“What?” painosenteng tanong ni Devon. “Ganyan na ba kalaki ang galit mo kay Mayet? Hindi ka na naawa sa tao. Nag-tricycle papuntang clinic. Aalisin ang tahi noon. Mahihirapan iyong sumakay sa tricycle. Akala ko ba, okay ka na?” sermon nito sa kanya. Naginit ang ulo ni Devon pero nagpakatimpi siya. “I am okay. It’s just that I’m busy,” malamig niyang sagot. Napabuntong hininga ang ate niya at inis na iniwanan si Devon. Doon bumalik ang dalawang empleyado na todo siyang inasikaso. Mou gave him coffee and Mariz gave him water. Si Devon naman ay hindi mapakali dahil inuusig siya ng pagaalala. Hindi niya mapigilan ang sarili. That’s what he hated the moment he saw Mayet after thirteen years. Sa airport pa lang, gusto na niyang bumalik agad sa New Jersey. Gusto niyang magpakalayo-layong

