Maaga akong dumating sa restaurant kinabukasan. Mas maaga kaysa dati, na para bang may hinahabol ako o iniiwasan. Tahimik pa ang lugar, ang mga ilaw kalahati pa lang ang bukas, at ang amoy ng tinapay na kakalabas lang sa oven ang unang bumungad sa akin. Iyon ang mga sandaling pinanghahawakan ko. Mga sandaling walang inaasahan sa akin ang mundo kundi ang simpleng paghinga. Hinubad ko ang coat ko at isinabit sa likod ng upuan. Dumiretso ako sa kusina, binati ang staff, at sinimulan ang routine na matagal ko nang kabisado. Inventory. Schedule. Mga bagay na kaya kong ayusin dahil may malinaw na simula at wakas. Hindi tulad ng ibang parte ng buhay ko. Dumating si Ethan bandang alas-siyete. Tama sa oras. May dala siyang ngiti na parang walang kailangang patunayan, parang hindi nagmamadali, pa

