“Okay, send the details via email, Mou. Okay, tell her not to worry. I’ll be there before preparing for the wedding,” Nang ibaba ni Devon ang cellphone ay muling pumikit si Mayet. Lalong sumasal ang t***k ng puso niya nang maramdamang naupo si Devon sa tabi niya at nagpakawala ito ng isang mahabang hininga. Nitong huling araw ay napapansin niyang tila nagiisip ito ng malalim. Maging ang laptop ay dala nito at nagta-trabaho habang binabantayan siya. Magmula ng kunin nito ang susi ay napadalas na ito doon para tingnan ang kalagayan niya. Gayunman, hindi pa rin siya makabuwelo dahil mukhang may iniisip ito. Kapag nagtangka naman siya ay saglit lang siya nitong sasagutin at abala na itong muli sa trabaho. Nahigit ni Mayet ang hininga nang ayusin nito ang kumot bago ito tumayo. Narinig ni

