Ilang segundo kaming nagkatitigan bago niya tuluyang ibinaba ang mga mata niya. May kung anong gumuhit sa dibdib ko isang takot na baka nababasa na niya ang mga lihim na pilit kong ikinukubli. “Hindi mo kailangang magpanggap sa akin,” mahina niyang sabi. Natigilan ako. “Anong ibig mong sabihin? ” "Wag mo kami gamitin ng anak mo para sa pansarili mong intensyon." Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Sa halip, tumayo ako at tumalikod sandali. Pinilit kong ayusin ang tono ng boses ko bago muling humarap sa kanya. “Hindi ako nagpapanggap, Victoria. Nais ko lang ayusin ang lahat, at nais ko gawin ito ng paunti-unti." "Sa tingin mo ba ganoon na lang kadali ayusin ang lahat ng nasira mo?" "Hindi, ngunit nais ko subukan." "Mapapagod ka lang." "Handa ako harapin ang matinding pagod n

