2. HU U

1219 Words
"Ang tagal mong hindi umuwi! Maski noong namatay si mommy, hindi ka nakauwi dito. Nakakapagtampo ka na talaga." naiiyak na sita ni Rosie kay Devon saka ito marahang binayo sa dibdib. Napakurapkurap si Mayet at doon lang nakuhang makahinga. God! She couldn't believe she was mesmerized! Bakit naman hindi? Ang guwapo ni Devon! Nakuha nito ang karamihang features ng amercian na ama nito na mukhang lumutang ng todo sa paglipas ng panahon. Ngayon ay nahahawig tuloy ito kay Chris Hemsworth! "I told you, I was on England that time. Naipit ako sa mga commitments ko at hindi ko naman p'wedeng i-set aside iyon dahil malaking account ng company natin ang mawawala kapag inasa natin iyon sa iba. Besides, Texo Corporation only wants to talk to me." muling paliwanag nito kay Rosie. Si Devon na rin ang humahawak sa naiwang company ng ama nito na limang taon na ring namamayapa. May chains of convenience stores ang ama nito na napalago pa ni Devon magmula ng ito na ang humawak. Bukod doon, pinasok na rin daw nito ang money transferring, ang D. David Express. Naging agent ang D. David Express ng Western Union at sa ngayon ay mayroong sampung branches iyon sa states. Mukhang balak pa nitong i-penetrate ang England! Kaya talagang bigtime na nga si Devon. Hindi niya maiwasang makaramdam ng panliliit. Gusto niyang matawa sa sarili. Hayun siya, kung tutuusin ay matagal na ang tatlong taon na pagiging Medical Representative. Ang mga kasamahan niya, dalawang taon pa lang ay nagiging coordinator na. Naiwan siya sa pansitan sa kabila ng pagiging agresibo. Napahinga nang malalim si Mayet. Hindi naman sa hinahamak niya ang sarili pagdating sa trabaho. Isa iyon kung bakit siya nagbakasyon. She wasn't happy anymore. Parang nawawalan siya ng drive sa lahat. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at walang napapala sa kabila ng pagsisikap. "Ibig mong sabihin, magtatayo ka na ng D. David Express sa England?" nanatyang tanong ni Rosie. Ngumisi si Devon at napasinghap sa pagkabigla ang kanyang kaibigan! Siya naman ay tuluyang nalula na kay Devon. Ni hindi niya magawang malapitan ito. Bigla siyang natakot na hindi mawari. Nanatili lang siyang nakatayo tatlong hakbang mula sa likod ng kaibigan habang niyayanig ng matinding kabog ang dibdib. It was a major twist of her life. She knew that Devon could make something big. Pero binigla siya nito. Hindi niya inaasahang lalampasan nito ang expectations niya at matatabunan siya. "Yes. Ka-share natin ang Texo sa convenience store at money transferring doon. In England, Texo was a company who has convenience stores who also likes to expand their business. Si Mr. Texo Smith, ang anak ng owner. Nakasama ko sa conferrence at doon kami nagkakilala." Anito at hindi maitatanggi ang tuwa sa tagumpay na natamo nito. "Mahigit isang taon din namin pinagaralan ang project. We looked for feasible location and everything until it was fully operational so... here I am. Saying all the good news." "Devon!" naiiyak na impit na sigaw ni Rosie at muling niyakap ng kapatid. Hindi niya mapigilang mapangiti sa dalawa. Walang ibang bukambibig noon si Rosie kundi si Devon. Pinagmamalaki talaga nito ang lalaki at hindi niya ito masisisi. Devon deserved that. "Tama na nga, ate. Basang-basa na ang damit ko," natatawang awat ni Devon. Hindi niya mapigilang makaramdam nang tuwa sa narinig. Kahit matagal na namalagi si Devon sa ibang bansa, 'ate' pa rin ang tawag nito sa kaibigan niya. Nagbibigay impresyong hindi pa rin nito nakakalimutan ang kultura sa Pilipinas. "Okay, okay." Ani Rosie saka pinahid ang mukha. "I'm with Mayet. Natatandaan mo pa ba siya?" "Of course." Nakangiting saad ni Devon saka siya muling tiningnan. Tumalon na yata palabas ng ribcage niya ang puso sa ngiti ni Devon. Sabihin man hindi kasing luwang ng ngiti noon, guwapo pa rin ang ngiti nito. Hindi naman niya ito masisisi. Alangan namang salubungin siya nito ng yakap sa kabila ng ginawa niya? Parang nanigas na yata ang panga ni Mayet. Ni hindi siya makangiti dahil batid niya at damang-dama ang matabang na pagtingin ni Devon sa kanya... Naglakad ito palapit at napaurong si Mayet. Sa bawat paghakbang nito ay tila niyayanig ang dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit ganito katindi ang epekto ni Devon. Ah, maybe because of the idea who is Devon right now. What he is capable of... his achievements... how this man change after so many years she didn't saw him... "How have you been?" nakataas ang isang sulok ng labing tanong nito saka inilahad ang kamay. Nagkaroon ng bikig ang kanyang lalamunan Mayet. Biglang-bigla, gusto niyang humingi ng tawad. She wanted to say how sorry she was. Na sobrang pinagsisihan niya ang lahat ngunit hindi niya nagawang isatinig. Bigla siyang nakaramdam nang matinding hiya sa mga ginawa. "G-Great... I've been good," mahinang sagot niya nang makahuma saka tinanggap ang palad nito. Mainit iyon. May katigasan at kalaparan, dahilan kung bakit nakaramdam siya ng pananayo ng balahibo sa katawan. His palms changed too. Ang munting boltaheng nadama niya noon ay naging kidlat na ang tama sa kanyang sistema. Naapektuhan noon maging ang pagpitlag ng kanyang puso na ayaw ng humupa. "Nice to hear that," anito. Tiningnan pa siya nito nang matagal saka marahang tinapik sa braso. "Let's go? I'm starving," anito saka nilingon ang kapatid at inalalayang makapasok sa sasakyan niya. Parang natulos na sa kinatatayuan si Mayet. Hindi niya mapigilang makaramdam ng disappointment at panlulumo. She couldn't understand why her heart broke that time. Pakiramdam niya, tinanong lang siya nito at kinumusta dahil kailangan. Ganoon lang... Hindi naman naging sila pero ganoon katindi ang nadaramang sakit sa dibdib ni Mayet. Kinalma niya ang puso. Walang dahilan para makaramdam siya ng ganoon. Ang tigas ng mukha niya. Siya pa ang may ganang masaktan? Pagkatapos na lang ng mga ginawa niya? Pinilit niyang umastang natural pagpasok sa loob ng sasakyan at pinasibad iyon. Sa daan ay tahimik lamang siya at hindi mapigilang mapatingin sa rear view mirror para makita ang kalagayan nito sa likod. Napabuntong hininga siya ng makitang mukhang nakatulog na ito sa labis na pagod sa biyahe. "Ang guwapo na ni Little Devon, ano?" mahinang untag ni Rosie kay Mayet. Marahang napatango si Mayet at bahagyang nginitian ang kaibigan. Mahirap na kung sumagot siya. Baka marinig pa ni Devon ay nakakahiya lang dito. Bahagyang natawa si Rosie at nailing. "'Hu u' ka ngayon sa kanya, pansin mo?" Natawa siya pero sa loob-loob niya ay nalungkot at napahiya si Mayet. She was indeed right. Ganoon ang nararamdam niya, sa totoo lang. He transformed then he was ignoring her. It broke her heart. Napabuntong hininga si Mayet at tumigil sila sa stop light. Napalingon siya sa mga tumawid sa kalsada at nanikip ang dibdib niya ng may makitang isang matandang lalaking tumawid na mayroong hawak na sampung lobo. Suddenly, memories flooded inside her heart and mind. Wala sa sariling napatingin siya sa rear view mirror at tumalon ang puso niya ng magtama ang paningin nila ni Devon. Biglang-bigla, gusto niya itong tanungin kung naaalala ba nito ang tungkol sa lobo. But the man closed his eyes again and rest. Biglang bumigat ang pakiramdam ni Mayet. Pakiramdam niya, doon palang ay hindi na siya nito binigyan pa ng karapatan. Right. What gave her the right to do that? She used to be Little Devon's first love but unfortunately... his greatest pain...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD