bc

My Twin Brother's Girlfriend - SPG

book_age18+
30.4K
FOLLOW
121.5K
READ
love after marriage
forced
pregnant
badgirl
bitch
drama
bxg
enimies to lovers
wild
like
intro-logo
Blurb

TAGALOG COMPLETED

Paano kung biglang dumating ang pagkakataon na hilingin sa'yo ng kakambal mo na pakasalan ang girlfriend nito bago ito mamatay? Gagawin mo ba? At paano rin kung ang girlfriend nito ay ang pinaka pasaway, maarte at maldita sa university na pinapasukan niyo?

Magagawa ba ng isang Presidente ng Supreme Student Council na baguhin ang isang Mikah Villa Agustin?

Marco Jay Gamboa x Mikah Villa Agustin Story.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"M-marco.." Daing ni Mico habang hawak-hawak ang isang kamay niya. Hinigpitan niya ang hawak niya sa duguang kamay ng kakambal. "S-si Mikah-- Promise me, huwag mo siyang pa..babayaan" Nahihirapang sabi ni Mico habang habol-habol ang hininga. Hindi siya kaagad nakasagot. Mico met an accident habang papunta sa simbahan kung saan naghihintay ang soon to be wife nitong si Mikah Villa Agustin. The famous rebel in the school campus. Humigpit pa lalo ang hawak nito sa kan'ya "K-kuya please-- marry her.." Halos manlaki ang mga mata niya sa narinig. Gusto nitong pakasalan ko ang girlfriend nito? "H-hindi ko na kaya.. Ipangako mo.. huwag mo siyang pababayaan k-kahit anong m-mangyari.. Pakasalan mo siya" Kitang-kita niya ang paghihirap sa mukha nito base na rin sa pagsasalita nito.  "Mico! Don't say that! Mabubuhay ka!" Umiling ito "P-promise me, p-please?" at nahihirapan na itong huminga. Pikit-mata siyang tumango "Okay, I promise!" Nakita niyang ngumiti si Mico. "S-salamat..kuya" At tuluyan na itong bumitiw sa mahigpit na pagkakahawak niya. "Mico!"  Napalingon si Marco sa nagsalita, it was Mikah who is running while wearing her white wedding gown. "Mico baby, I'm here" Umiiyak na sabi nito at niyakap ang nakapikit ng kakambal niya, wala itong pakialam kahit malagyan ng dugo ang puting-puting damit nito. Siya naman ay hindi makapagsalita, parang nalunok niya ang dila. Mico is gone? My brother is gone? Pabagsak siyang napaupo sa isang silyang naroroon. Pero dinig na dinig niya pa rin ang daing at hinagpis ni Mikah. "Baby, look I'm already wearing my wedding gown. Hindi ba excited kang makitang suot ko ito? Hindi ba we will go to new york together tapos hindi ba nangako ka na lilibutin pa natin ang buong mundo? Baby, today is our wedding day bakit tulog ka pa rin d'yan?" walang humpay na iyak at hagulgol nito. Ang isang Mikah Villa Agustin umiiyak at walang pakialam kahit magulo ang buhok at make-up nito. "Mico! Mico, please don't leave me! Please, I'm begging you!" hagulgol pa rin nito. Nararamdaman niya ang paghihirap na nararamdaman nito. Hinawakan niya si Mikah sa isang braso at pinipilit ilayo sa bangkay ng kapatid dahil kailangan na itong dalhin sa may morgue. "Don't touch me!" At tinanggal ang pagkakahawak niya mula rito. "You need to be strong, Mikah" mahinahong sabi niya rito. Humarap ito sa kan'ya at galit na nagsalita "Strong?! You think kaya kong gawin iyan?! Iyong lalaking pinakamamahal ko ay iniwan na ako at hindi na babalik kahit kailan! How can I be strong?! f*****g tell me!" sigaw nito sa kan'ya. "Do you think na it so easy for me to accept this?! Hindi lang kapatid ko ang nawala Mikah, I also lost my bestfriend, my companion, my twin, my partner in everything! Kaya huwag kang umakto na parang ikaw lang ang nawalan!" Hindi niya na napigilan ang sarili at nasagot na ang babae. But, I really know this is not also easy for her, for us Hindi ito nakaimik at tulala lang nakatingin sa bangkay ng kapatid.  "Look, I'm sorry. Hindi makakabuti kung mag-aaway tayo," pagkuwan ay sabi niya rito. Hindi pa rin ito nagsalita at nanatiling walang imik hanggang sa kuhanin na ang bangkay ng kakambal niya. Makalipas ang halos 3 oras ay naiayos na ang mga labi nito. Ni hindi man lang makakauwi ang Ate Elize niya at mga magulang nila mula sa Canada. Pagkaraan ng ilang araw ay mabilis na ring nailibing ng maayos ang kapatid niya, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakausap ni Mikah. Isang linggo na ang lumipas magmula nang mailibing ang kapatid niya pero hindi man lang niya nakikita ang babae sa school. "Suzette" Tawag niya sa kaibigan ni Mikah nang makita ito sa may pathway. "Yes, president?" Matamis na ngiting sagot nito habang nagpapa-cute at pumipikit-pikit pa ang mga talukap ng mga mata. "Do you know where's Mikah?" "Nope" nakangiting sagot nito. "Do you know where can I see her?" Nag-isip muna ito bago muling nagsalita "Yes, but I'm not gonna tell you" Ngisi pa nito sa kan'ya na ikinainis niya. "Suzette, please I don't have time for this, tell me her address"  Pero hindi pa rin ito nagsalita. "I owe you for this, please?" Pagmamakaawa niya rito, hindi kasi maganda ang kutob niya. Bigla itong tumawa ng malakas "I'm just kidding pres. of course I'll give you her address," at mabilis na sinabi nito iyon sa kan'ya. Mabilis siyang nagpunta ng parking lot at sumakay sa kotse niya. Nakakailang doorbell na siya nang makarating sa lugar ngunit walang lumalabas at nagbubukas ng pinto. "Mikah" tawag niya rito. Nang hindi pa rin ito sumasagot ay sinubukan niyang pihitin ang doorknob, nagulat siya nang bumukas ang pintuan. Dahan-dahan siyang pumasok. Nakita niya ang mga nagkalat na bote ng alak at magulong loob ng bahay. "Mikah.." tawag niya pa rito. Pumasok siya sa kusina at sa may loob ng kwarto pero wala ito, akmang lalabas na siya ng kwarto nang mapalingon sa may banyo. Naririnig niya ang lagaslas ng tubig kaya nagmadali siyang tumungo roon at halos matulala sa nakita, Mikah is laying on the floor of her bathroom. Naglaslas ito? Tanong niya sa sarili nang makitang humahalo ang dugo nito sa tubig na naroroon. Binuhat niya ito at dali-daling dinala sa ospital. Isang oras na siyang naghihintay sa labas ng Emergency room nang biglang bumukas ang pintuan. "Doc, how is she?" Nagmamadaling tanong niya sa doktor na kalalabas lang. "She's fine, mabuti at naidala mo siya kaagad dito kung hindi ay baka naubusan na ito ng dugo." Paliwanag sa kan'ya ng doktor. Hindi siya kaagad nakapagsalita. "She needs to rest and then pwede na siyang lumabas, I'll need to go. Naibilin ko na ang lahat sa nurse" Paalam nito sa kan'ya na agad naman niyang tinanguan pagkatapos magpasalamat. Pagkaalis ng doktor ay agad niya itong pinuntahan. Namumutla ito, wala itong kahit na anong make-up sa katawan but she's still beautiful. Why did you do this?  Nang bigla ang pagdilat ng mga mata nito "Mico?" Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. "Mico? You're back!" Ngiti nito at bigla siyang niyakap. "Mikah, wait" at pilit tinatanggal ang pagkakayakap nito mula sa kan'ya. "What's wrong, baby?" Kita niya ang pag-alala sa mukha nito. "Mikah.. M-mico is gone. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa kapatid ko," pagpapaliwanag niya rito ng mahinahon. Nag-uunahang pumatak ang mga luha sa mga mata nito. "Im not Mico but I'm willing to m-marry you, Mikah" pikit-matang sabi niya rito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

Just A Taste (SPG)

read
893.7K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Their Desire (Super SPG)

read
964.2K
bc

My Husband's Mistress

read
297.8K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
444.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook