"Devon, huwag ka nang magalit," malumanay na untag ni Mayet. Marahan niyang hinawakan ang palad nito at pinisil. She wanted him to feel that she understand his anger. That everything wasn't easy for him. Kanina pa siya nito hindi kinakausap at nagpasya na siyang sunggaban ang pagkakataong iyon para muling humingi ng tawad dito. Nagpakawala ito ng isang mahabang buntong hininga. "Mayet, I'm—" "Alam kong nasaktan kita..." anas niya. Nanikip ang dibdib niya. "I'm sorry for hurting you that much. For not saying anything until I leave. N-Natakot ako at sobrang nahiya sa'yo... s-sana, makuha mo pa rin akong patawarin. Kahit hindi pa ngayon, ako naman ang maghihintay sa kapatawaran mo..." sinserong anas niya. "Shh... shut up," anas nito saka mariin nitong ipinikit ang mga mata. Napahikbi

