3. THE LITTLE DEVIL

568 Words
Thirteen years ago… “Rosie! Male-late na tayo! Dalian mo ng kuhanin ang project natin! Ano ba naman ‘yan?!” naiinis na sisi ni Marietta Lagade o Mayet sa kaibigan. Nilamay nila ang scale model ng maliit na kubo para sa subject nilang Practical Arts pero nalimutan nito. Kahit magkapitbahay sina Mayet at Rosie, naunang pumasok si Mayet ng umagang iyon dahil sa pagaakalang nauna si Roise. Pagdating sa school ay agad hinanap ni Mayet ang project. Doon lang nito naalalang hindi nadala. Sumama na si Mayet umuwi para kuhanin iyon nang makasiguro. “Heto na nga! Nagmamadali na ngang hanapin ang susi ng gate, eh,” reklamo nito na halos magkandaugaga sa paghahalungkat sa bag. “Tulog pa ang lahat ng tao sa bahay kaya kailangan gamitin ko ang susi ko. Napuyat kaming lahat dahil dumating ang kapatid ko kaninang madaling araw. Lutang pa nga ako. Kita mo naman, nalimutan ko ang project natin.” Napapangiwing paliwanag ni Rosie. Napaangat ang kilay niya. “May kapatid ka?” takang tanong niya rito. Ni hindi nito nakwento iyon. Tumango ito. “Anak siya ni mommy sa isang kano. May salon si mama sa Olongapo dati, tanda mo? Doon niya iyon nakilala. Naiwan ako noon dito kasama si Tita Maybel.” Tukoy nito sa kapatid ng nanay nito. “Paguwi niya dito, sarado na ang salon doon at si Devon, kinuha ng tatay niya para isama sa New Jersey.” Napatango siya sa paliwanag nito at doon naman nito nahanap ang susi. Agad na nitong binuksan ang gate at humahangos na pumasok sa loob ng bahay. Sumunod siya at halos pakapang pumasok sa loob dahil sa dilim. “Rosie?” mahinang tawag niya sa kaibigan. Kahit sabihing kaibisado niya ang loob ng bahay ay hindi niya maiwasang matisod. Ilang beses siyang napa-aray dahil sa pagtama ng tuhod sa matigas na upuan o side table. “Rosie?” tawag niyang muli. “Asan ka ba?” tanong niya. Nang maaninag ang hagdan patungong second floor ay tinumbok niya iyon ng dahan-dahan. Pagdating niya sa taas ay lalo siyang napangiwi sa dilim. Tinahak ni Mayet ang daan na sa tingin niyang kuwarto ng kaibigan ng biglang bumukas ang isang pinto sa kanan na alam niyang matagal ng hindi ginagamit. Agad na iniluwa noon ang isang tao at napatili siya ng mabangga siya nito! Napahiga si Mayet dahil nawalan ng balanse. Salamat at naging maagap ang nakabangga sa kanya dahil nahawakan nito ang ulo niya. Gayunman ay napagadan ito sa kanya! “Ano ba!” naiinis na asik niya rito ng makahuma at inis na tinulak ito sa dibdib. Dama niyang lalaki ito. Naamoy din niya ang personal na amoy nitong nahahaluan pa yata ng baby cologne. Agad naman itong tumayo at doon naman nagsipagbukasan ang mga pinto maging ilaw kaya kitang-kita niyang iniluwa sina tita Maybel at ang mommy ni Rosie na si tita Rosalie. Si Rosie din ay lumabas din sa sarili nitong silid hawak ang scale model. Napatingin si Mayet sa kamay na nakalahad sa kanya at nag-angat siya nang tingin. Napasimangot siya nang makitang pilyong nakangiti ang isang binatilyo sa kanya. Gayunman, napansin niyang ang cute tingnan ng abuhing mga mata nitong mayroong kislap ng kalokohan. Bumilis ang t***k ng puso niya. Somehow, his eyes send her a thousand unknown mysteries. Parang may iniisip itong kalokohan na gusto niyang malaman. He was like a little devil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD