“HINDI MO ba pupuntahan si Mayet? Ngayon aalisin ang tahi niya,” paalala ni Rosie kay Devon. Natigilan ang dalawang assistant ni Devon pero patuloy pa rin siya sa pagtipa sa laptop. Madami silang kailangan ayusin sa England at New Jersey. It was good thing that he called Mou and Mariz. Madaling mag-relay nang bilin at dahil sa mga connections ay naisasakatuparan nila ang mga trabaho. Pero kahit busy at kinailangan nang bumalik sa England ay hayun si Devon, hindi pa rin makaalis ng Pilipinas. Napahinga siya nang malalim matapos ipadala ang email para kay Texo. Kinukulit na siya ni Laize na pumunta sa England para makilala na rin ang buong angkan nito. He was so sure about his whole plan. Nagkasundo na sila ni Laize. Socialite ito at pumayag itong pakasal sa kanya dahil hindi naman nito

