4. PUPPY LOVE

637 Words
“Devon! What did you do?” gigil na tanong ni tita Rosalie dito at inalalayan siyang makatayo. “Huwag mo akong hawakan!” asik niya sa lalaking tinawag na Devon ng akma nitong hahawakan ang manggas niya para ayusin. Gayunman ay hindi ito nagpaawat si Devon. Inayos nito ang pagkakalislis niyon at itinaas baba ang mga kilay. Lalo siyang napasimangot at natawa naman si tita Maybel na mukhang natutuwa sa kapilyuhan ng bata. “I wanted to pee that’s why I was in a hurry,” pagrarason nito. “I’m really sorry,” hinging paunmanhin nito saka dali-daling umalis. Mukhang doon nito naramdamang muli ang tawag ng kalikasan. Napabuntong hininga ang mommy nito at napailing. “Hindi ko pa napagawan ng sariling CR ang kuwarto niya. Biglaan kasi ang dating ni Devon dito. Umalis din agad ang daddy niya dahil hinabol pa ang flight. Pasensya ka na, ha?” “Oo nga. Pasensya na talaga. Tara na?” untag din ni Rosie. Napabuntong hininga si Mayet at tumango na lamang. “Sige ho. Aalis na ho kami.” Paalam niya. Tumango naman si tita Rosalie at sinamahan na sila ni Rosie makalabas. Pagdatingsa gate ay naghintay na sila ng tricycle. “Mom!” Naitirik ni Mayet ang mga mata nang marinig ang tinig ni Devon. Doon palang, ramdam na niyang napakakulit at pilyo nito. Napabuntong hininga na lang siya at umastang nagaabang ng tricycle ng lumabas ito. “I want to go to ate’s school,” demand nito sa ina. Tunog spoiled brat. Tunog na walang makakapigil kahit harangan pa ng sibat. Napatingin si Mayet kay Devon. Doon niya nakitang maigi ang itsura nito. Cute ito. May pagka-brown ang buhok. Tisoy. Matangos ang ilong at mapupula ang labi. Magaganda ang mga ngipin nitong ngiting-ngiti sa kanya. Gayunman, sablay ang height nito. Mas matangkad siya rito. Hanggang baba lang niya ito. Malaking bulas siya kaya higit siyang matangkad kaysa sa mga mga kaedad. Ah, may mga batang ganoon naman at natitiyak niyang pagdating ng hustong gulang ay tatangkad din ito. Hindi nga lang niya sigurado kung hanggang saan ang itataas nito. Napasinghap si Mayet nang kindatan ni Devon! Aba! Tinamaan talaga ng kidlat ang binatilyong ito! Mukhang balak pa siyang pormahan! Bumilis ang t***k ng puso ni Mayet at napatikhim. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkailang. Nagkaroon ng paru-parong nagliliparan sa kanyang sikmura. Maraming nagtangkang manligaw Mayet sa edad na dise-sais pero hindi pa siya nakaramdam ng ganoon. Banyaga ang emosyong biglang lumukob sa kanya. Ah, marahil ay iba ito sa lahat ng lalaking nagpakita ng interes. Prangka ito, agresibo at hindi nahihiyang maglahad ng damdamin. Nakakabigla iyon kay Mayet. Gayunman, sa kabila ng pagiging lutang nito ay magiging tulad din ng iba ang kahihinatnan nito: wala siyang pinayagan ni isa sa mga nagtangkang manligaw sa kanya. Bata pa siya. Marami pa siyang pangarap at ang ligaw-ligaw na iyan o crushes ay major distraction lamang. Marami silang nais na patunayang magina sa ama. Bata pa lamang siya ay iniwan na sila nito dahil sa takot na mawalan ng mana mula sa namatay na lolo. Pinili nito ang kayamanan kaysa sa kanila. Sa ngayon ay lumalangoy na ito sa salapi kasama ang mayamang napangasawang napili ng lolo niya para rito. Samantalang siya ay iginagapang ng ina. Isang simpleng clerk ang kanyang ina sa Registry of Deeds. Dama niyang galit ito sa ama tulad niya. Kaya sa tuwina’y walang bukambibig ito kundi ang igagapang siya nito kahit wala ang tulong ng ama. Nauwi sa taas ng pride ang galit nito. Maging siya ay na-adapt na iyon dahil lumaki siyang nakikita kung paano magkandaugaga ang kanyang ina. Maging ang pag-a-avon at pati ang pagtitinda ng kung anu-anong plans ay pinasok nito para lamang mapagaral siya sa isang maganda at pribadong eskwelahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD