Chapter 14

2150 Words
"Nandiyan ba 'yung ate mo?" rinig kong tanong nung isang lalaki. Alam kong hindi kay Chazzé ang boses na 'yon, iba ang boses ni Chazzé eh parang barumbadong mambubukol. "Nasa loob nga nagdra-drama," talagang napakapogi ng kapatid ko, sarap niyang sabunutan dahil sa sagot niya. "Best in actress 'yun ng bahay, daig niya pa si Nora Aunor." "Ano'ng drama?" napakurap ako nang magtanong si Chazzé. Nasa sahig parin ako nakaupo, hawak ko ang kurtina na nakasabit sa bintana. "Ano?" "Walang kwenta 'yun master, huwag mo nang isipin." natatawang tugon ni Glen kaya napatawa ang lahat. "Pasok na po tayo," magalang na sabi ni Glen sakanila. Plastic ng kapatid ko, ako nga ay hindi man lang ako ginalang pero kung sa mga asungot ay galang na galang siya. Tangina niya! "Ang ganda ng ate mo Glen, wala ba 'yung jowa?" Sino ba 'tong taong 'to? Rinig ko ang pagwala ng tawa ni Glen kaya napakamot sa ulo ang lalaki. "Pwede bang ligawan 'yun?" Halos mapaubo ako dahil sa sinabi niya, ang kapal. Hoy! Nandito lang po ako. "Wala naman sigurong nagmamay-ari nun kaya liligawan ko." dagdag niya. May nagmamay-ari na sa'kin, kaya huwag na! "Daig pa ng mama ko ang bunganga nun, sige ka." Sige lang Glen ganyan dapat, sirain mo ang pangalan ko para hindi siya magka-interest sa'kin. "Pero okay lang 'din brokenhearted 'yun eh, try to comfort her bro." Sarap ni Glenarios! Tanging tawanan nalang nila ang narinig ko sa labas, gusto ko nang umakyat papunta sa taas pero natatakot ako baka makita nila ako. Mas bumilis ang t***k ang ng puso ko nang makitang papasok na sila, napakapit ako ng mahigpit sa kurtina at tumingin sa kanilang gawi. Nakaupo sila ngayon sa sala, 'yung isang lalaki ay nasa mga larawan ko nakatingin. Sino ba siya? Hindi ko alam pero nahihiya ako sakanila ngayon, mabuti at hindi mahilig makipag-chismis si Chazzé kaya nakaupo lang siya sa sofa. "Nasaan dito ang ate mo?" taas ng lalaki nung larawan namin ni Glen. "Tingnan mo master nakakatawa," bigay niya sa larawan kay Chazzé. Agad naman na napailing si Chazzé nang makuha ang larawan. "Kilala ko 'to," sambit ni Chazzé kaya napatayo ako. "Sino 'yun!?" mabilis akong tumalikod nang tumingin sa gawi ko ang mga lalaki. Nginig kong kinuha ang kurtina na nasa bintana. Ipinulupot ko 'yun sa aking katawan at hindi lumingon sakanila. "Meow.. meow.." tanging sagot ko at mabilis na umakyat sa taas. Napakasama ng universe at muntik pa akong madapa nang makapasok ako sa aking kwarto. "Hah! Muntikan na 'yun." hingal ko nang makapasok sa loob ng kwarto. Pero teka? Bakit ako tumakbo papunta dito eh alam ko namang ako nagmamay-ari ng bahay na 'to at bakit ba ako nahihiya pa? Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at agad na pumunta sa messenger. Umawalas ang mukha ko nang makitang online ang mambubukol. "Saan ka? Nasa school ka ba?" agad kong send. Ayaw kong isipin niyang nandito ako, oh nakatira ako dito dahil alam kong iisipin niya naman na nagpapansin ako lalo na sa ginawa ko kanina. Mr. Bukol: Nasa isang bahay ako, ayaw mong papuntahin ako sa school kaya nandito nalang ako sa lugar sa kung saan may meow.}:‑) Hindi ko alam kong matatawa ba ako sa reply niy, sarap hambulasin. Me: Mabuti naman, saang bahay ba 'yan? Send... sent. Mr. Bukol: Sa lugar ng dugyot na papansin. Baliw! Bakit naman kasi ang bobo ko? Hinatid pala ako ni Chazzé nitong nakaraang araw! Bakit nawala sa isip ko 'yon? May patago-tago pa akong nalalaman, wala rin naman palang tulong. Mabilis akong lumapit sa bintana at sumilip doon, laking gulat ko nang kumaway mula sa labas si Chazzé. Napailing lang ako sakanya at mabilis na isinara ang bintana. Che! Zzzzz... Nakangiti akong nakaharap sa salamin, nakasuot ako ng pulang dress dahil may dinner kami ng pamilya. Mahaba rin ang tulog ko kanina, hindi ko rin alam kung ano'ng oras sila umalis. At ang mas maganda pa doon ay hindi ako ginulo ng kapatid ko, maganda siguro ang naging practice nila. Itinali ko ang aking buhok, hindi ko gustong nakatali ang mga ito pero kailangan kong maging maayos at magmukhang tao ngayon. Nagiwan din ako ng tira-tirang buhok sa gilid ng aking tenga at agad na nilagyan ng spray. "I love you Tala, ang ganda mo!" sabi ko sa aking sarili. Ngunit agad din na nagbago ang aking timpla nang maisip si Yosi, hindi talaga siya tumawag sa'kin. Hindi pa ako patay kung 'yon ang iniisip niya. Bumuntong hinga nalang ako at agad na lumabas ng kwarto. "Ang ganda naman ng baby ko!" bungad ni mama sa'kin nang makababa ako. "Ako lang po 'yung nag-makeup sa sarili ko." taas noo kong sagot sakanya. Nakapula rin si mama, kita ang cleavage at ang kaputian niya ay talagang kitang-kita. "Ang bata niyo pong tingnan mama." "Maliit na bagay." yucks! "Ako ba? Baka mas bata pa ako kay Glen tingnan nitong suot kong tuxedo." napamangha ako nang pumunta si papa sa aking harapan at umikot pa bago humalik sa noo ni mama. How sweet! "Ano honey?" "Yes naman," sagot ni mama sakanya. Agad naman na lumabas si Glen na ngayon ay sobrang pogi din. Kahawig ko talaga si Glen, kuhang kuha niya ang version ng pagiging lalaki ko. Minsan nga ay nagtaka rin ang mga tao kung kambal ba kami dahil magkatulad daw kami ng mukha. Buhok nalang daw ang kulang ni Glen. Pero hindi ako naniniwala doon dahil ako nagmana kay mama siya kay papa. Nakasuot ng isang tuxedo si Glen at isang puting nasa loob katulad kay papa. Sa mamahaling restaurant ang punta namin kaya dapat bongga din kami. "Magkaka-crush na ang crush mo diyan anak, dahil buhok palang. Plantsado na!" biro ni papa kay Glen nang makarating kami sa isang luxurious restaurant sa sentro. Napahawak ako sa aking kapatid dahil hindi ako sanay sa ganitong maraming taong bongga. Lahat sila nakasuot ng katulad namin. Minsan kasi kapag pumupunta kami dito ay kami lang talaga. Exclusive! Pero ngayon ay marami kami dito. Parang debut ko lang, malapit na 'yon! "OA mo ha!" tampal ko kay Glen nang akmang tatanggalin niya ang kamay ko. Hindi na masyado kaming nakipagdaldalan sa mga kakilala ni papa at agad na umupo sa aming table. "Sino po bang nandito ma?" tanong ko kay mama na ngayon ay nasa gawi ni papa ang tingin. "Dinner date natin 'to, kausap lang ng papa mo si Atty. Charlotte." sabi ni mama at agad na tinawag ang waiter. Napatango na rin ako pero hindi mawala sa gawi ni papa ang aking tingin. Ang ganda kasi ng anak ni Atty. Charlotte, parang may lahi. May lahi nga! Isang amerikana ang mama nila, pero mas maganda parin ang lahi naming mga Pogon. Nang matapos kami sa aming dinner date ay namasyal pa kami, gusto pa sanang pumunta ni Glen sa isang park pero ayaw na ni mama dahil gabi na masyado at may maagang trabaho pa si papa bukas. Tinanggal ko ang aking suot na heels bago bumaba ng sasakyan. Masakit ang paa ko, mabuti nalang at mabait ang kapatid ko kaya kinarga niya ako papasok ng bahay. "Tulog ng maaga Glen!" sabi ni mama sakanya bago ako maka-akyat sa taas. Nang mag-umaga ay wala gaano akong ginawa, pagkatapos ng mesa sa simbahan ay umuwi kaagad ako. Nag-text pa si mama sa'kin na hindi raw uuwi si Glen dahil nasa ka-teammates niya raw ito. Matapos akong kumain ng lunch ay kinuha ko ang librong bigay ni Chazzé sa'kin at bumalik sa sala. "Ano'ng libro 'to?" tanong ko nang makaupo. Kailangan ko pa palang bayaran 'to, at sabay talikod sa libro. Gano'n nalang ang gulat ko nang makitang 959 ang preso ng libro. Agad ko itong binitawan at napahawak sa aking noo. "Grabi naman! Saan ako kukuha ng pambayad sa libro na 'yan?" sabay tingin ko sa libro. Talagang nang-iinis ang lalaki na 'yun eh, halatang papansin dahil hindi naman ako manghingi sakanya ng libro pero binigyan niya ako. So sakanya ang responsibilidad ang magbayad ng libro. Kinuha ko ang libro sa sahig sabay pagkuha ko sa aking cellphone. Gano'n nalang pagngiti ko nang makitang tumawag si Yosi sa'kin. "Yosi!" halatang masaya ako. ["On video call mo, may ipapakita ako sa'yo."] sabay patay niya sa tawag. Sa hindi ko alam, pero sa walang kadahilan ay kinabahan ako. "Yosi, ano 'yun? Kinakabahan ako ah." bungad ko nang sinagot niya. Umayos ako ng upo at nagpigil na huwag tumili nang makita ang maamo niyang mukha. ["Good morning... afternoon pala!" ngiting sabi niya sa'kin. "Kumain ka na?"] Gusto kong tumalon dahil sa gawang pagngiti niya, "Kemain na akue.." nakakainis! ["Siya nga pala kilala mo ba si Atty. Charlotte Suaq?"] tanong niya kaya napatango ako. Siya 'yung kausap ni papa kagabi 'yung may anak na maganda. Ano kayang pakay niya kay Atty. ["Siya 'yung papa ni Chao Naomi Suaq!"] ngiting sabi niya kaya nagtaka ako. "Sino'ng Chao Naomi?" takang tanong ko. Malamang 'yung anak ni Atty. Charlotte na kasintahan ng kaibigang crush mo, bobo mo Tala. ["Siya ang papa ng nililigawan ko Tala. Si Chao Naomi ang nililigawan ko!"] sabi niya kaya napatango ako. ["Kilala mo ba siya?"] tanong nito kaya napailing ako. "Natamaan ng mata ko siya kagabi pero hindi ko gaanong see ang mukha niya dahil gabi eh. Pero maganda 'yun ah." maganda pa sa'kin kaya dapat rin na siya ang ligawan mo. ["Huwag kang mag-aalala ipapakilala ko siya sayo."] Mabilis rin ang naging usapan namin dahil tumawag raw kasi si Naomi sakanya, wala akong magagawa sakanila. Kung pwede ko lang gawan ng witchcraft na sana'y hindi siya sagutin ay ginawa ko na. Kaso hindi ko rin magagawa 'yun, dahil hindi naman ako gano'n kadesperada at kahit ano'ng mangyari ay hindi ako magiging gano'n. Mabuti nalang rin siguro na maging magkaibigan kami,.. pero hangga't hindi pa siya sinasagot ng babae kaya alam kong may pag-asa pa talaga kami. Ngumiti ako at mabilis na isinara ang laptop nang matapos manuod nung mga secret skincare routine ng mga Koreana. Gusto kong flawless ang skin ko para sa susunod na video call namin ni Yosi ay mas makita niyang mas okay nga kung ako nalang. Inayos ko ang libro na bigay ni Chazzé sa'kin pabalik sa aking kwarto. Ayaw ko munang buksan ang libro dahil isasauli ko 'yan sa asungot. Sabi kasi nila na, mawawalan daw ng value ang bagay kapag mabuksan na bago ibenta, parang OA lang pero stick ako sa kasabihan na 'yan. Nagmano ako kay mama nang makita siya sa labas ng bahay. Maaga siyang umuwi ngayon. "Saan ka?" tanong niya nang sinabayan ko siya papasok ng gate. "Sa sentro lang po, magde-date kami ni Sunny." paalam ko. "Mamaya pa uuwi si Sunny nasa Isabela sila ng Lolo niya, nagharvest ng mangga." sabi niya kaya napatango ako. "Kung tawagan ka ni Sunny sabihin mo na manghihingi ako ng mangga." "Sige po." tugon ko kaya napa-oo siya. "Umuwi ka ng maaga!" rinig kong habilin ni mama nang makalabas ako. Habang nasa tricycle papunta ng sentro ay kausap ko si Sunny. Wala pala sa school si Sunny ngayon paano ang practice niya? "Ako pa? Marunong na nga akong sumayaw at tsaka mag-aral ka mamayang gabi dahil may palong quiz daw si mareng Miss Mai." sabi niya kaya napatawa ako. Parang Google lang, inuutusan ako. "Ayaw ko nga! Bayaran mo muna ako ng maraming mangga." ngusong tugon ko sakanya. "Isang sako!" sabay tawa niya kaya napatawa narin ako. Nang makarating sa harapan ng Watson ay agad akong napalingon sa bookstore nila Chazzé. Parang wala naman siya, siguro busy na sa pag-aaral 'yun ngayon. Pero kung ako kasing talino niya hindi na ako mag-aaral, stock knowledge. Kaso wala ako niyan kaya aral-aral din ako kahit hindi ko naman naiintindihan. Ako lang siguro 'yong adik sa libro pero bobo. Kapag may mga bagong words akong nakakasalamuha, confident na confident akong gamitin 'yon panlaban sa mga demonyong tao. Kumuha ako ng basket at agad na kumuha ng isang kit nung garnier. Marami akong whiteheads ngayon kaya kailangan kung mawala ito. Napatingin ako sa aking dalang basket, ano pa bang kulang? Meron akong listahan para mabilis kong makita at ma-kwenta ang mga bibilhin ko. "2,000." Hindi ko inaasahan na may kamahalan pala ang garnier serum. Ang liit lang naman ng bottle nakakainis! Isa nalang ang kulang ko, sunscreen dahil may moisturizer na ako. Mabilis akong pumunta sa pwesto ng mga ito, napalakad ako ng mabilis nang makitang isa nalang ang natira. "Hey!" natigilan ako nang sabay naming mahawakan ang sunscreen. Ang soft ng kamay niya. "Ako ang nauna, sorry?" OA niya, pero ang ganda niya super! Hinawi ko ito papunta sa'kin, "Pasensiya na po, pero ako po ang nauna." ngiting tugon ko. Kita ko ang paghawi niya at pagngisi. Nakakatakot rin siya ah. Kalaunan ay wala akong magagawa dahil siya naman talaga  ang nauna at hindi ako. Binitawan ko nalang ito at napangiti siya. "I told yah! Excuse me." lagpas niya sa'kin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD