"Are you sure about renting this place?" alanganing tanong ni Rosie kay Mayet. Pinunasan muna niya ang noo bago ito hinarap. Kasalukuyan siyang naglalagay ng stock sa cooler ng mga vaccines. Tuluyan na siyang nag-resign sa RPG Laboratories. Napagisip niyang mas maiging magtayo na siya ng sariling negosyo kaysa ang mamasukan. Since nawalan na siya ng drive sa career na iyon ay nagdesisyon siyang iyon na lamang ang gawin. Nilakasan niyang muli ang loob na lumapit sa ama. Sa pagkakataong iyon ay hinarap na siya nito at nakapagusap na sila ng masinsinan. Namatay na rin ang asawa at ang tatay nito na kumokontrol ng kilos nito kaya hindi sila nito hinarap noon. Humingi ito ng paumanhin at binigyan naman niya ito ng pagkakataon. Matanda na rin ito. Ang kung anumang galit niya noon ay tuluyan n

