit kong tanong bago lumapit sa refrigerator. "Hindi mga kaibigan ko ang pupunta baliw, mga ka-teammates ko nga." inis niyang sagot. "Kahit na, kaibigan mo parin 'yan! Akala mo naman kapamilya natin 'yan kung makakain ng mga pagkain natin." inis kong tanong. Talaga naman kasing naiinis ako kapag pupunta ang mga kaibigan niya dito, hindi dahil wala akong manners.... kundi ayaw ko lang talaga sakanila. "Huwag ako ang pagalitan mo ate, 'yung ka miyembro ng master namin dahil hindi siya pinayagang pumunta sa school para magpractice. Akala mo naman jowa kung makapagbawal sa master namin." sagot niya sa'kin kaya napaayos ako ng tayo. "Ano?!" "Ewan ko!" sagot niya at mabilis na lumabas. Napatingin ako sa labas ng bahay nang marinig ko ang tawanan ng mga lalaki. Apat lang ang nasa labas, lumapit ako sa bintana at dahan-dahang sumilip doon. Kita ko ang maligayang pagbati ni Glen nang makalapit sakanila. Mabilis akong napatakip sa aking bibig dahil sa gulat nang makita ang isang nakaitim na lalaki. Kinabahan ako sabay upo ako sa sahig nang makita ang paglingon niya sa aking banda. Ang isang hari ng mga hari ng mga asungot ay nandito, bakit, ka-team ba siya ng kapatid ko? Team Libran ba si Chazzé? Parang hindi naman. "Master!" rinig kong tawag ni Glen sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD