Agad nagbago ang mukha ko nang mabasa ko ang mensaheng nasa cellphone ko. Isang pangalan ang nakasulat sa screen. Nadia. “Kailangan kita. Ngayon na. Kung hindi mo ako pupuntahan, ako ang pupunta diyan." Nanlamig ang mga daliri ko. Hindi siya pwedeng pumarito lalo na at may mga taong nais akong pabagsakin. “Sino iyan? ” tanong ni Victoria, mahina ngunit may halong pag-aalala. “W-ala na, wrong sent lang, aalis muna ako.” Alam kong halatang nagsisinungaling ako. Sa tuwing nakatingin siya sa akin, pakiramdam ko nababasa niya ang lahat ng itinatago ko. “Sa tingin ko mas makabubuti kung huwag mo na isipin ang problemang ito. Pumasok ka na sa kwarto at magpahinga. May pupuntahan lang ako na importante.” “At saan naman? ” “Hindi mo na kailangan malaman pa.” Pagkasabi ko pa lang noon, gu

