chapter 17 Demonyo

1052 Words

Dumaan ang halos maghapon na hindi umuwi si Theo. Mag-isa lang ako sa hotel at paminsan ay namamasyal sa tabing dagat. Ganito na siguro ang buhay ko, ang mabuhay sa matinding kalungkutan. Asawa na kasal lang sa papel at ang asawa na itinatago. Oo, alam ng pamilya niya na kasal kami ngunit hindi ng mga taong nakakakilala sa amin. Para kaming stranger sa isa't isa. Hindi kaya ilantad dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung hanggang kelan niya ako itatago bilang asawa niya at hanggang kelan ako mabubuhay sa kalungkutan kasama ang isang taong walang pakielam. Halos nakatulugan ko na ang pagmumukmok ko sa aking silid. Wala akong kinain na kahit na ano dahil wala akong gana. Hindi ko na nga namalayan kung anong oras na ng mga oras na iyon nang may maramdaman ako humahaplos sa aking hita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD